DepEd Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas

DepEd Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas

Share

Use this link for all of your online transactions:
https://forms.gle/G7K72jZntp525f9s6

Photos from DepEd Tayo Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas's post 11/06/2026

πŸŽ‰ SUCCESSFUL PARENTS' ORIENTATION! πŸŽ‰

Ngayong araw, ganap na 8:00 AM na isinagawa ng Masaguitsit-Banalo National High School ang Parents' Orientation on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na naglaan ng oras upang makibahagi sa mahalagang gawaing ito. Ang inyong suporta, pakikiisa, at pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi sa paghubog ng isang ligtas, positibo, at nakapagpapasiglang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Sa sama-samang pagkilos ng paaralan, pamilya, at komunidad, mas lalo nating mapagtitibay ang kalidad ng edukasyon at kapakanan ng bawat batang MBNHS learner.

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok! πŸ’šπŸ’›

10/06/2026

πŸ“’πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦Parents Orientation on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment

Ang Masaguitsit-Banalo National High School ay magalang na nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dumalo sa Parents' Orientation na gaganapin sa:

πŸ“… Hunyo 11, 2026 (Huwebes)
πŸ•— 8:00 ng umaga
πŸ“ MBNHS Covered Court

Mahalaga ang inyong presensya upang mapag-usapan ang mga programa, patakaran, at mga plano ng paaralan para sa matagumpay na taong panuruan. Ang inyong pakikiisa ay susi sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

✨ Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan!

Inaasahan po namin ang inyong pagdalo.

Photos from DepEd Tayo Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas's post 10/06/2026

πŸŽ‰πŸ† HIGHLY READY ANG MBNHS! πŸ†πŸŽ‰

Isang napakasayang balita para sa buong komunidad ng Masaguitsit-Banalo National High School! πŸ’šπŸ’›

Sa isinagawang School Readiness Assessment para sa pagbubukas ng klase, buong galak naming ibinabahagi na ang MBNHS ay nakamit ang rating na HIGHLY READY-100%! 🌟

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at pagmamahal sa edukasyon ng aming mga g**o, magulang, stakeholders, at buong komunidad ng paaralan.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kina Dr. Juliet E. Ilagan, PSDS of Lobo Sub-Office, at Dr. Randie B. Atienza, Regional EPS, Region IV-A, sa kanilang mahalagang paggabay, suporta, at pagkilala sa kahandaan ng aming paaralan.

✨ Mula sa puso ng MBNHS, MARAMING SALAMAT PO!

Handang-handa na ang MBNHS para sa isang matagumpay, ligtas, at makabuluhang School Year 2026–2027!

Sulong MBNHS!

08/06/2026

✨ MALIGAYANG PAGBABALIK SA PAARALAN, MGA MAG-AARAL NG MBNHS! ✨

Malugod na tinatanggap ng Pamunuan at Kaguruan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Masaguitsit-Banalo (MBNHS) ang ating mga minamahal na mag-aaral, mga magulang, at mga tagasuporta sa opisyal na pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027! 🏫🌱

Isang bagong yugto na naman ng karunungan, paglago, at pag-asa ang ating sama-samang kakaharapin. Mananatili ang MBNHS na katuwang ninyo sa paghubog ng inyong mga pangarap at kakayahan tungo sa isang matagumpay na kinabukasan.

Sa ating mga bagong mag-aaral, maligayang pagdating sa ating tahanan! Sa mga nagbabalik, nawa'y maging puno ng sigla at inspirasyon ang inyong pag-aaral ngayong taon. Sabay-sabay nating abutin ang tagumpay! ✨

Photos from DepEd Tayo Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas's post 08/06/2026

πŸ’šπŸ’› MARAMING SALAMAT! πŸ’›πŸ’š

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Masaguitsit-Banalo National High School sa ating mga kasamahan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanilang mahalagang oras, pagsisikap, at dedikasyon sa pagtulong para sa ikagaganda at ikaaayos ng ating paaralan.

Ang inyong boluntaryong serbisyo ay patunay ng tunay na bayanihan at malasakit sa edukasyon at sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Malaki ang naging ambag ninyo sa paglikha ng isang mas ligtas, mas maayos, at mas kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa adhikain ng Masaguitsit-Banalo NHS. Nawa’y patuloy nating mapalakas ang diwa ng pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating paaralan at komunidad.

Photos from DepEd Tayo Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas's post 07/06/2026

A warm welcome to Masaguitsit-Banalo National High School (MBNHS), Ma’am Mary Louise Ibon, Ma’am Dannilyn Beredo, and Ma’am Jhen Mhae DueΓ±as!

We are happy and excited to have you as part of our MBNHS family. May your journey with us be filled with meaningful experiences, success, and inspiration as we continue to serve and guide our learners.

Welcome to MBNHS, Ma’ams! πŸ’šπŸ“šβœ¨

Photos from DepEd Tayo Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas's post 06/06/2026

πŸ“šβœ¨ MEET OUR CLASS ADVISERS | S.Y. 2026–2027 βœ¨πŸ“š

Masaguitsit-Banalo National High School proudly presents our dedicated and committed Class Advisers for School Year 2026–2027!

As we begin another exciting academic year, these passionate educators are ready to guide, inspire, and support our learners in their journey toward excellence, character development, and lifelong learning.

To our dear advisers, thank you for accepting the responsibility of shaping young minds and nurturing future leaders. Your dedication, patience, and commitment make a lasting impact on every learner's life.

Parents, guardians, and learners, let us work hand in hand with our advisers to create a positive, safe, and productive learning environment for everyone.

Together, let us make S.Y. 2026–2027 a year of growth, achievement, and success! πŸ’™πŸ’›

Photos from DepEd Tayo Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas's post 05/06/2026

Parents and Stakeholders Orientation: Learning System Reforms Policies (LSRP)

On June 5, 2026, parents and stakeholders actively participated in understanding key updates in the K to 12 Basic Education Program:
πŸ“Œ DO 015, s. 2026 – Revised Guidelines on Classroom Assessment, Grading System, and Awards & Recognition
πŸ“Œ DO 014, s. 2026 – Guidelines on Learning Continuity in Emergencies
πŸ“Œ D.O. 9, s. 2026 – Implementation of the Three-Term School Calendar

We sincerely thank all parents for their commitment to supporting their children’s learning journey and ensuring continuity of education even in challenging times. πŸ’‘πŸ“š

04/06/2026

PARENTS AND STAKEHOLDERS ORIENTATION | SY 2026–2027

Inaanyayahan po kayo ng Masaguitsit-Banalo National High School na dumalo sa Orientation on Learning System Reforms Policies (LSRP) para sa School Year 2026–2027.

πŸ“… Hunyo 05, 2026
πŸ•— 8:00 AM
πŸ“ MBNHS Covered Court

Mahalaga ang inyong pagdalo upang magkaroon tayo ng malinaw na pag-unawa sa mga bagong polisiya, programa, at repormang pang-edukasyon na ipatutupad ngayong taon. Ang inyong pakikiisa ay mahalagang susi sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.

Photos from DepEd Tayo Masaguitsit-Banalo NHS - Batangas's post 04/06/2026

Hooray for our generous Brigada Heroes! πŸŽ‰πŸ’šπŸ’›

Masaguitsit-Banalo National High School extends its heartfelt gratitude to our generous partners, parents, and stakeholders for their valuable support and contributions to Brigada Eskwela 2026.

Special thanks to:

BDO Unibank
Mr. Glen De Roxas
Hon. Norberto M. Abanilla
Hon. Jake B. Paglicauan
Hon. Michel My. DueΓ±as
Hon. Calixto R. Ramirez
Mrs. Ria Mae Be. Maralit
SPTA President Randy Aguila
Mr. Johmel Gutierrez
Mr. Ramil Evangelista
Our dear parents and stakeholders

Your kindness, generosity, and commitment to our school community truly helped us create a safer, cleaner, and more prepared learning environment for our learners.

Thank you for being part of the MBNHS family and for making Brigada Eskwela 2026 more meaningful and successful!

Want your school to be the top-listed School/college in Lobo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


MASAGUITSIT, LOBO, BATANGAS. 0432271801
Lobo
4229

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm