08/09/2026
๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐จ๐ฃ๐๐ช๐ข๐จ ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐ฌ ๐ก๐๐ซ๐๐ ๐๐ง ๐๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ ๐ก๐ ๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐จ๐๐๐ง๐ฌ
isinulat ni: Gab Ordoรฑez
Sa mga nakalipas na buwan, sunod-sunod ang mga napabalitang animal cruelty cases: brutal na pagpatay ng isang a*o sa Mountain Province, pananaksak ng isang kaawa-awang tuta sa Davao City, paninipa sa walang kalaban-laban na paglalagay sa sako upang abusuhin sa Tarlac, at ang sako ni Nixie, isang kuting na walang awang sinilaban ng mga kabataan sa Laguna. Bagamaโt nailigtas pa si Nixie, pumanaw rin ito, ilang araw matapos ang insidente. Ang mga insidenteng ito ay lubhang nakababahala, lalo naโt mga kabataan na mismo ang silang gumagawa ng mga ganitong uri ng kalapastanganan sa mga munting nilalang. Matatandaan din na kamakailan lang nang umugong ang usapin tungkol sa mga nagaganap na animal cruelty sa bansa at nakarating pa nga sa Senado, ngunit bakit patuloy itong nagaganap at mas lalo pang nagiging brutal?
The full statement may be read below: