Kagawaran ng Filipino - Masantol High School

Kagawaran ng Filipino - Masantol High School Mananaguyod ng wika at panitikan. Para sa Bansang Makabata, Batang Makabansa!

10/08/2026

Alam mo bang minsan nang isinalin sa wikang Filipino ang ilang terminolohiya sa sipnayan (mathematics)? Narito ang halimbawa ng salin sa Filipino ng fraction.

---

Ang Maugnaying Talasalitaang Pang-agham (Ingles-Pilipino) ay tinipon ni Gonsalo del Rosario ng Lupon ng Agham. Ang Lupon ng Agham (Committee on Science) ay nilikha ng Akademya ng Wikang Filipino noong May 24, 1964 para sa paghahanda ng mga scientific bibliographies at istandardisasyon ng mga scientific terminology sa wikang pambansa. Ito ay alinsunod sa polisiya ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) kung saan kasapi ang Pilipinas. Ang Maugnaying Talasalitaang Pilipino ay katipunan ng mga salitang pangkaalaman at pang-agham na batay sa mga salitang-ugat ng mga wikain sa Pilipinas.

Muling nagbabalik ang , kung saan tayo ay nagtatampok ng ilang mga 'trivia' ukol sa ating wikang pambansa. Alinsunod sa Proclamation No. 1041, ang buwan ng Agosto ay ang 'Buwan ng Wikang Pambansa'.

PAALALA, MHSians! Ang mga makapagpapatala lamang sa naturang MS Form Link ang mapabibilang sa naturang School-Based Pres...
10/08/2026

PAALALA, MHSians!

Ang mga makapagpapatala lamang sa naturang MS Form Link ang mapabibilang sa naturang School-Based Press Con β€˜26. Kaya ano pang hinihintay mo? Magpatala na dahil baka ikaw na ang susunod na batang mamamahayag ng ating paaralan!

I-click ang link sa ibaba o i-scan lamang ang QR code na makikita sa larawan at punan ng impormasyon ang MS Form upang maitala ang iyong personal na detalye:
πŸ”— https://forms.cloud.microsoft/r/waZh8r6skw

Para sa iba pang-anunsyo, like and follow our FB Page!

ATTENTION, MHSians! πŸ“°

Handa ka na bang ipakita ang iyong husay sa pagsusulat, pag-uulat, pagkuha ng larawan, pagguhit, at iba pang larangan ng pamamahayag?

Magpatala na para sa School-Based Press Conference 2026 ngayong darating na Term Break! ✍️

Ito na ang iyong pagkakataon na maging bahagi ng opisyal na kalahok ng Masantol High School sa mga Press Conference at maipamalas ang iyong talento sa Campus Journalism.

Bukas ang pagpapatala sa lahat ng mag-aaral ng Masantol High School na may interes at dedikasyon sa iba't ibang kategorya ng pamamahayag.

I-click ang link sa ibaba o i-scan lamang ang QR code na makikita sa larawan at punan ng impormasyon ang MS Form upang maitala ang iyong personal na detalye:
πŸ”— https://forms.cloud.microsoft/r/waZh8r6skw

Pagkatapos sumagot, huwag kalimutang i-follow/i-like ang ating opisyal na page na ito para sa mga paparating na anunsyo hinggil sa SBPC '26.

Ano pa ang hinihintay mo, huwag palampasin ang pagkakataong ito! Simulan ang iyong paglalakbay bilang isang mamamahayag at maging susunod na kinatawan ng MHS sa mga paligsahan.




ATTENTION, MHSians! πŸ“°Handa ka na bang ipakita ang iyong husay sa pagsusulat, pag-uulat, pagkuha ng larawan, pagguhit, at...
07/08/2026

ATTENTION, MHSians! πŸ“°

Handa ka na bang ipakita ang iyong husay sa pagsusulat, pag-uulat, pagkuha ng larawan, pagguhit, at iba pang larangan ng pamamahayag?

Magpatala na para sa School-Based Press Conference 2026 ngayong darating na Term Break! ✍️

Ito na ang iyong pagkakataon na maging bahagi ng opisyal na kalahok ng Masantol High School sa mga Press Conference at maipamalas ang iyong talento sa Campus Journalism.

Bukas ang pagpapatala sa lahat ng mag-aaral ng Masantol High School na may interes at dedikasyon sa iba't ibang kategorya ng pamamahayag.

I-click ang link sa ibaba o i-scan lamang ang QR code na makikita sa larawan at punan ng impormasyon ang MS Form upang maitala ang iyong personal na detalye:
πŸ”— https://forms.cloud.microsoft/r/waZh8r6skw

Pagkatapos sumagot, huwag kalimutang i-follow/i-like ang ating opisyal na page na ito para sa mga paparating na anunsyo hinggil sa SBPC '26.

Ano pa ang hinihintay mo, huwag palampasin ang pagkakataong ito! Simulan ang iyong paglalakbay bilang isang mamamahayag at maging susunod na kinatawan ng MHS sa mga paligsahan.




03/08/2026

Alam mo ba na ang Panandaan, Tatsihaan, at Tayahan ang mga katutubong katumbas ng Algebra, Trigonometry, at Calculus?

Ang mga ito ay tinatawag na neolohismo na nilikha noong 1969 para sa larangan ng Sipnayan (Mathematics).

Bagama't bihira na silang gamitin ngayon dahil sa dinamikong kalikasan ng wika, mas naging mabilis at praktikal para sa ating lipunan ang paggamit ng mga mas pamilyar na hiram na salita, patunay pa rin ang mga likhang-salitang ito sa yaman at makulay na kasaysayan ng wikang Filipino!

03/08/2026

Alam mo ba kung paano gamitin ang mga bantas para sa mas mahusay at epektibong pagsulat?

Para sa mga tagubilin at iba pang detalye hinggil sa mga naitalagang gawain, makipag- ugnayan lamang sa mga g**o ninyo s...
03/08/2026

Para sa mga tagubilin at iba pang detalye hinggil sa mga naitalagang gawain, makipag- ugnayan lamang sa mga g**o ninyo sa Filipino ng bawat baitang.

Makiisa at makibahagi na, MHSians!πŸ‡΅πŸ‡­βœŠ

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026: Husay, Talino, at Pagkamalikhain ang Magtatagisan! Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pamb...
02/08/2026

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026:
Husay, Talino, at Pagkamalikhain ang Magtatagisan!

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, muling bibida ang galing at talento ng ating mga mag-aaral sa iba't ibang gawaing magpapakita ng pagmamahal sa wika at kulturang Filipino!

Narito ang mga inihandang gawain ng Kagawaran ng Filipino na nakahanay rin sa mga layunin ng kurikulum ng bawat baitang:

πŸ“– Ikapitong Baitang – SanayLiksik
🎨 Ikawalong Baitang – Paggawa ng Dihital na Poster
πŸ–ŒοΈ Ikasiyam na Baitang – Pagbuo ng Grapikong Pabalat
πŸŽ₯ Ikasampung Baitang – DokyuWento

Ipamalas ang iyong husay sa pananaliksik, pagdidisenyo, at malikhaing pagkukuwento. Hayaang maging tulay ang wikang Filipino sa pagpapahayag ng iyong talento, kaalaman, at pagmamalaki bilang isang Filipino.

Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas ng ating wika sa pamamagitan ng sining, teknolohiya, at karunungan!

Makilahok. Magpakitang-gilas. Magbigay-inspirasyon.
BASTA MHSian, MAHUSAY 'YAN!

πŸ‡΅πŸ‡­
πŸ‡΅πŸ‡­

Pagkakaisa para sa Wika at Edukasyon ✊Isinagawa ng Kagawaran ng Filipino ng Masantol High School ang unang pagpupulong b...
27/07/2026

Pagkakaisa para sa Wika at Edukasyon ✊

Isinagawa ng Kagawaran ng Filipino ng Masantol High School ang unang pagpupulong bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa gabay ng Pang-ulong G**o III sa Wika na si Gng. Ligaya Mallari, kasama ang mga Dalubg**o I na sina Gng. Ruth Galang at Gng. Irene Yutuc, at ang G**ong-Tagapag-ugnay na si G. Richard Cleofe na dinaluhan ng mga g**o sa Filipino mula sa iba’t ibang baitang.

Sinimulan ang pagpupulong sa panalangin, sinundan ng mainit na pagtanggap sa dalawang bagong g**o ng kagawaran. Tinalakay rin ang mga matagumpay na gawain noong mga nakaraang panuruang taon, ang mga planong gawain para sa Buwan ng Wika, at iba pang mahahalagang usapin kabilang ang Paaralang Pampahayagan.

Patuloy na nagkakaisa ang Kagawaran ng Filipino sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon, kultura, at kahusayan sa wika. πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨


**oSaFilipino

Address

Remedios
Lubao
2005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawaran ng Filipino - Masantol High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share