09/02/2024
Theme:
• Anong Alam Natin Sa Pag-ibig?
Buwan na ng mga puso, STIers! Hala!😱 Teka, handa ka na bang makipag-date? mainggit? o di kaya naman ay mag spoken poetry?
Hi STIers!💙💛 Kami ang PLUMA Club at kayo ay iniimbitahan namin na makilahok at ipakita ang talento sa pag-buo ng mga makatang salita sa pamamagitan ng paggawa ng Spoken Word Poetry na may Theme na "Anong Alam Natin sa Pag-Ibig?". Basahin ang mekaniks at criteria ng patimpalak👇.
GUIDELINES
1. Bawat kalahok ay dapat na mag-aaral ng STI College Lipa (SHS and Tertiary)
2. Ang paksa ng tula ay dapat kaugnay ng tema "Anong alam natin sa pag-ibig?"
3. Ang itatanghal na spoken word poetry ay dapat tatagal lamang ng 2-4 minuto
4. Ang pagbabanggit ng ano mang hindi kaaya ayang salita o linggwahe ay mahigpit na ipinagbabawal
5. Maaaring gumamit ng sounds, instrumental o background music para sa mas madamang pagtatanghal
6. Pinaaalalahanan na ang itatanghal na script o piece ay orihinal na gawa
7. Ang itatanghal na script o piece ay kinakailangang saulado..
Ang mga nais makilahok ay mangyaring magpalista at hanapin ang Pangulo ng PLUMA (LOUISE NICOLE CARANDANG) o kaya naman ay ang Pangulo ng LEOMAP (DAILYN AQUINO).