Filipino Department LNHS

Filipino Department LNHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Filipino Department LNHS, Education, Looc.

18/08/2021
Kahit malayo tayo sa isa't isa, tuloy pa rin ang ating masaya at makahulugang pagdiriwang ng buwan ng wika sa taon ito. ...
14/08/2020

Kahit malayo tayo sa isa't isa, tuloy pa rin ang ating masaya at makahulugang pagdiriwang ng buwan ng wika sa taon ito. Kaya, inaanyayahan namin kayong lahat na lumahok at manalo ng mga gantimpala sa mga hinanda naming patimpalak.

Ang pagresolba sa pandemyang dinaranas ng buóng mundo ay hindi lámang nakasalalay sa pagdiskubre ng “bakuna”—malaking pa...
13/08/2020

Ang pagresolba sa pandemyang dinaranas ng buóng mundo ay hindi lámang nakasalalay sa pagdiskubre ng “bakuna”—malaking papel ang ginagampanan ng kamalayan o awareness ng bawat tao ukol sa virus na sa tamang impormasyon ay magkakaroon ng kolektibong hakbang pára sa prebensiyon ng nakamamatay na sakít.

Wika ang tuláy sa paghahatid ng kamalayan sa sangkatauhan upang ang COVID-19 ay mapigilan. Tinitingnan dito ang Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang tagapamansag ng kolektibong paghahanap ng pag-asa sa gitna ng krisis o matinding pangangailangan. Hindi nga ba’t sa pagpapaunawa sa mga Filipino, sa anumang antas ng búhay, hinggil sa kinakaharap na sitwasyon, kadalasang napag-iiwanan ang mga nása laylayan ng lipunan lalo’t banyaga ang wikang ginagamit sa pagpapaliwanag?

Sa taong ito isentro ang tema ng Buwan ng Wika -- “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya -- sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya.

Layunin nitóng himukin ang BAYANIHAN ng sambayanan upang masugpo ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon o pabatid-publiko na nása Filipino at mga katutubong wika.

Pagbabantayog itó sa kahalagahan ng mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na itaguyod ang pagpapalaganap ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang pinakamabisang midyum sa pagkakaroon ng kolektibong pag-uunawaan ng sambayanan.

Sa araw-araw na humaharap ang mga Filipino sa pagsubok na itó, humaharap din ang (mga) wika sa mabigat na isyung hatid ng pandemyang itó. Dahil dito, naging mahalaga ang pagpapása at paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayán. Nagbigay-daan itó upang makita ang pangangailangang maibantayog ang bawat wika bílang pagtugon sa ibá’t ibáng kalamidad at pandemya.

Ang pagsandig sa wikang sinasalita ng isang pamayanan ay higit na epektibo hindi lámang sa paghahatid ng impormasyon sa bawat mamamayán nitó kundi sa pag-aalis ng tákot o stigma dahil nagagawang pag-usapan ang pandemya sa mga wikang komportable ang mamamayán.

Sa gitna ng pagbabagong nagaganap sa ating bansa dahil sa Covid-19,Narito pa rin ang DEPARTAMENTO NG FILIPINO ng Mataas ...
13/08/2020

Sa gitna ng pagbabagong nagaganap sa ating bansa dahil sa Covid-19,
Narito pa rin ang DEPARTAMENTO NG FILIPINO ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc upang maglingkod sa bawat mag-aaral na Loocnon.

Patuloy naming ibabahagi ang mga masalimuot at kapana-panabik na akda mula sa panitikang Pilipino hanggang pandaigidig. Mga bagong kaalaman at impormasyon sa pag-aaral ng balarilang Filipino ay sabay-sabay nating tutuklasin. Mga programa ng Komisyon ng Wika at mga palatuntunang inaabangan inyo taon taon na pinaghahandaan ng departamentong ito ay isasagawa pa rin natin.

Kaya mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc, sama sama pa rin natin haharapin ang taon panuruan 2020-2021 na may kasiglahan sa pagkatuto sa tulong ng page na ito.

ANO PA ANG HINIHINTAY NI NIYO? IFOLLOW NA ITO!

Address

Looc
5507

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Filipino Department LNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category