SLSU Lucban - BCAED Batch 2025

SLSU Lucban - BCAED Batch 2025 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SLSU Lucban - BCAED Batch 2025, Education, Brgy. Kulapi, Lucban.

17/01/2024

Are you ready?

Get up and roll those sleeves up, as a spectacular journey awaits you. Join us as we celebrate the lively and vibrant culture of our world through dance.

Prepare to learn and to be entertained as we move our bodies through the rhythm of the music and to the beat of our passion.

"One Dance, One World: Grooving through the Decades."

Live at the SLSU Gymnasium on January 19, 2023, at 10 a.m.

Edited by: Christian Perfiñan

30/12/2023

FILO: Ang Misteryong Kwento ng Isang Munting Bata

Kamatayan ang isa sa pinakamapait at malungkot na hantungan ng lahat ng tao. Pagkatapos mong mabuhay at matamasa ang ganda ng daigdig, bigla na lang itong maglalaho sa dilim ng kawalan. Marahil sa halos lahat ng karanasan ng tao sa ibabaw ng daigdig, ang pinakamahirap tanggapin ay ang masaklap na wakas, ang kamatayan.

Ano ba talaga ang naghihintay sa dulo ng paglalakbay ng tao? Sa kamatayan ba tunay na hahantong ang isang paglalakbay ng buhay sa daigdig?

Mula sa produksyon ng "Tatlong Yugto sa Tag-ulan" inihahandog ng Batsilyer ng Kultura at Sining Pang-Edukasyon III ang ikatlong kwentong maghahatid ng misteryoso at kakila-kilabot na karanasan sa inyong panonood.

Halina't tunghayan ang aming muling pagbabalik sa ibabaw ng entablado sa ganap na ika-3 ng hapon sa Enero 5, 2024, CTE-AVR.

📽 Produksiyon ni: Jayven Casinello

🎬 Sa Direksiyon ni: Mairo M. Castillo

🎞 Sa Ilalim ng Pangangasiwa ni: Hens Lence Aumentado

🖼 Joyce-Anne Lee Rance

30/12/2023

Pagsibol ng Halimaw | Theater Production Trailer

“Ito ang kwento ng nagbabagong panahon
Babaklasin ang matatandang mga kahon
Sibilisasyon muna ay ating guguhuin
Lumang pananaw ay atin nang lalansagin.”

“Lahat ng bakas ng kasaysaya’y uubusin
Lolo, Lola, Tiyuhin o Tiyahin
Hindi palalampasin.
Kikitilin, Liligwakin, at papatayin
Lahat para sa pagbabago ng bayan natin.”

“At ang ititira ay iilan,
Mga kabataang magsisilbing huling pag-asa ng ating bayan.
Ibubukod, ihihiwalay sa masamang tinapay
Kaya paalam na, Nanay at Tatay.”

“Kami ang bagong dugo.
Walang muwang, bukal ang kalooban
Paalam na bulok naming mundo,
Walang babaunin mula sa iyo.”

Mula sa produksyon ng "Tatlong Yugto sa Tag-ulan" inihahandog ng Batsilyer ng Kultura at Sining Pang-Edukasyon III ang ikalawang kwentong itatampok ang mensahe ng pagtindig para sa iisang hangarin.

Halina't tunghayan ang aming makapanindig balahibong pagtatanghal sa Enero 5, 2024, araw ng Biyernes, sa ganap na ika-3 ng hapon, sa College of Teacher Education, Audio-Visual Room.

Pagsibol ng Halimaw
ni Gold Villar-Lim

🎭 sa Direksyon ni Joylyn Astoveza

🎭 sa Pangangasiwa ni Kier Rufo

🎭 Musika ni Airha Mostoles

🎭 Koreograpiya ni Ven Angelo Villasanta

🎭 Produksyon ni Jerico Miguel Madridano

🎭 Prodyuser ng Produksyon: Professor Federico Ceribo

🎞️Likhang Trailer ni Shekira Mae Catan

30/12/2023

Tabi-Tabi Po!

Sa isang liblib na nayon ng Barrio Lihim, may isang matandang puno na katakot-takot ang wangis. Ito ay misteryoso at kinatatakutan ng marami. Ito ang mahiwagang puno ng Balete. Sa punong ito paniniwalang nananahan ang mga hindi pangkaraniwang nilalang, na pinangyayarihan ng takot ng Barrio.
Sa kabila ng kaguluhan at kahiwagaang nangyayari sa Nayon, nakakabahalang patayan at misteryosong pagkawala ng ilan, sa mga elemento’t Aswang ibinabaling ang sisi. Sila nga ba ang tunay na salarin o may iba pang nilalang na sanhi ng mga nararanasang hiwaga't suliranin?

Inihahandog ng Ikatlong taon ng Batsilyer ng Kultura at Sining Pang-Edukasyon ang Unang kwento sa Tatlong Yugto sa Tag-ulan. Sama-sama tayong mamangha, maaliw, at matuklasan ang lihim at kilabot na bumabalot sa baryo ng Lihim sa darating na ika-5 ng Enero, 2024 sa Audio-Visual Room ng SLSU-College of Teacher Education.

Prodyuser ng Produksyon: Prof. Federico Ceribo
Sa Produksyon ni: Jay Russel Cueto
Sa Direksyon ni: Gino Laguardia
Sa Ilalim ng Pangangasiwa ni: Frank Wilson Ventura

FILO: Ang Misteryong Kwento ng Isang Munting BataKamatayan ang isa sa pinakamapait at malungkot na hantungan ng lahat ng...
29/12/2023

FILO: Ang Misteryong Kwento ng Isang Munting Bata

Kamatayan ang isa sa pinakamapait at malungkot na hantungan ng lahat ng tao. Pagkatapos mong mabuhay at matamasa ang ganda ng daigdig, bigla na lang itong maglalaho sa dilim ng kawalan. Marahil sa halos lahat ng karanasan ng tao sa ibabaw ng daigdig, ang pinakamahirap tanggapin ay ang masaklap na wakas, ang kamatayan.

Ano ba talaga ang naghihintay sa dulo ng paglalakbay ng tao? Sa kamatayan ba tunay na hahantong ang isang paglalakbay ng buhay sa daigdig?

Halina't tunghayan ang aming muling pagbabalik sa ibabaw ng entablado sa ganap na ika-3 ng hapon sa Enero 5, 2024, CTE-AVR.

📽 Produksiyon ni: Jayven Casinello
🎬 Sa Direksiyon ni: Mairo M. Castillo
🎞 Sa Ilalim ng Pangangasiwa ni: Hens Lence Aumentado

🖼: Joyce-Anne Lee Rance

"Sa pagbabago ng panahon, walang tunay na halimaw. Tayo ang bumubuo ng sarili nating halimaw."Mula sa produksyon ng "Tat...
29/12/2023

"Sa pagbabago ng panahon, walang tunay na halimaw. Tayo ang bumubuo ng sarili nating halimaw."

Mula sa produksyon ng "Tatlong Yugto sa Tag-ulan" inihahandog ng Batsilyer ng Kultura at Sining Pang-Edukasyon III ang ikalawang kwentong itatampok ang mensahe ng pagtindig para sa iisang hangarin na pinamagatang "Pagsibol ng Halimaw" ni Gold Villar-Lim

Halina't tunghayan ang aming makapanindig balahibong pagtatanghal sa Enero 5, 2024, araw ng Biyernes, sa ganap na ika-3 ng hapon, sa College of Teacher Education, Audio-Visual Room.

🎭 sa Direksyon ni Joylyn Astoveza
🎭 sa Pangangasiwa ni Kier Rufo

🎭 Musika ni Airha Mostoles
🎭 Koreograpiya ni Ven Angelo Villasanta

🎭 Produksyon ni Jerico Miguel Madridano

🎭 Prodyuser ng Produksyon: Prof. Federico Ceribo



🎨 Likhang Sining ni Christian Perfiñan

Sa isang liblib na nayon ng Barrio Lihim, may isang matandang puno na katakot-takot ang wangis. Ito ay misteryoso at kin...
29/12/2023

Sa isang liblib na nayon ng Barrio Lihim, may isang matandang puno na katakot-takot ang wangis. Ito ay misteryoso at kinatatakutan ng marami. Ito ang mahiwagang puno ng Balete. Sa punong ito paniniwalang nananahan ang mga hindi pangkaraniwang nilalang, na pinangyayarihan ng takot ng Barrio.
Sa kabila ng kaguluhan at kahiwagaang nangyayari sa Nayon, nakakabahalang patayan at misteryosong pagkawala ng ilan, sa mga elemento’t Aswang ibinabaling ang sisi. Sila nga ba ang tunay na salarin o may iba pang nilalang na sanhi ng mga nararanasang hiwaga't suliranin?

Inihahandog ng Ikatlong taon ng Batsilyer ng Kultura at Sining Pang-Edukasyon ang Unang kwento sa Tatlong Yugto sa Tag-ulan. Sama-sama tayong mamangha, maaliw at matuklasan ang lihim at kilabot na bumabalot sa baryo ng Lihim sa darating na ika-5 ng Enero, 2024 sa Audio-Visual Room ng SLSU-College of Teacher Education.

Prodyuser ng Produksyon: Prof. Federico Ceribo
Sa Produksyon ni: Jay Russel Cueto
Sa Direksyon ni: Gino Laguardia
Sa Ilalim ng Pangangasiwa ni: Frank Wilson Ventura

Sa pagbubukas ng panibagong taon, inihahandog ng Batsilyer ng Kultura at Sining Pang-Edukasyon III ang isang natatanging...
27/12/2023

Sa pagbubukas ng panibagong taon, inihahandog ng Batsilyer ng Kultura at Sining Pang-Edukasyon III ang isang natatanging produksyon ng teatrikong pagtatanghal ng tatlong malikhain, matalinhaga, at makahulugang mga kwento.

Sama-sama nating panoorin ang "Tatlong Yugto sa Tag-ulan" sa Enero 5, 2024, sa ganap na ika-3 ng hapon sa College of Teacher Education, Audio-Visual Room ng Southern Luzon State University - Main Campus

🎨 Joyce Leanne Rance

Je t'aime, te amo, I love youWatashi wa anata o aistomasuIch liebe dich, iniibig kitaGua ay di🎵🎶UNO! Congratulations to ...
25/11/2023

Je t'aime, te amo, I love you
Watashi wa anata o aistomasu
Ich liebe dich, iniibig kita
Gua ay di🎵🎶

UNO!
Congratulations to SLSU Main Campus - Bachelor of Culture and Arts Education III 2023-2024 for having a successful Dance Performance in their course subject CAE14🤎💃

Address

Brgy. Kulapi
Lucban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SLSU Lucban - BCAED Batch 2025 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category