24/06/2025
"๐บ๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐"
Sa simulaโy tila walang hanggan,
2016โang unang hakbang ng pangarap sa lansangan.
Mga silid-aralan na saksi sa bawat luha at tagumpay,
Ng mga kabataang nangarap, lumaban, at bumangon nang sabay.
Dumaan ang mga taonโฆ
Nagbago ang anyo, dumami ang kwento,
Hanggang sa dumating kami โ ang huling kabanata,
Batch 2025, ang huling tala.
Kami ang bunga ng siyam na taong pag-aalaga,
Ng paaralang minahal, niyakap, pinanday kami sa gandaโt hirap ng pag-asa.
Sa bawat hakbang sa pasilyo, sa bawat sulat sa papel,
Naramdaman namin ang gabay โ tahimik ngunit tapat at tapat kahit kailan.
Naroon ang mga g**o โ
Na hindi lang nagturo ng leksyon kundi ng puso.
Na kahit pagod, ay may ngiti,
Sa bawat โkaya mo โyan,โ nabuo ang aming sarili.
Mga kaibigan, kasamang sumabay sa agos,
Sabay naghanap ng sagot sa bawat takdang tanong.
Sabay tumawa, sabay lumuha,
Sabay naniwala, kahit minsan ay gustong sumuko na.
At ngayon, heto kami...
Nakatayo sa dulo ng tulay na minsan ay aming nilikha.
Huling hakbang sa paaralang naging tahanan,
Huling paglingon sa mundong bumuo ng aming bukas.
LSPU โ hindi ito paalam, kundi pasasalamat.
Sa lahat ng alaala, sa lahat ng aral at pagkalinga,
Habang buhay naming dadalhin sa pusoโt diwa
Ang init ng iyong yakap, sa huling sulyap ng aming mata.
Dahil kung ito man ang huli,
Hayaan ninyong itoโy maging pinaka-magandang pamamaalam.
Isang pagyakap na puno ng tapang,
Isang paalam na may kasamang pangakong:
Hindi kami lilimot, at kami'y babalik.
Sa ngalan ng pagtanaw, sa ngalan ng pag-ibig.
Dahil kami ang huling bituin ng gabi,
Ngunit sa amin sisibol ang umaga โ habang-buhay, mananatili.
LSPU Senior High School
Hindi lang sa apat na sulok ng silid-aralan
naiiwan ang mga leksyong iniukit mo sa amin.
Sa siyam na taon ng iyong paghubog,
kami na ang iyong huling kabanataโ
ang huling batch ng mag-aaral
na buong pusong nagpapasalamat.
Hanggang sa muli.
Hindi ito paalam,
kundi pagbitbit ng alaala sa panibagong landas.
โ๏ธ Sir Eds