20/07/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐น๐ฒ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐ด๐ผ ๐ก๐๐ฆ, ๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ด ๐ฅ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐
Ipinakilala sa flag-raising ceremony noong Hulyo 20, 2026, ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa Jongo National High School matapos silang magwagi sa ibaโt ibang larangan ng palakasan sa Palarong Pambayan na ginanap noong Hulyo 18โ19, 2026.
Sa larangan ng billiards, nasungkit ni John Carl Jariรฑo ang ikalawang puwesto.
Nasungkit naman ng koponan ng Sepak Takraw-Girls ang unang pwesto. Binubuo nina Danica Mae Lopez (Grade 9), Claire Lodronio (Grade 9), Raine Kyla Montales (Grade 10), Irish Kate Revuelta (Grade 10), Aleah Mae Villancio (Grade 10), at Wendy Danseco (Grade 8 ).
Samantala, nagtapos sa ikatlong puwesto ang koponan ng Sepak Takraw Boys na binubuo nina John Cedrick Alama (Grade 12); Nathaniel Baclayon, Aldren Olaviaga, Aldwen Olaviaga, Jan Noruelle O. Quidor, at Mark Ian Pilarca (Grade 11); Jhett Rosilla (Grade 10); Richie Bernal at Ronald Bernal (Grade 9); Jan Nickole Quidor (Grade 8); at Jedry Llaguno, Raziel Aureada, Jath Lorence Reyes, Ace Louis Olicia, at Aldrin Basa (Grade 7).
Dahil sa kanilang natatanging pagganap, inaasahang kakatawanin nina Jan Noruelle O. Quidor at Mark Ian Pilarca ang paaralan sa nalalapit na Provincial Meet.
Kinilala ng pamunuan ng paaralan ang dedikasyon, disiplina, at pagsisikap na ipinamalas ng mga atleta sa buong kompetisyon. Hinikayat din ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay at gawing inspirasyon ang kanilang karanasan upang lalo pang mapaunlad ang kanilang mga kakayahan.
Sa pamamagitan ng simpleng seremonya ng pagkilala, muling ipinakita ng Jongo National High School ang suporta at pagpapahalaga nito sa mga mag-aaral na patuloy na nagbibigay-karangalan sa paaralan sa larangan ng palakasan.
ni Ivy Charietel S. Flores
Photo Coverage by:
๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ณ๐ฐ๐ฏ๐ฅ / ๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ข - ๐๐ค๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ญ ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ