Tutor Jude

Tutor Jude Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tutor Jude, Education Website, N. Babao Street, Lobo.

Tampok na Salita: PámamahalàánIsang salitang may lalim, kasaysayan, at kahulugan.Tuklasin ang yaman ng wikang Filipino s...
09/08/2026

Tampok na Salita: Pámamahalàán

Isang salitang may lalim, kasaysayan, at kahulugan.
Tuklasin ang yaman ng wikang Filipino sa KWF Diksiyonaryo. 🇵🇭

24/07/2026
18/07/2026

🌊 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒂𝒍𝒐𝒏, 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐. 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐, 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊.

Mula sa ating mga baybayin hanggang sa iba’t ibang panig ng mundo, ang kasaysayan ng Pilipinas ay kuwento ng mga taong naglakbay, nakipag-ugnayan, at nagdala ng diwang Pilipino saan man sila makarating. Ang dagat ang naging tulay ng ating kalakalan, diplomasya, at ng milyun-milyong Pilipinong bumuo ng mga komunidad sa ibayong-dagat.

⚓ Ngayong Buwan ng Kasaysayan 2026, samahan ang NHCP sa paglalayag sa temang "𝗛𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗶𝗻𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗼𝗻." Sama-sama nating tuklasin ang mga kuwentong nagbuklod sa ating kapuluan at nag-ugnay sa Pilipinas sa daigdig. 𝑇𝑎𝑟𝑎, 𝑎𝑙𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛—𝑎𝑡 𝑡𝑢𝑘𝑙𝑎𝑠𝑖𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑑𝑎𝑑𝑎𝑙ℎ𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑎𝑙𝑜𝑛! 🇵🇭🌊

Antabayanan ang opisyal na kalendaryo ng History Month 2026 sa mga susunod na araw!




May mga taong tila isinilang upang maging tahanan ng mga pusong ligaw, maging liwanag ng mga naliligaw, at maging kanlun...
17/07/2026

May mga taong tila isinilang upang maging tahanan ng mga pusong ligaw, maging liwanag ng mga naliligaw, at maging kanlungan ng mga pagod na kaluluwa.

Ngunit sa likod ng kanilang matatag na anyo ay isang pusong marunong ding mapunit, mapagod, at mangailangan ng yakap na hindi nila kailanman hiningi.

"At paano kung ako naman ang mangailangan?
Ako ba'y kanilang tutulungan?
Sa mga tagpong ako ang nagbigay,
Hanggang kailan ako maghihintay?"

Ang tulang ito ay hindi lamang tanong. Isa itong tahimik na sigaw ng mga taong buong pusong nagbigay ng sarili, hanggang sa isang araw ay mapansing wala na pala silang natitirang lakas para sa kanilang sarili.

Hindi lahat ng matatag ay hindi nasasaktan. Hindi lahat ng palaging nakangiti ay hindi umiiyak. At hindi lahat ng nagbibigay ay may taong magbibigay rin sa kanila.

Alam mo ba na ang salitang-ugat ng panalo ay talo? 🤔📚Maaaring nakapagtataka, pero ang salitang panalo ay may kaugnayan s...
17/07/2026

Alam mo ba na ang salitang-ugat ng panalo ay talo? 🤔📚

Maaaring nakapagtataka, pero ang salitang panalo ay may kaugnayan sa salitang-ugat na talo. Sa tulong ng proseso ng paglalapi at pagbabagong morpoponemiko, nabuo ang salitang panalo mula sa pang- + talo.

Sa pagbuo nito, nagbabago ang anyo ng salita upang maging angkop sa bigkas ng Filipino:

pang- + talo → pantalo → panalo

Sa prosesong ito, nawawala ang unang tunog na /t/ ng talo, kaya nabubuo ang salitang panalo na ngayon ay nangangahulugang pagkamit ng tagumpay.

Ayon sa KWF Diksiyonaryong Filipino, ang panalo ay maaaring tumukoy sa:
🏆 tagumpay na nakamit sa paligsahan o labanan;
🎁 bagay na nakuha bunga ng tagumpay; at
👥 tao o pangkat na nagkamit ng tagumpay.

14/07/2026
May mga paglalakbay na hindi para tumakas, kundi para makahinga.May mga sandaling paglayo na hindi pagtalikod, kundi pan...
21/02/2026

May mga paglalakbay na hindi para tumakas, kundi para makahinga.
May mga sandaling paglayo na hindi pagtalikod, kundi panunumbalik.

“Sulyap-Laya”
ni Hudgel

Isang maikling pagtakas upang buuin muli ang sarili, upang sa pagbabalik ay mas handa, mas buo, at mas matatag.

19/02/2026

Ang Filipino ay sa iba't ibang larang at Filipino bilang larang.

Address

N. Babao Street
Lobo
4229

Telephone

+639457417949

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tutor Jude posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share