31/08/2026
๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป!
Noong Agosto 1896, pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedulaโisang hayag na pagtalikod at pag-aaklas laban sa pang-aabuso ng kolonyalismong Espanyol. Ang makasaysayang Sigaw ng Rebolusyon ang nagpasimula ng ating pakikibaka para sa pambansang kalayaan.
Subalit sa paglipas ng panahon, madalas nating nalilimutan ang tunay na kahulugan ng sakripisyo ng mga nagbuwis ng buhay para sa Inang Bayan.
Ang kabayanihan ay hindi nagtatapos sa mga pahina ng aklat ng kasaysayan. Libo-libong bayani ang walang pangalan sa mga bantayogโmga aktibista, organisador, tagapagtanggol ng karapatang pantao, mamamahayag, at ordinaryong mamamayang patuloy na tumitindig laban sa mga rehimeng pumapaitaas sa pang-aabuso, nagpapairal ng pasismo, at nagpapabaya sa mga nasa laylayan. Sila ang mga makabagong bayani na patuloy na nakikibaka para sa katarungang panlipunan, tunay na demokrasya, at pambansang soberanya.
Itinatag ang Araw ng mga Bayani sa bisa ng Act No. 3827 noong 1931, at kalaunang inilipat sa huling Lunes ng Agosto sa ilalim ng Republic Act No. 9492 noong 2007. Ngunit higit pa sa pagiging opisyal na holiday, ang araw na ito ay isang paalala at panawagan: ang kalayaan ay hindi isang biyaya lamang na basta nakamit, kundi isang tungkulin na dapat patuloy na ipinaglalaban.
Kaisa ang The UPLB Pre-Law Society sa pagbibigay-pugay sa lahat ng bayani ng dantaonโmula sa mga nagpaalab ng Rebolusyong 1896 hanggang sa mga makabagong bayaning patuloy na nagtatanggol sa karapatang pantao at katarungan sa gitna ng panggigipit.
Nawaโy magsilbing hamon ang kanilang kadakilaan upang tayo man ay tumindig, maglingkod sa bayan, at makiisa sa pakikibaka ng mamamayan.
Mga Sanggunian:
Act no. 3827 | Official Gazette of the Republic of the Philippines. (1931, October). https://www.officialgazette.gov.ph/1931/10/28/act-no-3827/
National Heroes Day | Official Gazette of the Republic of the Philippines. (n.d.). https://www.officialgazette.gov.ph/.../national-heroes-day/
Ranario, K. N. (2024, August 23). Hudyat ng rebolusyon sa Sigaw ng Pugad Lawin. Pinoy Weekly. https://pinoyweekly.org/2024/08/hudyat-ng-rebolusyon-sa-sigaw-ng-pugad-lawin/