18/08/2026
Ka-DepEd, sa panahon ng pagsubok, piliin natin ang malasakit at paggalang.
Nananawagan ang Department of Education (DepEd) sa media, vloggers, content creators, at sa publiko na iwasang mag-post, magbahagi, o magpalaganap ng mga video, larawan, at iba pang sensitibong materyal kaugnay ng naganap na pamamaril sa isang pribadong paaralan sa Zamboanga City.