Philippine High School for the Arts

Philippine High School for the Arts PHSA is a government-run secondary school that implements a special curriculum in the arts.
(3)

๐๐‡๐’๐€ ๐‰๐จ๐› ๐•๐š๐œ๐š๐ง๐œ๐ฒ ๐€๐ฅ๐ž๐ซ๐ญ!Narito ang bakanteng posisyon sa Philippine High School for the Arts!Tingnan ang larawan para sa ...
15/07/2026

๐๐‡๐’๐€ ๐‰๐จ๐› ๐•๐š๐œ๐š๐ง๐œ๐ฒ ๐€๐ฅ๐ž๐ซ๐ญ!
Narito ang bakanteng posisyon sa Philippine High School for the Arts!
Tingnan ang larawan para sa kumpletong detalye ng posisyon at kwalipikasyon.

๐€๐†๐ˆ๐€๐๐€๐Inilunsad noong March 9, 2026, sa Sining Makiling Gallery, DL Umali Hall Basement, UPLB ang โ€œAgianan,โ€ ang gradua...
15/07/2026

๐€๐†๐ˆ๐€๐๐€๐
Inilunsad noong March 9, 2026, sa Sining Makiling Gallery, DL Umali Hall Basement, UPLB ang โ€œAgianan,โ€ ang graduation exhibit nina Kate Cruz, Amira Sison, Rilka Loquias, at Elord Esperame mula sa Philippine High School for the Arts (PHSA), na naging bukas sa publiko hanggang March 19, 2026.

Sa pagtatanghal na ito na nagpapakita sa sining bilang isang patuloy na "daanan" o alaala, hinarap ng mga mag-aaral ang hamon ng kanilang huling akademikong pagtatasa sa tulong at suporta ng PHSA, ng UPLB Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA), at ng lahat ng mga nakiisa at sumubaybay sa malikhaing paglago ng mga kabataang recitalists.

Noong ika-19 ng Hunyo, 2026, naghatid ng karangalan ang Philippine High School for the Arts (PHSA) Maquiling Orchestra s...
06/07/2026

Noong ika-19 ng Hunyo, 2026, naghatid ng karangalan ang Philippine High School for the Arts (PHSA) Maquiling Orchestra sa kanilang isinagawang courtesy visit sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang kanilang pagbisita ay nataon sa pagdiriwang ng Philippine Embassy Kuala Lumpur, sa pangunguna ni Ambassador Maria Angela A. Ponce, kasama ang Knights of Rizal Malaysia, sa pangunguna ni Commander Sir Dr. Chiam Tzeh Yew, KCR, ng ika-165 na Kaarawan ng ating Pambansang Bayani na si G*t. Jose P. Rizal. Bilang bahagi ng makasaysayang okasyong ito, buong-giting na nagtanghal ang mga talentadong Batang Ibarang upang ipamalas ang husay at ganda ng sining at kulturang Pilipino sa harap ng ating mga diplomat, kababayan at panauhing dayuhan.

Isang pagpupugay sa sining at sa ating bayani!

Ang mga larawan ay hango sa FB account ng Philppine Embassy in Malaysia

Ipinagmamalaki ng Philippine High School for the Arts si Patricia Angel Ramos (Folk Dance, 2019-2020, Carlos Romulo-Gera...
03/07/2026

Ipinagmamalaki ng Philippine High School for the Arts si Patricia Angel Ramos (Folk Dance, 2019-2020, Carlos Romulo-Gerardo De Leon) sa kanyang tampok na kwento sa Philippines Graphic.

Mula sa kanyang masigasig na pagsasanay sa bundok hanggang sa pagtatapos bilang magna cm laude at pagiging isang CCP Scholar, ipinapakita ni Angel ang tunay na diwa ng pag-aalay ng buhay sa siningโ€”hindi lang sa ibabaw ng entablado, kundi maging sa paggabay sa susunod na henerasyon.

Basahin ang kanyang nakakaantig na kwento rito: https://philippinesgraphic.com.ph/.../how-a-ccp-scholar.../

More than a movement, dance is a discipline, a form of self-discovery, and a lifelong commitment to sharing a piece of oneself with others. This is the belief that guides Patricia Angel Ramos, a scholarship recipient under the Cultural Center of the Philippines (CCP) Scholarship Program.

Read it here: https://philippinesgraphic.com.ph/2026/06/30/how-a-ccp-scholar-dances-beyond-the-spotlight/

Paalala sa lahat ng interesadong Supplier!Inaanyayahan ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐ซ๐ญ๐ฌ ang lahat ng interesadong ...
03/07/2026

Paalala sa lahat ng interesadong Supplier!
Inaanyayahan ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐ซ๐ญ๐ฌ ang lahat ng interesadong supplier na lumahok sa naka-post na anunsyo.
Maaaring ma-access ang Request for Quotation (RFQ) Form sa PHSA website sa https://phsa.edu.ph/procurement-opportunities/ o sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) website.
Mangyaring kumpletuhin ang hinihinging impormasyon sa nasabing RFQ at isumite ang inyong quotation kasama ang mga kinakailangang dokumento bago sumapit ang itinakdang araw para sa pagsusumite at pagtanggap ng mga quotation.


๐๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isang makasaysayang araw ng pagtanggap at pagpapatuloy ng tradisyon ang naganap noong ika-11 ng Hunyo sa Ta...
01/07/2026

๐๐š๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
Isang makasaysayang araw ng pagtanggap at pagpapatuloy ng tradisyon ang naganap noong ika-11 ng Hunyo sa Tanghalang Maria Makiling, National Arts Center para sa Baitang 7 (Batch Pablo Antonio) at Baitang 11 (Batch Agnes Locsin).

Isang malaking karangalan na makasama natin bilang Guest Speaker ang ating PHSA alumna na si Bb. Joanne G. Ongkeko mula sa Sining Panteatro (Batch Edades-Fuentes '99). Maraming salamat sa pagbabahagi ng sining at inspirasyon sa mga bagong Ibarang!

Narito ang mga larawan:

ANG MATAGUMPAY NA PAGTATANGHAL NG PHSA MAQUILING ORCHESTRA SA MALAYSIAIsang mainit at makasining na pagbati sa PHSA Maqu...
30/06/2026

ANG MATAGUMPAY NA PAGTATANGHAL NG PHSA MAQUILING ORCHESTRA SA MALAYSIA

Isang mainit at makasining na pagbati sa PHSA Maquiling Orchestra, sa liderato at pagkumpas ni G. Mahler Villanueva, na natanghal sa Festival Orkestra Kuala Lumpur noong ika-21Hunyo 2026. Ito ay ginanap as Dewan Bandaraya KL Auditorium. Sa matagumpay na konsyertong naganap, itinanghal ng PHSA Maquiling Orchestra ang mgakatutubong awitin tulad ng โ€œKatakatakaโ€, โ€œRosas Pandanโ€, mga awiting pag-ibigtulad ng โ€œMinamahal Kitaโ€ at mga OPM na kinabibilangan ng mga obra maestra ni Ray Valera, โ€œSalamat, salamat Musikaโ€, โ€œKay Ganda ng ating Musikaโ€. โ€œKahit Maputina ang Buhok Koโ€ at marami pang iba.

Nais naming ipaabot ang pasasalamat kina Dr. Isabella Pek ng DBKL, Ambassador Maria Angela Ponce, Charge dโ€™Affaires, i.a. Roussel Reyes at mga opsiyal ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, Malaysia, Direktor Greg Zuniega, Tatay Ron Boctot, Bb. Jeannae Dormido, Bb. Shi Min Lee, mga magulang ng mga batang Ibarang at sa lahat nas umuporta sa pinakauna at makasaysayang pagtatanghal ng pangkat sa internasyonal na entablado.

๐๐€๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐Ÿ๐Ÿ โ€œ๐Š๐ˆ๐ƒ๐‹๐€๐“ ๐“๐€๐‡๐ˆ๐Œ๐ˆ๐Š,โ€ ๐๐€๐Š๐€๐ƒ๐€๐”๐๐€๐๐†-๐๐€๐‹๐€๐ƒ ๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€๐๐† ๐€๐‹๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐† ๐’๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐’๐ˆ ๐Š๐ˆ๐ƒ๐‹๐€๐“ ๐“๐€๐‡๐ˆ๐Œ๐ˆ๐Š. Nagkaroon ng pagkak...
25/06/2026

๐๐€๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐Ÿ๐Ÿ โ€œ๐Š๐ˆ๐ƒ๐‹๐€๐“ ๐“๐€๐‡๐ˆ๐Œ๐ˆ๐Š,โ€ ๐๐€๐Š๐€๐ƒ๐€๐”๐๐€๐๐†-๐๐€๐‹๐€๐ƒ ๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐’๐€๐๐† ๐€๐‹๐€๐†๐€๐ƒ ๐๐† ๐’๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐’๐ˆ ๐Š๐ˆ๐ƒ๐‹๐€๐“ ๐“๐€๐‡๐ˆ๐Œ๐ˆ๐Š.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral ng Baitang 12 โ€œKidlat Tahimikโ€ na makadaupang-palad ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Sining Pangbrodkast na si Kidlat Tahimik noong Hunyo 10, 2026 sa Student Union (SU) Building ng University of the Philippines Los Baรฑos (UPLB).

Pinalawig ni Kidlat Tahimik ang kanyang eksibit na nagtatampok ng mga instalasyon, visual
artworks, at personal na artepakto hanggang Hunyo 10, mula sa orihinal na nakatakdang
pagsasara nito noong Mayo 19. Dahil dito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na
personal na makasalamuha ang kinikilalang โ€œAma ng Philippine Independent Cinema.โ€

Sa pagbisita ng mga mag-aaral, ipinakilala mismo ni Kidlat Tahimik, o Eric O. de Guia, ang ilan sa kanyang mga likhang-sining. Ibinahagi rin niya ang kanyang maikling pelikula tungkol kay Enrique ng Malacca, na itinuturing ng ilang historyador bilang isa sa mga unang taong mula sa kapuluan na nakapaglakbay sa ibaโ€™t ibang bahagi ng mundo bilang kasama ni Ferdinand Magellan.

Sinundan ito ng isang talakayan hinggil sa papel ng sining sa pagpapalaganap ng makabayang kamalayan at paglaya mula sa kolonyal na pag-iisip. Hinikayat din niya ang mga kabataan na pahalagahan ang mga Pilipinong bayani at ang sariling kultura upang higit na mapatatag ang pambansang identidad sa gitna ng malakas na impluwensya ng mga produksyon mula sa Hollywood o Netflix.

Taos-pusong pasasalamat sa National Commission for Culture and the Arts, sa administrasyon ng University of the Philippines Los Baรฑos, at sa UPLB Upsilon sa pagbibigay ng natatanging pagkakataon para sa mga mag-aaral ng Baitang 12 โ€œKidlat Tahimikโ€ na makilala at makasama ang Pambansang Alagad ng Sining na pinagkunan ng pangalan ng kanilang pangkat.

Isang natatanging karanasan para sa mga mananayaw ng Philippine High School for the Arts na maging bahagi ng dalawang ka...
24/06/2026

Isang natatanging karanasan para sa mga mananayaw ng Philippine High School for the Arts na maging bahagi ng dalawang kaganapan ngayong Buwan ng Kalayaan na nagpayabong ng kanilang kaalaman sa sayaw. Sa patnubay nina G. Robert Medina, Bb. Ca Santos, at Bb. Jeng Halili, aktibong lumahok at sumubaybay ang mga mag-aaral sa mga pambihirang pagkakataong ito.

Noong Hunyo 11, dumalo sila sa lecture-demonstration ni National Artist Agnes Locsin na pinamagatang, The Path to Neo-ethnic Choreography na ginanap sa Ayala Museum. Dito ay napakinggan ng ating mga mag-aaral ang proseso ng paggawa ni NA Locsin ng kanyang mga obra maestra.

At Noong Hunyo 23 naman ay nanood sila ng palabas ng Alice Reyes Dance Philippines sa Foro Intramuros na may pamagat na Kalayaan. Sana ay magsilbing inspirasyon sa kanila ang kanilang natunghayan.

Sa dalawang pagkakataon ito, nakakatabang puso rin na makita ang mga dating dance majors ng PHSA na bahagi sa mga pagtatanghal.

Mabuhay ang mga Ibarang!

Address

Philippine High School For The Arts National Arts Center, Mt. Makiling, College, 4031
Los Baรฑos
4030

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63495365971

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine High School for the Arts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Philippine High School for the Arts:

Shortcuts

Share

Category