27/09/2026
Singkaban ng Lobo: Tulay ng Tradisyon, Larawan ng Pagkakaisa at Pagmamahal sa Bayan
Magandang araw po sa ating lahat!
Ang aming Singkaban ay hindi lamang isang makulay na arkong pinalamutian ng mga likas na materyales. Ito ay isang buhay na larawan ng kasaysayan, kultura, kabuhayan, at pagkakakilanlan ng bayan ng Lobo, Batangas. Sa bawat detalye nito ay nakaukit ang mga kuwento ng ating mga ninuno, ang sipag ng ating mga mamamayan, at ang mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon ang mayamang kalikasan ng ating bayan ng Lobo.
Sa pinakatuktok ng Singkaban ay matatagpuan ang Atis, na tila koronang ipinagmamalaki ng Lobo at kilala tayo bilang Atis Capital of the Philippines. Hindi lamang ito simpleng prutas kundi sagisag ng kasaganaan, pagsisikap, at pag-asa.
Sa paligid nito ay makikita ang ** mga banig na hinabi gamit ang kawayan**, mga bilao, at iba pang kagamitang yari sa likas na materyales. Ang bawat hibla ay tila kuwento ng mga kamay na sama-samang naghahabi ng pangarap at tagumpay. Ang mga ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa, pagtutulungan, at matibay na samahan ng mga LoboeΓ±o.
Namumukadkad din ang mga bulaklak na gawa sa kinayas na kawayan at mga ** disenyong yari sa tambo**. Ang mga ito ay pagpapatunay na ang sining ay maaaring umusbong at mapagyaman kahit mula sa payak na materyales.
Tampok din sa aming Singkaban kumakatawan sa hagdan-hagdang palayan ng Jaybanga na may tunay na palay. Ang bawat baitang nito ay tila hagdan ng pangarap na paakyat sa kaunlaran at pagtupad sa pangarap. Sumasalamin ito sa walang kapagurang pagsisikap ng mga magsasaka na siyang tunay na bayani ng ating bayan.
Makikita rin ay nakabuka at maringal na pakpak-lawin na dinisenyong bulaklak at pinalamutian ng bao ng niyog. Tulad ng lawing malayang lumilipad sa kalangitan, sumisimbolo ito sa katatagan, katapangan, at matayog na pangarap ng mga LoboeΓ±o. Ito ay paalala na kahit gaano kataas ang ating mithiin, maaari natin itong marating kung tayo ay may determinasyon at pananampalataya sa ating Lumikha.
Sa isang bahagi naman ng Singkaban ay matatagpuan ang imahe ng magsasaka na may salakot na gawa sa buli. Ang kanyang tindig ay larawan ng tunay na LoboeΓ±o, masipag, matiyaga at mapagkumbaba, matatag at masayahin.
Sa gitna ng disenyo ay makikita ang abanikong may tampok ng niyog, na sumisimbolo sa pusong mapagmahal ng mga taga-Lobo. Makikita rin ang kusot ng niyog at iba pang bahagi ng punong ito, na nagpapakita ng isa sa pinakamahalagang likas na yaman ng ating bayan.
At tulad ng liwanag na patuloy na nagniningning sa gitna ng dilim, matatagpuan sa aming Singkaban ang lampara na gawa sa pira-pirasong bao ng niyog at mga ilaw na palamuti. Higit pa sa simpleng dekorasyon, ang mga ito ay sumisimbolo sa pag-asa, gabay ng ating Panginoon at Patron ng San Miguel Arkanghel at pagkakaisang nagbibigay-liwanag sa bawat tahanan at mamamayan ng Lobo. Ang kanilang ningning ay paalala na sa kabila ng anumang pagsubok o unos na ating hinaharap, may liwanag na magtuturo sa tamang landas at magpapaalab sa ating mga pangarap at pagkamit nito.
Sa kabuuan, ang aming Singkaban ay higit pa sa isang obra ng sining. Ito ay himig ng ating kasaysayan, tibok ng ating kultura, at salamin ng ating pagkakaisa. Bawat atis, bawat hibla ng banig, bawat butil ng palay, bawat bao ng niyog, at bawat piraso ng kawayan ay nagsasalaysay ng kuwento ng isang bayang mayaman sa tradisyon, likas na yaman, at pagmamahal sa bawat mamamayan ng Lobo.
Mabuhay ang Foundation Day! Mabuhay ang Lobo, Batangas!
Isang taos-pusong pasasalamat at pagbati sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang tagumpay na ito! π Ang pagkakamit ng Ikatlong Gantimpala (Third Place) sa SINGKABAN 2026 ay hindi lamang tagumpay ng iisang paaralan, kundi bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pagsisikap ng bawat isa.
Lubos ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan (LGU), sa ating Public Schools District Supervisor Dr. Juliet E. Ilagan, at sa lahat ng SPTA sa walang sawang suporta at paggabay. Maraming salamat din sa ating mga minamahal na Cluster Members na naging katuwang natin sa pag-abot ng tagumpay na ito:
π Apar Elementary School, sa pangunguna ni Mrs. Mangery A. Buisan
π San Nicolas Elementary School, sa pangunguna ni Sir Federico A. Gayeta
π Jaybanga Elementary School, sa pangunguna ni Sir Eugene A. Panaligan
π Lobo Central School, sa pangunguna ni Mrs. Lina M. Magoling
Sa lahat ng magulang, g**o, at mga taong naglaan ng kanilang oras, talento, lakas, at suporta, maraming-maraming salamat po! Ang inyong pagtitiwala, sakripisyo, at pakikiisa ang nagsilbing inspirasyon upang maipakita natin ang ating husay at maabot ang tagumpay na ito.
Isang espesyal na pasasalamat din sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion, sa pangunguna ni SK Rainell Cueto, sa inyong suporta at pagmamalasakit. Tunay na malaking bahagi kayo ng tagumpay na ito! π
Ang tagumpay na ito ay patunay na kapag tayo ay nagkakaisa, walang hamon na hindi kayang harapin. Ang ikatlong puwesto ay hindi lamang isang parangal, kundi simbolo ng ating dedikasyon, pagkakapatiran, at pagmamahal sa ating paaralan at komunidad.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat! Sama-sama nating ipagmalaki ang tagumpay na ito!
SINGKABAN 2026 β Proud to be a Third Placer! ππ