05/09/2026
Mabiyayang Araw ng Bayanihanπ€π
Maraming-maraming salamat po sa ating mga Barangay Functionaries, sa pamumuno ng ama ng ating barangay, Hon. Joeden R. Ramirez, para sa matagumpay na pagsasagawa ng Clean-Up Drive Activity ngayong araw. πΏπ
Sa pangunguna nina Kon. Francisco Canatuan, kasama ang ating mga SGC Officers na sina Kon. Pablo Guavez at SK Rafael Catral, at katuwang ang ating mga masisipag na PTA Officers, sama-sama at tulong-tulong nilang nilinis at hinawan ang mga madawag at madamong bahagi ng ating paaralan.
Ang kanilang pagkakaisa at malasakit ay malaking tulong upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. π«β¨
Lubos din po ang aming pasasalamat sa kanilang pagtulong sa pagkakabit ng signage na ipinagkaloob ng ating minamahal na Punong Bayan. , Hon. Geronimo βEmongβ Alfiler. Malaking bagay po ang inyong suporta at pakikiisa sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng ating paaralan.
Maraming salamat po sa inyong serbisyo, malasakit, at bayanihan! β€οΈπ€
βSama-sama sa Paglilingkod, Sama-sama sa Malinis, Maayos at Ligtas na Paaralan!β π«