04/09/2026
𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐂𝐀 𝐋𝐨𝐬 𝐁𝐚ñ𝐨𝐬
Idinaos ng Maranatha Christian Academy of Los Baños ang pangwakas na pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ginanap sa Auditorium ng paaralan noong ika-28 ng Agosto.
Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon ay “𝑾𝒊𝒌𝒂𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝑨𝑰: 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒍𝒊𝒌𝒔𝒊𝒌 𝒂𝒕 𝑻𝒖𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑰𝒎𝒑𝒐𝒓𝒎𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏.” Layunin nito na magkaroon ng kamalayan ang bawat mag-aaral kung paano magiging kasangkapan ang makabagong teknolohiya tulad ng Artificial Intelligence (AI) sa pag-usbong ng kaalaman at paglinang sa sariling wika.
Nagkaroon ng parada ang mga mag-aaral, kung saan bawat isa sa kanila ay nakagayak ng pambansa at katutubong kasuotan. Sa araw ding ito ay pinarangalan ang mga mag-aaral na nanalo sa mga patimpalak na ginawa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.