DepEd Tayo-Youth Formation Cagacag ES

DepEd Tayo-Youth Formation Cagacag ES Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo-Youth Formation Cagacag ES, Education, Brgy. Cagacag, Lopez.

13/02/2026
03/02/2026

Isang maikling sulyap sa Meeting de Avance at Araw ng Halalan. Natututo po kami ng kahalagahan ng pagkakaisa. πŸ’™

π™‹π™–π™œπ™—π™–π™©π™ž 𝙨𝙖 π™’π™œπ™– π™£π™–π™œπ™¬π™–π™œπ™ž 𝙨𝙖 𝙝𝙖𝙑𝙖𝙑𝙖𝙣!! πŸŽ‰Malugod naming binabati ang mga Bagong Halal na SELG Officers na handang magsilbi a...
03/02/2026

π™‹π™–π™œπ™—π™–π™©π™ž 𝙨𝙖 π™’π™œπ™– π™£π™–π™œπ™¬π™–π™œπ™ž 𝙨𝙖 𝙝𝙖𝙑𝙖𝙑𝙖𝙣!! πŸŽ‰

Malugod naming binabati ang mga Bagong Halal na SELG Officers na handang magsilbi at magbigay-boses sa mga mag-aaral. Nawa’y maging huwaran kayo ng tapat, masipag, at responsableng pamumuno.

Newly Elected SELG Officers:

President: Ayessa Mae Maravilla
Vice President: Prince Lian I. Reyna
Secretary: Jhyleanne Keith A. Parcon
Treasurer: Gyan A. Oquialda
Auditor: Lance Cedrick Paglinawan
PIO: Alexander C. Orutia
Peace Officer: Ma. Gabriella P. Tiama
Grade Level Representatives:
Grade 6: Prince Khian P. Letargo
Grade 5: Justin A. Paglinawan
Grade 4: Marriel A. Ilustre
Grade 3: Jharenz A. Autor

Isang panibagong yugto ng pamumuno para sa ating paaralan. ✨

Matapos ang isinagawang Meeting de Avance, ang mga mag-aaral ay namili na ng kanilang mga kandidato na kanilang ihahalal...
03/02/2026

Matapos ang isinagawang Meeting de Avance, ang mga mag-aaral ay namili na ng kanilang mga kandidato na kanilang ihahalal sa kani-kanilang posisyon.

Sa pamamagitan ng mga talumpati at platapormang inilahad, naging mas malinaw sa bawat mag-aaral ang kanilang pagpili ng mga lider na magsisilbi para sa ikabubuti ng paaralan.

Isang makabuluhang araw na nagpatunay sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa demokrasya ng paaralan. πŸ—³οΈπŸ‘

Ngayong araw, Pebrero 3, 2026, matagumpay na naisagawa ang Meeting de Avance sa Cagacag Elementary School.Ibinahagi ng i...
03/02/2026

Ngayong araw, Pebrero 3, 2026, matagumpay na naisagawa ang Meeting de Avance sa Cagacag Elementary School.

Ibinahagi ng iba’t ibang partido ang kanilang mga talumpati at plataporma na nakatuon sa ikabubuti at ikauunlad ng ating paaralan. Tunay na ipinamalas ang talino, tapang, at dedikasyon sa paglilingkod.

Ang mga partidong nagpakitang-gilas at nagbigay-inspirasyon sa mga kapwa mag-aaral ay ang ANGAT, LIGTAS, at SIGLA Partylist.

Isang makabuluhang pagtitipon na nagpatunay na ang boses ng kabataan ay mahalaga at may kapangyarihan.

πŸŒŸπŸŽ‰ VOTE FOR SIGLA PARTYLIST! πŸŽ‰πŸŒŸMga Kamag-aaral,Sa ating paaralan, gusto natin ng mas masaya, maayos, at ligtas na kapali...
30/01/2026

πŸŒŸπŸŽ‰ VOTE FOR SIGLA PARTYLIST! πŸŽ‰πŸŒŸ

Mga Kamag-aaral,
Sa ating paaralan, gusto natin ng mas masaya, maayos, at ligtas na kapaligiran. Kaya nandito ang SIGLA Partylistβ€”mga batang lider na may puso, ideya, at sigla sa bawat gawain!

Kilalanin natin ang SIGLA!

S – Serbisyong may
Silang laging handang tumulong sa kaklase, g**o, at sa buong paaralan. Maliit man o malaking tulong, nagbibigay sila ng ngiti sa lahat! πŸ˜„

I – Inisyatibong
Silang puno ng ideya at tapang. Kung may problema sa paaralan, silang unang magbibigay ng solusyon at bagong proyekto. πŸ’ͺ

G – Gagampanan ang
Silang natutupad ang kanilang tungkulin bilang lider. Alam nilang responsibilidad nila ang maglingkod ng buong puso! ❀️

L – Lahat ng
Silang nagtutulungan sa bawat proyekto. Sama-sama silang gumagawa para sa kabutihan ng buong paaralan.

A – Adhikain sa Paaralan
Silang may malinaw na layunin: gawing mas masaya, maayos, at ligtas ang paaralan para sa lahat! 🏫

Bakit SIGLA?
Sapagkat Silang may sigla sa bawat proyekto, serbisyo, at pagtulong sa iba!
Sila ang batang lider na may puso, tapang, at malasakit sa lahat ng mag-aaral! πŸ’š

Sama-sama tayong piliin ang SIGLA PARTYLIST at gawing mas masaya, maayos, at ligtas ang ating paaralan!

SIGLA PARTYLIST – Serbisyo, Ideya, Galing, Lahat, Adhikain! πŸ’š






🌟 MEET THE LIGTAS PARTYLIST! 🌟Sa ating paaralan, may grupo ng mga batang lider na handang tumulong at maglingkod sa laha...
30/01/2026

🌟 MEET THE LIGTAS PARTYLIST! 🌟

Sa ating paaralan, may grupo ng mga batang lider na handang tumulong at maglingkod sa lahat. Sila ang LIGTAS Partylist! πŸ’›

πŸ’› L – Lider na may
May tapang at inisyatibo para gumawa ng mabuting hakbang sa paaralan.

πŸ’› I – Integridad at
Laging tapat at maayos sa lahat ng kanilang gawain.

πŸ’› G – Galing sa
Nagpapakita ng husay at dedikasyon sa bawat proyekto at gawain.

πŸ’› T – Tulong at
Handang tumulong sa kanilang kaklase at g**o sa anumang oras.

πŸ’› A – Aktibong
Laging masigasig at sumasali sa lahat ng mabubuting gawain sa paaralan.

πŸ’› S – Serbisyo
Nagbibigay ng serbisyo sa lahat ng mag-aaral para maging mas masaya at maayos ang paaralan.

Sama-sama, ang LIGTAS Partylist ay nagdadala ng saya, kaayusan, at ligtas na paaralan! Mga kaibigan, piliin ang LIGTAS Partylist at sama-sama tayong gumawa ng pagbabago!





πŸ“£ VOTE FOR ANGAT PARTYLIST! πŸ“£Ang ating paaralan ay mas masaya at maayos kapag may mga batang lider na handang maglingkod...
30/01/2026

πŸ“£ VOTE FOR ANGAT PARTYLIST! πŸ“£

Ang ating paaralan ay mas masaya at maayos kapag may mga batang lider na handang maglingkod at tumulong sa lahat. Kaya naman narito ang ANGAT Partylist para sa Student Government!

Ano ang ANGAT Partylist?
πŸ’™ A – Aktibong Lider
Palaging handang tumulong at gumawa ng mabuti para sa lahat.

πŸ’™ N – Nagkakaisa sa lahat
Sama-sama tayong mag-aaral, nagtutulungan at nagmamalasakit sa isa’t isa.

πŸ’™ G – Gabay ng bawat isa
Laging nandiyan para magturo, makinig, at gabayan ang mga kaklase sa tama at mabuti.

πŸ’™ A – Aksyon para sa kabutihan
Hindi lang salita, kundi gawa ang mahalaga – para sa mas maayos na paaralan!

πŸ’™ T – Tapat sa paaralan
Laging sumusunod sa tama at nagiging mabuting halimbawa sa lahat.

Mga Kamag-aaral, sama-sama tayong umangat!
Piliin ang ANGAT Partylist – mga batang lider na may malasakit, may aksyon, at tapat sa lahat.
Para sa mas masaya, maayos, at ligtas na paaralan para sa ating lahat! πŸŽ‰

ANGAT Partylist – Para sa bawat mag-aaral!






LOOK | STATE OF THE LEARNERS GOVERNMENT ADDRESS 2025On the morning of July 21, 2025, during the weekly flag-raising cere...
21/07/2025

LOOK | STATE OF THE LEARNERS GOVERNMENT ADDRESS 2025

On the morning of July 21, 2025, during the weekly flag-raising ceremony at Cagacag Elementary School, the much-anticipated State of the Learners Government Address (SOLGA) was delivered by SELG President Julia Mae Caponpon. The event was witnessed by the school head, teachers, pupils, and other members of the school community.

In her address, President Caponpon proudly shared the accomplishments of the Supreme Elementary Learners Government (SELG) in the previous school year and expressed her gratitude for the trust and support of her fellow students and school officials. She emphasized the importance of unity, responsibility, and student involvement in building a more vibrant and inclusive school environment.

Julia Mae also laid out her plans and goals for the school year 2025–2026, which include: Launching Clean and Green Projects, Strengthening Leadership and Teamwork and Solid Waste Management Initiatives.

President Caponpon ended her address with a call to action for all learners to be active, disciplined, and responsible members of the school, promising to lead by example with integrity and compassion.

The SOLGA served as a reminder that student voices matter and that through collective efforts, every learner can be a part of creating positive change within the school.

Address

Brgy. Cagacag
Lopez

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo-Youth Formation Cagacag ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category