25/05/2026
Isang magandang araw po!
Ang Lubao National High School ay taos-pusong nagpapahayag ng paanyaya sa inyong aktibong pakikiisa sa taunang Brigada Eskwela na may temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa kaayusan at kaalaman" mula Hunyo 1-5, 2026.
Layunin ng programang ito na maisaayos, mapanatili, at mapaganda ang ating paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. Naniniwala po kami na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit, masisiguro natin ang ligtas, maayos, at makataong kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Inaanyayahan po namin kayong makibahagi sa iba't ibang gawain tulad ng:
✔ Paglilinis at pag-aayos ng mga silid-aralan
✔ Pagpipintura ng upuan at dingding
✔ Pakikiisa sa mga aktibidad ng pagmomobilisa ng komunidad
Ang inyong presensya at suporta ay malaking ambag sa tagumpay ng ating layunin. Magsama-sama po tayo sa diwa ng Bayanihan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan!
Para sa karagdagang impormasyon o kumpirmasyon ng inyong partisipasyon, maaari po kayong makipag-ugnayan kay Gng. Arlene Carlos,
Brigada Eskwela Coordinator, 09663174510
Maraming salamat at nawa'y maging bahagi po kayo ng aming Brigada Eskwela 2026!