05/10/2022
https://www.facebook.com/100064252202599/posts/475576561260747/
Kumusta na?
Pagpasok ko pa lang sa pintuan.
Sinalubong ako ng iba't ibang uri ng tauhan.
Magagarang kasuotan
Nakakababang tindig at ayos kasabay ng maingay na kwentuhan.
Samantalang heto ako, ipinagdarasal na sana matapos na ang araw na ito.
Tila sinasabi na ng puso na ayaw ko ng bumalik dito.
Hindi ako sanay na ako lang at walang iba.
Nanghihinang mga tuhod, nanginginig na mga k**ay at pinagpapawisan ng sobra
Ngunit sa kabilang banda ng matinding naramdaman kong kaba
Pumasok pa rin ako sa pinto dahil alam kong andyan ka.
Magagawa kitang makita at mapakinggan
Na kahit maghapon akong nakaupo ay magagawa kitang titigan
Sa pagitan natin ay may nagbabalagtasan
Napapangiti na lamang ako sa kwadernong sinusulatan
Sa bawat pahina ay ang ugnayan natin ang laman
Sa bawat pagbuklat ay dumarami ang dahilan
Dumarami ang dahilan ko para gumising sa umaga
Ang iyong mga ngiti ang humihigit sa akin patayo sa k**a
Hindi lamang dahil kailangan kita
Kundi dahil ginusto kong masaksihan ang bawat galaw mo habang nasa unahan
Habang lahat sila ay nag aagawan sa atensyon mo
Andito lang ako at naghihintay na mapansin mo
Pasensya na kung minsan ay nagtatampo
Patawad sa oras na hindi ako nakinig sayo
Kung hindi kita magawang paniwalaan sa kabila ng katotohanan
Kung inisip kong palagi mo na lang akong pinahihirapan
Kung binalewala ko ang lahat ng iyong pinaghirapan, pinagpuyatan, pinagtiisan kasi may gusto kang ipaglaban
Kaya patawad kung hindi ko nabigyang pansin ang nag aagaw mong pagtingin
Kasi sa kabila ng mga pagtalikod sayo ay nagagawa mo pa ring tiisin
Sinaktan ka na nga at lahat
Ipinalit mo pa rin ng mainit na yakap
Nagsimula sa isang simpleng tinginan hanggang sa magawa na nating magngitian
Unti- unti kitang nakilala at saka ko nalaman ang iyong halaga
Ikaw ang dahilan kung bakit nanatili
Pinili ko pa ring humawak kahit mapuputol na ang tali
Dahil sa simula pa lang ay ito ang nakatadhana
Na maaaring sa huli ay may luluha
Bumitaw ka sa kin para maging malaya
Hinayaan mong lumipad ng may pagkukusa
Masasambit ko na lang sa isang umaga
"Hindi na ako huli dahil tapos na"
Tapos na pala?
Hindi ko man lang namalayan na ayun na.
Naubos na pala ang oras
Iba na ang pagkakaabalahan para bukas
Tapos na ang sampung buwan
Sa apat na sulok na nagsama sa lamig, hangin, init at matinding tawanan
Sa kabila ng masaya, malungkot, iyakan at sigawan
Sa kabila nang away, panghuhusga, pagiging isa ay matutuldukan
Ito pa rin pala ang kapalaran natin sa katapusan
Sana lang ay mas sinulit ko pa
Nakinig pa sana ako sayong kwento at kanta
Salamat sa mga aral na ibinahagi
Isa ka sa dahilan kung bakit ako magwawagi
Ito ang alaala mula sa unang pagkikita
Natapos ang lahat sa "Hanggang sa muling pagkikita"
Ano ka kaya sa susunod na panahon
"Kumusta na?", asahan mong iyan ang una kong tanong.
'G**o'
๐ Xena Wyrd A. Garcia
๐จ Jamelah Jed E. Jariel