Teen Health Kiosk - PINHS

Teen Health Kiosk - PINHS

Share

Small Steps Today, A Healthier Tomorrow

Tama bang mag-swipe right?: The wrong side of online dating 17/02/2026

Walang masama sa pag-explore ng online dating world pero kailangan TRIPLE ang pag-iingat❗

Panoorin ang video na ito para malaman ang dos and don’ts ng online dating.

Tama bang mag-swipe right?: The wrong side of online dating Walang masama sa pag-explore ng online dating world pero kailangan TRIPLE ang pag-iingat❗ Panoorin ang video na ito para malaman ang dos and don'ts ng

Kalma, Bes! Bago Ang Lahat, Hinga Ka Muna 16/11/2025

Mahalaga ang breathing exercises para kumalma at mag-refocus kung sakaling masyado na ang stress, anxiety, pressure, o ang emosyon na nararamdaman. Isa itong paraan ng self-care para magkaroon tayo ng peace of mind.

Basahin ang article na ito para sa ilang tips.

Kalma, Bes! Bago Ang Lahat, Hinga Ka Muna “Deadlines, exams, gutom, regla, pimples, bad hair day–lahat na lang ata kailangan kong pagdaanan this hell week!” reklamo ni Mika*. At dagdag pa diyan,

#SadBoi Lang ba o Depressed na? 03/11/2025

Halloween season na naman! Pero alam mo ba kung ano ang mas nakakatakot? ‘Yung malunod sa sarili mong isip kapag dumadaan ka sa depression.
Tulungan natin ang isa’t isa. Basahin ang article na ito para malaman ang mga senyales ng taong maaaring may depression. 🫂

#SadBoi Lang ba o Depressed na? Nanay: O Anna* napano ‘yang kuya Buboy* mo? Bakit hindi kumikibo at walang ganang kumain? Anna: Ewan ko, ‘nay. Siguro nag-eemote na naman. Alam mo na uso

7 Bagay na Dapat Malaman ng Lahat Tungkol sa Consent 20/10/2025

Mahalaga ang pagsasabuhay ng consent—hindi lang sa pakikipagtalik, kundi sa lahat ng interaksyon natin sa ibang tao.
Kahit sa mga simpleng kilos tulad ng paghawak, pag-akbay, pagyakap, o paghalik, laging kailangang may malinaw na pahintulot. ☝️
Basahin ang artikulong ito upang mas lalo mong maunawaan ang kahalagahan at konsepto ng consent.

7 Bagay na Dapat Malaman ng Lahat Tungkol sa Consent Narinig na natin ang tinatawag daw na “golden rule”: “Gawin mo sa iba ang gusto mo ring gawin nila sa iyo.”

'Ma, Pa, May Sasabihin Ako…' Pakikipag-usap sa Magulang Tungkol sa Mental Health 10/10/2025

Walang masama sa paglapit para humingi ng tulong, lalo na kung alam mong hindi mo na kaya mag-isa. Sa ganitong pagkakataon, mahalaga ang suporta at pagmamahal mula sa mga taong handang tumulong.

Lagi mong tatandaan: ang humingi ng tulong ay hindi kahinaan, kundi isang lakas ng loob.

Narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa iyo:

'Ma, Pa, May Sasabihin Ako…' Pakikipag-usap sa Magulang Tungkol sa Mental Health Ilang linggo nang kinikimkim ni Carl* ang dinaramdam niya. Alam niyang hindi lang ito tipikal na o pagkalungkot. Gusto niya sanang magsabi

Panganib ng Online Grooming at Paano Ito Maiiwasan 25/09/2025

Mahalagang may kamalayan sa mga isyu gaya ng grooming dahil makakatulong ito para maiwasan na maging biktima nito. I-share ang natutunan sa article na ito sa mga kaibigan at kakilala para mas marami pang maging aware sa ganitong pangyayari at hindi na madagdagan ang mga biktima ng grooming.

Kung ikaw o kakilala mo ay nakararanas ng grooming, tandaan na may mga nagmamalasakit at handang tumulong at sumuporta sa’yo sa pangyayaring ito.

Panganib ng Online Grooming at Paano Ito Maiiwasan Ano ang grooming Grooming – minsan pananatili ng personal hygiene, minsan maintenance ng mga alagang pets natin. Pero alam mo ba na pwedeng may negatibo

Ligtas na Paggamit ng Internet 10/09/2025

Ayan kasi! Kaka-cellphone mo ‘yan!” Narinig mo na ba ang linyang ‘yan mula sa magulang mo?

Sa panahon ngayon, madalas tayong nakababad sa gadgets para mag-internet – pwedeng para sa school, work, o entertainment. Malaking bagay ang naitutulong nito sa buhay natin, pero alam mo bang pwede ka ring mapahamak kung ‘di ka wais sa paggamit nito?

Tandaan, kahit pa naka-private ang mga account mo, walang tunay na pribado sa internet. Kaya dapat talagang mag-ingat sa mga pinopost mo – lalo na kung sensitibo o pribado ang nilalaman nito. Higit sa lahat, mag-ingat din sa mga taong nakikilala mo online dahil maraming nagtatago sa fake accounts para manloko ng kapwa!

Para sa karagdagang tips at impormasyon, panoorin ang maikling video na ito.

Ligtas na Paggamit ng Internet “Ayan kasi! Kaka-cellphone mo ‘yan!” Narinig mo na ba ang linyang ‘yan mula sa magulang mo? Sa panahon ngayon, madalas tayong nakababad sa gadgets para

Ang Dami Kong #FEELS! 04/09/2025

Maliban sa pisikal na pagbabago tuwing puberty, may kaakibat din itong emosyonal na pagbabago. Kaya minsan parang ang dami mong feels!

Basahin ang article na ito para mas maintindihan kung bakit ito nangyayari.

Ang Dami Kong #FEELS! Maliban sa pisikal na pagbabago tuwing puberty, may kaakibat din itong emosyonal na pagbabago na dapat ding bigyang pansin.

HIV & AIDS: The Basics 11/08/2025

HIV? AIDS? Ano ba ‘tong mga acronym na ‘to? Bakit lagi silang pinagsasama? Anong pinagkaiba nila?

Upang malaman, basahin ang article na ito.

HIV & AIDS: The Basics HIV? AIDS? Ano ba ‘tong mga acronym na ‘to? Bakit lagi silang pinagsasama? Anong pinagkaiba nila? Ang HIV (human immunodeficiency virus) ay isang uri ng

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Mga STI 06/08/2025

Alam mo ba na bukod sa HIV, marami pang iba’t ibang klase ng STI na pwede mong makuha mula sa di-protektadong pakikipagtalik?

Panoorin ang animated video na ito para mas matuto pa.

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Mga STI Ang sexually transmitted infections (STIs) ay mga sakit na pwedeng makuha sa pakikipagtalik–kahit pa ito’y oral, a**l, o vaginal sex–kung hindi gagamit ng

Want your school to be the top-listed School/college in Lipa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Pinagtongulan
Lipa City