UP Sandiwa Samahang Bulakenyo

UP Sandiwa Samahang Bulakenyo Established in 1994, UPSSB is a duly recognized Varsitarian Organization for Bulakenyos at UPLB.

06/09/2026

The celebration’s not yet over !🎊

Mula 1994, patuloy na umuusbong ang UP Sandiwa Samahang Bulakenyo—itinatanim ang diwa ng pagkakaisa, pinalalago ang malasakit, at isinasabuhay ang makabuluhang pagkilos at paglilingkod.

Sa loob ng 32 taon, nananatili ang ating ugat sa Bulacan, ang ating puso sa kapwa, at ang ating paninindigan sa bayan.

Hangga’t may dapat paglingkuran, patuloy tayong kikilos, patuloy tayong maglilingkod.

Tungo sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod.


Tuloy ang nasimulan.Bayanihan para sa Bulacan!🌅Sa patuloy na pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan, mas malinaw ang p...
05/09/2026

Tuloy ang nasimulan.
Bayanihan para sa Bulacan!🌅

Sa patuloy na pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan, mas malinaw ang pangangailangan nating magbuklod at kumilos. Kapag ang tubig ay patuloy na tumataas, hindi puwedeng manatiling tahimik ang mga kamay na kayang tumulong. Sa gitna ng kalamidad, panahon ito upang maging sandigan ng isa’t isa.

Kaya’t inilulunsad ng Tanghal Sining: Singkaban ang “Bangon Bulacan: Ang Diwa ng Bayanihan, Nagbubuklod ng Taumbayan!”—isang donation drive para sa mga Bulakenyong higit na nangangailangan.

Katuwang sa pagsusulong ng programang ito ang UP Sandiwa Samahang Bulakenyo (UPSSB), bilang katuwang ng Tanghal Sining: Singkaban sa panawagan para sa bayanihan at agarang pagtulong sa ating mga kababayang apektado ng kalamidad.

Walang maliit na ambag kapag may pamilyang umaasang makabangon. Bawat tulong ay may katumbas na pag-asa. Sama-sama nating iparamdam sa bawat Bulakenyo na hindi sila nag-iisa.

Maaaring magpadala ng donasyon kay:
📲 09606352057 — Y.Z.

📞 | Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan kina:

Nakeisha A. Caldoza
President, Tanghal Sining: Singkaban

Paul Cristian C. Quizon
President, Tanghal Sining: Center for Performing Arts

Kahlil Ylmari Josef Pancho
Operations Manager, Dampian Lahi Theatre Ensemble

Elwin Sean P. Acapuyan
President, Central Student Government

Josh Marty Dela Cruz
President, Tanghal Sining: Nuebe Nobela

Emerson Legaspi
President, Tanghal Sining: Teatro Edukado

John Bernard C. Fontanilla
Editor-in-Chief, Quintal Campus Publication

Renz Jenrick G. Agoja
President, Sexuality and Gender Alliance

Angel Tiffany R. Mangalili
Corps Commander, Nationalian Service and Resilience Corps

Chrislie Mae Cunanan
President, Solace Giver Peer Group

Rhianne Mae C. Angeles
President, NU Baliwag Economics Society

Kristina Sana O. Habibi
President, School of Education, Arts, and Sciences Student Council

Sakura Anne Marie I. Villavilla
President, Psychology Society

Margaret Clare S. Flores
President, Junior Philippine Institute of Accountants NU Baliwag

Gabriel A. Tayao
President, National Linguistics Clique

Hazel Ann C. Navarro
President, Junior Philippine Association of Management Accountants

Kim Tristan C. Layo
President, SOA SC

Therize Alyssa M. Reyes
President, SET-SC

Akysha N. Robles
President, UAPSA-NUB



.0




















Pagpupugay sa mga bayani ng bayan!🇵🇭Sa pagningas ng bukas, nawa’y ating ipagpatuloy ang sikhay ng kahapon.Ngayong Agosto...
31/08/2026

Pagpupugay sa mga bayani ng bayan!🇵🇭

Sa pagningas ng bukas, nawa’y ating ipagpatuloy ang sikhay ng kahapon.

Ngayong Agosto 31, 2026, ating ginugunita ang Araw ng mga Bayani. Mula sa mga pigurang makabayan at mga ninunong nagtaguyod sa kamalayang ating tinatamasa ngayon, hanggang sa mga kababayang tapat at masigasig na naglilingkod para sa sarili, pamilya, at komunidad—ang araw na ito ay isang marangal na pagsaludo sa inyong lahat.

Taglay ng bawat bayani ang matibay na adhikain, pusong may malasakit, at kaisipang naghahangad ng pagbabago. Nawa’y magsilbing sandiwa ng pagkakaisa ang ating kolektibong alaala at karanasan mula sa nagdaan, tungo sa pagkilos na tunay na makabayan.

Sapagkat ang diwang ganap na para sa masa ay siyang sandigan ng bayan, at sa bawat pusong naglilingkod, patuloy na nabubuhay ang kabayanihan.

Maligayang pambansang araw ng mga bayani!


24/08/2026

Naglilingkod mula pa noong 1994…

Sa loob ng mahigit tatlong dekada, ang UP Sandiwa Samahang Bulakenyo (UPSSB) ay patuloy na nagsisilbing tahanan ng mga Bulakenyong iskolar sa Unibersidad ng Pilipinas—Los Baños.

Bilang opisyal na varsitarian organization ng mga Bulakenyong mag-aaral sa UPLB, pinagbubuklod ng UPSSB ang mga iskolar mula sa Bulacan sa pamamagitan ng pamumuno, pagkakaisa, at makabuluhang paglilingkod.

Sa bawat programa, proyekto, at pagkilos, patuloy nating isinasabuhay ang isang layuning higit pa sa samahan ang mag-iwan ng bakas sa buhay ng mga pinaglilingkuran.

UP Sandiwa Samahang Bulakenyo.
Tungo sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod. ✊🏻

————
Binigyang tinig ni: Aini Jimielle Santiago, UPSSB Resident Member
Isinaayos ng: Lupon ng Pamamahayag at Publikasyon


Maalab na pagbati, Sis. Daniela Jenine L. Orit, PFT! 💐Mula sa buong UP Sandiwa Samahang Bulakenyo, malugod ka naming bin...
22/08/2026

Maalab na pagbati, Sis. Daniela Jenine L. Orit, PFT! 💐

Mula sa buong UP Sandiwa Samahang Bulakenyo, malugod ka naming binabati sa iyong matagumpay na pagpása sa August 2026 Professional Food Technologists Licensure Examination (FTLE)!

Bunga ang tagumpay na ito ng iyong sipag, tiyaga, at dedikasyong pinanday sa bawat hamon na iyong hinarap. Higit pa sa isang lisensya at titulo, bitbit nito ang pagkakataong gamitin ang iyong kaalaman at kakayahan para sa higit na kapakanan ng kapwa at bayan.

Sana’y maging makabuluhan ang iyong bawat hakbang sa iyong propesyon at magsilbi itong daan sa patuloy na paglilingkod, at pagpapaunlad ng pamayanan.

Ipinagmamalaki ka namin, Sis. Neen !

Padayon sa mas makabuluhang pagkilos at paglilingkod!🌅

PAGDAÓNG 2026! 🛶Sa bawat paglalayag, may mga kuwentong nabubuo, pangarap na naibabahagi, at mga kasama na nagbibigay-kab...
20/08/2026

PAGDAÓNG 2026! 🛶

Sa bawat paglalayag, may mga kuwentong nabubuo, pangarap na naibabahagi, at mga kasama na nagbibigay-kabuluhan sa bawat paglalakbay.

Ating balikan ang mga tagpo mula sa Pagdaóng 2026 na ginanap noong ika-17 ng Agosto 2026 sa Jollibee Grove, Lopez Avenue, Los Baños.

Maalab na pasasalamat sa mga Bulakenyong iskolar na nakiisa at naki-sagwan sa ating paglalakbay—maulan man ang panahon. Sa bawat kuwento, saya, at pangarap na ating pinagsaluhan, naging makabuluhan ang ating pagsasama sa iisang daungan.

Sapagkat ang pagdaóng ay hindi lamang pagtatapos ng isang paglalakbay, kundi pahinga at paghahanda para sa panibagong paglalayag.

Mula sa isang pagdaóng, panibagong paglalayag ang magsisimula.🌊


PAGDAÓNG 2026: UPSSB SPECIAL ORIENTATION⛱️Kung hindi ka makadadalo sa Pagdaóng 2026, huwag mag-alala !Malugod naming ina...
17/08/2026

PAGDAÓNG 2026: UPSSB SPECIAL ORIENTATION⛱️

Kung hindi ka makadadalo sa Pagdaóng 2026, huwag mag-alala !

Malugod naming inaanyayahan ang lahat ng Bulakenyong Iskolar mula sa UPLB na muling makidaóng sa aming SPECIAL ORIENTATION ngayong 18 Agosto 2026, 7:00 PM, via Google Meet.

Kilalanin ang UPSSB, makilala ang mga kapwa Bulakenyong iskolar, at alamin kung paano ka maaaring maging bahagi ng isang samahang hindi lamang kasama sa paglalakbay, kundi maaari ring maging tahanan sa iyong paglalayag sa unibersidad.

🔗 Mag-register at makidaóng:
https://tinyurl.com/pagdaongspecialorientation
https://tinyurl.com/pagdaongspecialorientation
https://tinyurl.com/pagdaongspecialorientation

Muli tayong maglayag.
Kita-kita tayo sa daungan! 🛶


TODAY’S THE DAY, PAGDAÓNG 2026 NA !🛶Hudyat na ng paglalayag! Halina’t makipagkilala, makipagkuwentuhan, at makibahagi sa...
17/08/2026

TODAY’S THE DAY, PAGDAÓNG 2026 NA !🛶

Hudyat na ng paglalayag! Halina’t makipagkilala, makipagkuwentuhan, at makibahagi sa isang gabing puno ng bagong kakilala, bagong kuwento, at bagong ugnayan kasama ang UP Sandiwa Samahang Bulakenyo.

Kita-kita tayo:
🗓️ 17 Agosto 2026
🗺️ Jollibee Grove, Lopez Avenue
🕰️ 7:15 PM

Sabay-sabay tayong dumaóng.

See you there, Bulakenyos!
Ingat sa pagpunta at huwag kalimutang magdala ng payong.⛱️


📜 | UP SANDIWA SAMAHANG BULAKENYOPAMUNUAN 2026-2027 Sa bawat bagong pamunuan, panibagong kabanata ng paglilingkod ang in...
16/08/2026

📜 | UP SANDIWA SAMAHANG BULAKENYO
PAMUNUAN 2026-2027

Sa bawat bagong pamunuan, panibagong kabanata ng paglilingkod ang inililimbag.

Ngayong panibagong yugto, kilalanin ang ika-32 Pamunuan ng UP Sandiwa Samahang Bulakenyo para sa Akademikong Taon 2026-2027.

Tagapangulo: Jessieca V. Malabao
Ikalawang Tagapangulo: Marc Joren V. Valentino
Pangunahing Kalihim: Cydcarisse M. Bantiles

Pinuno ng Lupon sa:
Pamamahayag at Publikasyon: Lian Chariz V. Evangelista
Edukasyon at Pananaliksik: Joshua Arfer L. Monilla
Pananalapi : Justine L. Bernardo
Ugnayang Panlabas: Ron Alvin Jasareno

Tangan ang pananagutang ipagpatuloy ang diwang matagal nang nagbubuklod sa mga Bulakenyong Iskolar. Ipinagkakatiwala sa ika-32 Pamunuan ang panibagong kabanata bitbit ang mga aral ng kahapon at ang pananagutang humubog ng mas makabuluhang bukas.

Mula taong 1994, magpahanggang sa ngayon—patuloy nating isabuhay ang diwa ng Sandiwa: tungo sa makabuluhang pagkilos at paglilingkod.✊🏻


BÚKAS NA, PAGDAÓNG 2026! ⚓️🌊Handa na ba kayong makipagkilala, makipagkuwentuhan, at makibahagi sa isang gabing siksik sa...
16/08/2026

BÚKAS NA, PAGDAÓNG 2026! ⚓️🌊

Handa na ba kayong makipagkilala, makipagkuwentuhan, at makibahagi sa isang gabing siksik sa bagong kakilala, bagong kuwento, at bagong ugnayan kasama ang UP Sandiwa Samahang Bulakenyo?

Kita-kita tayo:
🗓️ 17 Agosto 2026
🗺️ Jollibee Grove, Lopez Avenue
🕰️ 7:15 PM

Sabay-sabay tayong dumaóng! Ipagdiwang natin ang pagkakabuklod ng mga Bulakenyong Iskolar at simulan ang panibagong paglalakbay nang magkakasama.

Kitakits!🌠


Address

University Of The Philippines Los Baños
Los Baños
4031

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Sandiwa Samahang Bulakenyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to UP Sandiwa Samahang Bulakenyo:

Shortcuts

Share