10/08/2026
Sa bawat pahina, may kuwentong hindi na muling mauulit.
Marami ang nangyari at marami ring pinagdaanan bago tuluyang mabuo ang memorabiliang itoโisang sisidlan ng mahahalagang impormasyon, masasayang alaala, at mga kuwentong minsan lamang natin mararanasan.
Ito ay hindi lamang isang yearbook. Isa itong tahimik na saksi sa paglalakbay ng mga nagsipagtapos ng Batch 2025โ2026, mga gurong hinubog at pinanday sa ilalim ng Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon ng Southern Luzon State University.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa F2 Hub | Studio and Prints, sa pangunguna nina ma'am Francess Margarette at sir Francois Czevastien, sa inyong tiyaga at dedikasyon. Sa kabila ng mga pagsubok, matagumpay nilang naisakatuparan ang yearbook sa loob lamang ng isang buwan, hanggang sa tuluyan itong ma-deliver at maayos na naipamahagi noong Agosto 6, 2026.
Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat kay G. Joseph Paulo Laguna, ang aming layout artist, na buong tiyaga at malasakit na tumulong sa mga opisyales ng Graduation Batch Officers โ26. Sa likod ng bawat pahinang maingat na inayos, bawat larawang inilapat, at bawat detalyeng binigyang-buhay, naroon ang oras at pagsisikap na tunay na naging mahalagang bahagi ng kabuoan.
At balang araw, kapag lumipas na ang maraming taon, mananatili ang mga pahinang ito bilang paalala na minsan, naging bahagi tayo ng isang kabanatang puno ng mga pabaon at masasayang pangyayari.
Ang ating paglalakbay ay maaaring natapos na, ngunit ang mga alaala nito ay mananatili sa bawat pahina.
Always Keep the Torch Ablaze!๐ฅ๐
Hanggang sa muli!
Paalam.