DepEd Sico ES- Lipa City

DepEd Sico ES- Lipa City

Share

This page shows the different programs, projects and activities of Sico ES.

Photos from DepEd Sico ES- Lipa City's post 02/08/2026

π—¦π—œπ—–π—’ π—˜π—Ÿπ—˜π— π—˜π—‘π—§π—”π—₯𝗬 π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿ

Best Pocket Vegetable Garden Contest – Ikatlong Taon
Estudyante sa Bagong Agrikultura (EBA) Program

Isang karangalan para sa Sico Elementary School na maging kinatawan ng West District at isa sa apat (4) na piling pampublikong elementaryang paaralan sa Lungsod ng Lipa na lumahok sa Best Pocket Vegetable Garden Contest sa ilalim ng Estudyante sa Bagong Agrikultura (EBA) Program.

Noong Hulyo 31, 2026, isinagawa ng Lipa City Agriculture Office, sa pangunguna ni Engr. Lorelie Villa del Rey, ang validation at awarding ng mga kalahok sa patimpalak. Sa nasabing programa, buong pasasalamat na tinanggap ng Sico Elementary School ang Consolation Prize, isang pagkilalang nagpapatunay sa dedikasyon, pagtitiyaga, at sama-samang pagsisikap ng buong komunidad ng paaralan sa pagtataguyod ng urban gardening, wastong nutrisyon, at pagpapahalaga sa agrikultura.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng aming School Head, Dr. Lamberto M. Katigbak Jr., mga g**o, mga mag-aaral, PTA Officers, mga magulang, at iba pang stakeholders na naging katuwang sa pagpaplano, pagpapaunlad, at pagpapanatili ng aming Pocket Vegetable Garden.

Taos-puso rin naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat kay Hon. Barangay Captain Kelvin Izon at sa buong Sangguniang Barangay ng Sico sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programa ng paaralan. Ang inyong malasakit at pakikipagtulungan ay naging mahalagang salik sa matagumpay na pagsasakatuparan ng proyektong ito.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa Lipa City Agriculture Office sa patuloy na pagsusulong ng mga programang humuhubog sa kamalayan ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng agrikultura, wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at seguridad sa pagkain.

Ito ay isang makabuluhang pagkilala na nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming paunlarin ang aming mga programa at proyekto. Higit sa anumang parangal, ang tunay na tagumpay ay makikita sa mga mag-aaral na natututong magtanim, magmalasakit sa kalikasan, at pahalagahan ang kahalagahan ng sapat at masustansiyang pagkain.

Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang karanasang ito upang higit pang mapagtibay ang kultura ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa komunidad. Sa Sico Elementary School, naniniwala kami na ang bawat punlang itinatanim ngayon ay nagiging binhi ng mas luntian, mas malusog, at mas matatag na kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng paglalakbay na ito. Ang pagkilalang ito ay tagumpay ng buong pamilya ng Sico Elementary School at ng ating pamayanan.








22/07/2026

Sico Elementary School extends its heartfelt gratitude to Dr. Fernando B. Enriquez, Education Program Supervisor – Filipino, for your meaningful Instructional Supervision and unwavering support in strengthening our Reading and Literacy Program.

Your valuable insights, expert guidance, and words of encouragement continue to inspire our teachers to improve classroom instruction and foster a genuine love for reading among our learners. Your visit has reinforced our commitment to creating a culture where every child becomes a confident reader and a lifelong learner.

Maraming salamat po for sharing your time, knowledge, and passion for quality education. Your dedication leaves a lasting impact on our school community.

Together, we build a culture of readers and lifelong learners. πŸ“–πŸ’š

08/07/2026

"Ligtas na Eskwela,Masayang Bata: Bunga ng Nagkakaisang Barangay at SPTA." Maraming maraming salamat po sa laging pagsuporta sa ating paaralan.

06/07/2026

HULYO 06, 2026

Ipinagmamalaki ng Sico Elementary School ang pakikiisa sa Sabayang Pagtataas ng Watawat bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award.

Ang makabuluhang pagdiriwang na ito ay nagpapaalala sa kahalagahan ng pambansang soberanya, paggalang sa pandaigdigang batas, at sa ating sama-samang pananagutan bilang mga Pilipino na itaguyod ang mga pagpapahalaga ng pagkamakabayan, pagkakaisa, at kapayapaan.

Sama-sama nating ginugunita ang mahalagang yugtong ito ng kasaysayan at pinagtitibay ang ating pangako sa paghubog ng mga mamamayang may kaalaman, pananagutan, at pagmamahal sa bayan.




20/06/2026

ADVISORY

RE-NAMING OF THE OFFICIAL SCHOOL FACEBOOK PAGE OF SICO ELEMENTARY SCHOOL - LIPA CITY

In accordance with DepEd Order No. 007, s. 2026, titled "Media Management Guidelines," which mandates a standardized naming convention for all official Department of Education social media platforms, this institution announces the official transition of its page name.

The change is necessary to ensure compliance with the prescribed guidelines and to strengthen the school's official digital identity.

However, due to Facebook's policy restricting Page Name changes within 60 days, the update cannot be immediately applied.

Therefore, effective August 20, 2026, (60 Days from today) the official School page will transition to the following:

Previous Name:
DepEd Tayo-Sico Elementary School

Official Page Name:
DepEd Sico Elementary School - Lipa City

This transition aligns with the national directive to standardize branding, strengthen institutional identity, and improve the efficiency and consistency of official communications across all levels of governance.

All personnel and stakeholders are encouraged to be guided accordingly regarding this update. Henceforth, all official school announcements, advisories, and featured posts will be released through the newly updated page name.

Official page: DepEd Sico Elementary School - Lipa City
Address: Tubigan St. Brgy. Sico, Lipa City, Batangas

18/06/2026

πŸ“’ π—œπ—žπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—£π—”π— π—•π—”π—‘π—¦π—”π—‘π—š π—¦π—”π—•π—”π—¬π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—‘π—”π—¬ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—‘π——π—’π—Ÿ (2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill)

Matagumpay na nakiisa ang Sico Elementary School sa isinagawang 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng paaralan sa anumang sakuna o kalamidad.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, natutuhan at naipamalas ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ang wastong pagsasagawa ng β€œDuck, Cover, and Hold” at ang maayos na paglikas tungo sa mga itinalagang ligtas na lugar.

Ang ganitong mga gawain ay mahalagang hakbang upang mapalakas ang kamalayan, kahandaan, at kaligtasan ng bawat miyembro ng ating komunidad.

πŸ’š Sama-sama tayong maging handa.
πŸ’š Ligtas na paaralan, ligtas na kinabukasan.





05/06/2026

"Ang Brigada Eskwela ay patunay na sa bayanihan, nagiging mas matatag ang edukasyon at mas maliwanag ang kinabukasan."

Taos-puso pong nagpapasalamat ang buong pamilya ng Sico Elementary School sa lahat ng mga magulang, volunteers, stakeholders, barangay officials, alumni, at iba pang mga katuwang na nakiisa at naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta para sa Brigada Eskwela.

Dahil sa inyong pagtutulungan at malasakit, mas naging handa, malinis, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan.

Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Nawa'y patuloy nating mapanatili ang diwa ng bayanihan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa Sico Elementary School!

29/05/2026

Ang buong komunidad ng paaralan ng SICO ELEMENTARY SCHOOL ay muling nagkakaisa upang maghanda para sa panibago at masiglang taong panuruan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela 2026.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, boluntaryo, at mga katuwang ng paaralan na makiisa sa makabuluhang gawaing bayanihan na ito upang maihanda ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating gawing matagumpay at makabuluhan ang taong panuruang ito para sa bawat mag-aaral.

Photos from DepEd Sico ES- Lipa City's post 26/05/2026

Taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Eric B. Africa sa ipinagkaloob na Brigada Eskwela supplies para sa Sico Elementary School. Malaking tulong po ito upang mas maging handa at maayos ang ating paaralan para sa darating na pasukan.

Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Kapitan Kelvin Bautista Izon sa pagpapahiram ng patrol upang maging maayos at mabilis ang transportasyon ng mga supplies. Maraming salamat din po kay Konsehal Konsi Edwin Perez ng Barangay Sico at sa ating masipag na barangay driver sa kanilang suporta at pagtulong sa pagdadala ng mga kagamitan.

Mula po sa Sico Elementary School sa pamumuno ni Sir Lambert Katigbak at sa aming PTA Officers sa pamumuno ni Gng. Helen Baino Lalamunan, maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagmamalasakit sa edukasyon ng ating mga kabataan.



Photos from DepEd Sico ES- Lipa City's post 18/05/2026

πŸ“’BRIGADA ESKWELA 2026πŸ“’

"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Ang Sico Elementary School ay buong puso pong inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, barangay officials, at mga katuwang sa komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela sa Hunyo 1-5, 2026 para sa paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa S.Y 2026-2027.

Sa temang β€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman” sama-sama po nating linisin,ayusin at ihanda ang mga silid-aralan upang masig**o ang isang malinis ,ligtas at maayos na pagbubukas ng panibagong panuruan.

Ang inyong oras, tulong, at suporta ay mahalagang ambag sa pagtataguyod ng edukasyon para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

πŸ“Tara na! Maging Bahagi, Magkaisa at MakiBrigada!!


Want your school to be the top-listed School/college in Lipa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Purok 4, Sico
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm