DepEd Tayo Pisipis Elementary School - Quezon

DepEd Tayo Pisipis Elementary School - Quezon "The beautiful thing about learning is that no one can take it away from you.”
— B.B. King

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025 AGOSTO 1-31, 2025TEMA: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakai...
28/08/2025

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025
AGOSTO 1-31, 2025
TEMA: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”

Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng Pisipis Elementary School ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng iba't ibang makabuluhang gawaing naglalayong itaguyod ang pagmamahal sa wikang Filipino at pagpapahalaga sa ating kultura.

Noong Agosto 1, masayang isinagawa ang Palaro ng Lahi na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa kindergarten hanggang ika-6 na baitang. Naging makulay at puno ng sigla ang buong araw habang ipinakita ang bawat baitang ang kanilang diskarte at kasipagan sa iba't ibang larong pinoy gaya ng pasahang bola, karerang may bola, takbuhan at iba pa.

Samantala, noong Agosto 8 (Biyernes), nagkaroon naman ng mga patimpalak na nagpakita ng talento at pagkamalikhain ng mga mag-aaral. Para sa Kinder hanggang Ikatlong baitang, isinagawa ang Coloring Contest kung saan kinulayan ng mga bata ang isang larawan na ipinakita ang kanilang pagmamahal sa wika at kultura gamit ang makukulay na lapis at krayola. Para naman sa Ika-apat na
baitang hanggang ika-anim na baitang, ginanap ang Poster Making
Contest na nagbigay-daan upang mailarawan ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya at damdamin ukol sa tema ng Buwan ng Wika.

Araw ng Huwebes , Agosto 28, 2025 ay matagumpay na ipinagdiwang ng paaralan ang culminating activity para sa Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Ang programa ay nilahukan ng lahat ng mag-aaral mula Kinder hanggang Ika-anim na Baitang. Bawat baitang ay naghanda ng kani-kanilang pagtatanghal bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa kulturang Pilipino. Nagtampok ang mga mag-aaral ng iba’t ibang bilang: ang Kinder at Unang Baitang ay nagbigay-aliw sa pamamagitan ng masayang sayaw na sinabayan ng awitin; ang Ikalawang Baitang naman ay nagpakitang-gilas sa kanilang makukulay na sayaw; ipinamalas ng Ikatlong Baitang ang husay sa pagtula; ipinakita ng Ika-apat na Baitang ang galing sa sabayang pagbasa; at itinampok ng Ikalima at Ika-anim na Baitang ang kanilang talento sa sabayang pagbigkas. Bukod sa mga pagtatanghal, iginawad din sa nasabing okasyon ang mga parangal para sa mga nagwagi sa Coloring Contest at Poster Making Contest na ginanap noong mga nakaraang linggo bilang bahagi ng pagdiriwang. Binigyang pagkilala rin ang lahat ng baitang sa pamamagitan ng mga sertipiko bilang pagpapatunay ng kanilang aktibong partisipasyon at pagsisikap. Sa kabuuan, naging makabuluhan at makulay ang pagdiriwang. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamalaki sa sariling wika at kultura, gayundin ang kanilang pagkakaisa bilang mga batang Pilipino. Tunay ngang naipakita sa okasyong ito ang kahalagahan ng temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."

Ulat ni: G. Christian C.Trajano








28/08/2025

The online voting is now officially closed. Thank you to everyone who participated. Results will be announced soon 💐

25/08/2025

👑SEARCH FOR MUTYA NG PTA 2025👑
Guidelines for voting:
1. Scroll through the stunning contestants photos and profiles on our page. Get to know our candidates for Mutya ng PTA 2025.
2. To cast your votes, please use the "❤️" to show your support. Each reaction equals ONE vote!
3. Share this post with friends and families! Encourage them to vote too. More HEARTS, the better.
4. Voting ends on August 28, 2025 at exactly 5pm. The contestant with the most hearts in their photos will win the Special Award, MRS. PEOPLE'S CHOICE AWARD.
1❤️=1 point
Goodluck and God Bless mga ka-Mutya 🥰

👑SEARCH FOR MUTYA NG PTA 2025👑Guidelines for voting:1. Scroll through the stunning contestants photos and profiles on ou...
25/08/2025

👑SEARCH FOR MUTYA NG PTA 2025👑
Guidelines for voting:
1. Scroll through the stunning contestants photos and profiles on our page. Get to know our candidates for Mutya ng PTA 2025.
2. To cast your votes, please use the "❤️" to show your support. Each reaction equals ONE vote!
3. Share this post with friends and families! Encourage them to vote too. More HEARTS, the better.
4. Voting ends on August 28, 2025 at exactly 5pm. The contestant with the most hearts in their photos will win the Special Award, MRS. PEOPLE'S CHOICE AWARD.
1❤️=1 point
Goodluck and God Bless mga ka-Mutya 🥰

Address

Pisipis
Lopez
4316

Opening Hours

8am - 4pm

Telephone

+63464157180

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Pisipis Elementary School - Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Pisipis Elementary School - Quezon:

Shortcuts

Share

Category