09/04/2025
Ngayong ika-9 ng Abril, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kagitingan bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga beterano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lalo na ang mga sumabak sa Bataan Death March noong 1942.
Sa araw na ito, inaalala natin ang kanilang tapang at sakripisyo, mula sa matinding hirap na dinanas sa kamay ng mga mananakop hanggang sa kanilang matibay na paninindigan para sa kalayaan ng bayan. Ang kanilang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan, kundi inspirasyon para sa ating lahat na manatiling matatag at nagkakaisa.
Mabuhay ang diwa ng Kagitingan! Pahalagahan natin ang kanilang alaala at ipamana ang kanilang aral sa mga susunod na henerasyon.