Philippine Normal University South Luzon

Philippine Normal University South Luzon Philippine Normal University South Luzon is one of the 5 campuses known as the NCTE

19/08/2026
17/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ก๐—จ:

Ipatutupad ang WFH arrangement para sa lahat ng kawani ng PNU Manila at PNU South Luzon ngayong araw, ika-17 ng Agosto 2026 simula 12:00 ng tanghali. Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 127 ng Malacaรฑang.

Ngunit inaasahang manatili ang mga tanggapang may gampanin sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga nabanggit na kampus.

Manatiling nakaantabay para sa iba pang mga pabatid.

---
Ikinalulugod naming maibahagi sa inyo ang impormasyong ito, at umaasa kaming ito ay maging kapaki-pakinabang sa inyo!

Bisitahin ang https://nnp.pnu.edu.ph/, piliin ang Strategic Communications and Public Relations Unit, at ibahagi sa amin ang inyong mga reaksyon o saloobin tungkol sa impormasyong aming ibinahagi.

Malugod na binabati ng komunidad ng PNU Timog Luzon si G. Angelo Oliva, sa kaniyang pagkakatalaga bilang Administrative ...
14/08/2026

Malugod na binabati ng komunidad ng PNU Timog Luzon si G. Angelo Oliva, sa kaniyang pagkakatalaga bilang Administrative Aide VI (Clerk III), sa ilalim ng Yunit ng mga Pansuportang Paglilingkod at Pagpapaunlad Pangnegosyo (ASBDU).

Sa patuloy na pagpapalawak ng hanay ng mga katuwang sa paglilingkod, patuloy na itinataguyod ng PNU Timog Luzon ang dedikasyon nitong maghatid ng de-kalidad na serbisyo sa buong pamayanan ng kampus.

Taos-pusong pagbati ang ipinaaabot ng komunidad ng PNU Timog Luzon para kay Prop. Aaron Jed Y. Tumbali, Direktor sa Pana...
13/08/2026

Taos-pusong pagbati ang ipinaaabot ng komunidad ng PNU Timog Luzon para kay Prop. Aaron Jed Y. Tumbali, Direktor sa Pananaliksik, Ekstensyon, Pagtitiyak ng Kalidad, at Pag-unlad, para sa kanyang promosyon bilang Associate Professor V sa ilalim ng 2026 Merit System Promotion (MSP) ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanyang dedikasyon sa patuloy na kahusayan sa larangan ng edukasyon at serbisyo-publiko.

Bilang opisyal na pagtatapos ng taong pang-akademiko 2025-2026, ipinagdiwang ng komunidad ng Pamantasang Normal ng Pilip...
11/08/2026

Bilang opisyal na pagtatapos ng taong pang-akademiko 2025-2026, ipinagdiwang ng komunidad ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Timog Luzon ang Ika-31 na Seremonya ng Pagtatapos noong Hulyo 31, 2026 sa Himnasyo ng Kampus sa ilalim ng temang "Shaping Minds, Leading Futures." Ngayong taon, 156 na nagtapos sa antas di-gwadrado ang ginawaran ng kani-kanilang digri. Sa bilang na ito, 35 ang nagkamit ng karangalang Cum laude at 10 ang nagkamit ng karangalang Magna cm laude.

Binigyang dangal ang natatanging seremonyang ito ng pagdalo ni Kgg. Atty. Keith Micah D.L. Tan, Kinatawan ng ika-apat na Distrito ng Quezon sa Kongreso, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita at dinaluhan din ng mga opisyal ng Pamantasan sa pangunguna ni Dr. Marilyn U. Balagtas, Pangalawang Pangulong Pang-akademiko, kasama sina Dr. Teresita T. Rungduin, Pangalawang Pangulo sa Pananaliksik, Ekstensyon, at Pagtitiyak ng Kalidad, Dr. Rodrigo D. Abenes, Rehente para sa mga fakulti ng PNU, G. Arnold D. Monticalvo, Rehente para sa mga mag-aaral ng PNU, at G. Gerard G. Manuel, Kalihim ng Lupon ng mga Rehente. Gayundin, nanguna sa pagdiriwang ang mga opisyal ng kampus sa pamumuno ni Dr. Amor F. Loniza, Ehekutibong Direktor at Provost, katuwang ang mga miyembro ng fakulti at mga kawani.

Higit sa isang simpleng pagtatapos, ang seremonyang ito ay isang bagong simula para sa mga nagsipagtapos para sa kanilang patuloy na paglalakbay upang maging ganap na g**o ng bayan na pumapanday ng mga bagong henerasyon.

Bilang pagkilala at pagpupugay sa mga mag-aaral na nagsipagtapos nang may natatanging karangalan para sa taong pang-akad...
10/08/2026

Bilang pagkilala at pagpupugay sa mga mag-aaral na nagsipagtapos nang may natatanging karangalan para sa taong pang-akademiko 2025-2026, ipinagdiwang ng komunidad ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Timog Luzon ang Gawad Parangal 2026 noong Hulyo 31, 2026. Kabilang sa mga iginawad sa nasabing okasyon ay ang 24 na mga ko-korikular na parangal sa mga piling nagsipagtapos na nagpakita ng mahusay at aktibong pakikiisa sa iba't ibang larangan, samantalang 45 na akademikong parangal ang iginawad sa mga nagsipagtapos na nagpakita ng kahusayan sa larangan ng pag-aaral.

Ang espesyal na okasyon ay dinaluhan din ni Kgg. Dr. Isaias B. Ubana, II, Punongbayan ng Bayan ng Lopez, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita. Sa kanyang talumpati, binigyan diin ni Dr. Ubana ang napakahalagang papel na ginagampanan ng mga g**o sa bansa at ang patuloy na paglinang ng PNU Timog Luzon sa mga g**o sa hinaharap. Pinaalalahanan din ni Dr. Ubana ang Batch 2026 na huwag maging komportable sa "pwede na", kundi nararapat na siguruhing huwag pumayag na gawing karaniwan ang kanilang sariling pangarap, na ayon sa kanya ay ang pinakamataas na anyo ng kahusayan.

Higit sa isang simpleng seremonya, ang Gawad Parangal ay isang paalala sa mga bagong magiging g**o ng bayan na ipagpatuloy ang kultura ng kahusayan para sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa kinabukasan ng bawat bata sa ating bansa.

10/08/2026

๐“๐š๐จ๐ฌ-๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐Š๐ข๐ง๐๐ž๐ซ๐ ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ง ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ก๐จ๐ค ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‘๐ˆ๐’๐„ ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ

Mula Agosto 3โ€“8, 2026, matagumpay na isinagawa ang Project RISE Batch 2 na may temang "Empowering Kindergarten Teachers: Developmentally Appropriate Practices for Transitioning Learners."

Sa buong pagsasanay, aktibong nakiisa ang mga kalahok sa mga talakayan, gawaing kolaboratibo, breakout sessions, presentasyon ng mga output, at pagbabahagi ng mga karanasan at pananaw na maaari nilang maiangkop sa kani-kanilang paaralan at silid-aralan.

Maraming salamat sa inyong oras, sigasig, dedikasyon, at aktibong pakikilahok na nagbigay ng higit na kabuluhan sa bawat sesyon at sa kabuuan ng programa.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga resource speaker, facilitator, opisyal, at sa lahat ng naging katuwang sa maayos at matagumpay na pagsasagawa ng Project RISE Batch 2.

Nawaโ€™y magsilbing gabay ang mga kaalaman at estratehiyang inyong natamo upang higit pang mapahusay ang inyong pagtuturo at makapagbigay ng mga karanasang angkop sa pag-unlad, pangangailangan, at kakayahan ng bawat batang Kindergarten.

Anim na araw ng sama-samang pagkatuto tungo sa iisang layunin, mas mahusay na pagtuturo at mas makabuluhang karanasan sa pagkatuto para sa bawat bata.

Maraming salamat sa pagiging bahagi ng Project RISE Batch 2. ๐Ÿ’™๐Ÿงก

10/08/2026
09/08/2026

PNU Flag Raising Ceremony
August 10, 2026 7:30AM
Hosted by: Linkages and International Office (LIO), Global Citizenship Education (GCED) & Association of Southeast Asian Teacher Education Network (ASTEN)
Live via Zoom Meeting

Address

Lopez

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Normal University South Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Philippine Normal University South Luzon:

Shortcuts

Share

Category