01/09/2025
Ipinagdiwang ng Maligaya Elementary School ang Buwan ng Wika noong Agosto 28, 2025 na may temang 'Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.
Isang makulay na pagdiriwang na nagpatibay sa pagmamahal sa ating sariling wika at kultura, at nagbigay-diin sa pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Sa pangunguna ng kanilang Filipino Coordinator na si Gng. Apple Kiezel Z. Villamar na sinuportahan ng kanilang Gurong tagapamahala na si Gng. Maritess V. Pineda at mga kasamahang g**o, matagumpay na nairaos at naipagdiwang ang Buwan ng Wika.
Katuwang din ang mga magulang ng mga mag-aaral sa pangunguna ni Gng. Evelyn O. Torre, ang GPTR President, sa pag-aasikaso ng tent na ginamit upang maging sangga sa init ng araw at upang maging silungan ng mga manunuod na mga magulang.
Maraming salamat po at sa susunod po ulit na aktibidad ng paaralan.