31/03/2026
Taos-pusong pasasalamat ng Banalo ES sa ating Panauhing Tapagsalita
Mrs. Shiela Anyayahan Ilagan
Master Teacher I
sa kanyang pagbibigay ng makahulugan at nagbibigay-inspirasyong mensahe sa ginanap na Moving Up Ceremony and Recognition Day 2026 ng Banalo Elementary School noong ika-30 ng Marso, 2026.
Ang inyong mga mensahe ay nagsilbing gabay at lakas ng loob sa ating mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap nang may determinasyon at mabuting pagpapahalaga sa sarili.
Maraming salamat po sa inyong oras, suporta, at sa patuloy na pagbibigay-inspirasyon sa kabataang Banalo
Nawa’y patuloy pa kayong maging ilaw sa landas ng edukasyon.
Inaasahan naming lubos ang inyong pagbabalik. Mabuhay po kayo!
31/03/2026
Sa pagtatapos ng Taong Panuruan 2025–2026, taos-puso nating kinikilala ang hindi matatawarang ambag ng ating mga g**o at magulang sa tagumpay ng ating paaralan at mga mag-aaral. Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at walang sawang suporta ang naging sandigan sa bawat aral na natutuhan at pangarap na unti-unting naabot ng ating mga kabataan.
Sa ating mga g**o, kayo ang ilaw na patuloy na gumagabay at humuhubog sa kinabukasan ng bawat bata.
Sa ating mga magulang, kayo ang matibay na katuwang ng paaralan sa paghubog ng mabuting asal at sipag sa pag-aaral.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa mga mag-aaral, kundi para sa ating lahat na nagkaisa at nagtulungan. Maraming salamat sa inyong pagmamahal at malasakit sa edukasyon.
Mabuhay po kayo!
30/03/2026
Moving Up Ceremony and Recognition Day at Banalo ES
Theme: 🎓 “Filipino Graduates: Prepared to Lead with Competence and Character”
Mrs. SHIELA A. ILAGAN
Guest Speaker
March 30, 2026
30/03/2026
Recognition Day at Banalo ES
Theme: 🎓 “Filipino Graduates: Prepared to Lead with Competence and Character”
Mrs. SHIELA A. ILAGAN
Guest Speaker
March 30, 2026
30/03/2026
Moving Up Ceremony at Banalo ES
Theme: 🎓 “Filipino Graduates: Prepared to Lead with Competence and Character”
Mrs. SHIELA A. ILAGAN
Guest Speaker
March 30, 2026
29/03/2026
Sa ngalan ng buong pamunuan, mga g**o, mag-aaral, at mga magulang ng Banalo Elementary School, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating minamahal na Panauhing Pandangal
PO1 MARIA JESSICA RAMIREZ ROXAS
sa pagbibigay ng inyong mahalagang oras, inspirasyon, at makabuluhang mensahe sa aming ika-53 Taunang Pagtatapos.
Ang inyong mga salita ay nagsilbing gabay at inspirasyon sa aming mga nagsipagtapos—isang paalala na ang tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at mabuting pagkatao. Tunay po na ang inyong presensya ay nagbigay dangal at higit na kahalagahan sa pagdiriwang na ito.
Maraming salamat po sa inyong suporta at malasakit sa edukasyon. Nawa’y patuloy po kayong maging inspirasyon sa marami pang kabataan.
Muli, maraming salamat po at mabuhay!
29/03/2026
Ika-53 Taunang Pagtatapos
Marso 29,2026
29/03/2026
Ika-53 Taunang Pagtatapos
Marso 29,2026
Tema: Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao
PO1 MARIA JESSICA RAMIREZ ROXAS
Panauhing Pandangal