Welcome back to school, SLESians!
Here's to another year of growth, learning, and new experiences. Wishing everyone a successful and inspiring school year ahead!
DepEd Tayo San Lucas ES- Lipa City
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo San Lucas ES- Lipa City, Education, Brgy. San Lucas, Lipa City.
First day of school at San Lucas Elementary School. Welcome back, students!
08/06/2026
Naging matagumpay ang pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027! Taos-puso kaming nagpapasalamat sa aming mga mag-aaral, magulang, g**o, at mga katuwang sa edukasyon sa kanilang pakikiisa at suporta upang maging maayos, ligtas, at makabuluhan ang unang araw ng pasukan.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa pagdalo ni Dr. Elisa L. Surwela, na nagbigay ng inspirasyon at suporta sa aming paaralan sa mahalagang pagsisimula ng panibagong taon ng pagkatuto.
Sa ating sama-samang paglalakbay ngayong taon, nawa’y maging puno ito ng kaalaman, pag-unlad, at tagumpay para sa lahat.
💙 Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa matagumpay na pagbubukas ng klase. Sama-sama nating harapin ang isang masigla at makabuluhang Taong Panuruan 2026–2027!
Matagumpay na isinagawa ng San Lucas Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 Closing Program, bilang pagtatapos ng isang linggong bayanihan na naglayong ihanda ang paaralan para sa panibagong taong panuruan. Dinaluhan ito ng mga magulang, g**o, mag-aaral, barangay officials, at iba pang mga stakeholder na nagkaisa upang maisakatuparan ang layunin ng programa.
Taos-pusong nagpasalamat ang pamunuan ng paaralan sa lahat ng mga volunteers, magulang, at katuwang sa barangay na naglaan ng kanilang oras, lakas, at mga donasyon upang mapanatiling malinis, ligtas, at kaaya-aya ang kapaligiran ng paaralan.
Kasunod nito ay isinagawa ang kauna-unahang Parents' Orientation para sa taong-panuruan 2026 - 2027 kung saan tinalakay ang mahahalagang impormasyon kaugnay ng pagbubukas ng klase, mga polisiya ng paaralan, mga programang pang-edukasyon, at ang mahalagang papel ng mga magulang sa paghubog at pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Pagkatapos ng programa ay ipinamahagi ang school supplies na ipinagkaloob ng City Mayor, Hon. Eric B. Africa. Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral at magulang sa suportang ito na makatutulong upang maging handa ang mga bata sa pagsisimula ng kanilang pag-aaral.
Sa kabuuan, naging makabuluhan at matagumpay ang programa sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, lokal na pamahalaan, at iba pang mga katuwang sa edukasyon. Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang diwa ng Brigada Eskwela sa pagsusulong ng de-kalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Tunay na ang bayanihan sa paaralan ay susi sa tagumpay ng bawat mag-aaral.
05/06/2026
Matagumpay na naisagawa ang Brigada Eskwela Closing Ceremony bilang pagtatapos ng sama-samang pagtutulungan at bayanihan para sa paghahanda ng ating paaralan sa panibagong taong panuruan.
Taos-puso naming pinasasalamatan si Mayor Eric B. Africa sa kanyang malasakit at suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng school supplies para sa ating mga mag-aaral. Ang inyong tulong ay malaking inspirasyon at gabay upang mas marami pang kabataan ang magkaroon ng maayos na simula sa kanilang pag-aaral.
Sa ating butihing Kapitan Windy P. Lat sa pagpapahiram ng sasakyan para sa pagkuha ng mga school supplies, gayundin sa ating Konsehal Perfecto Pagcaliwangan, Ms. Analyn Untalan at Kuya Ises. Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, magulang, stakeholders, volunteers, at mga katuwang na naging bahagi ng matagumpay na Brigada Eskwela 2026. Tunay na ang bayanihan ay susi sa paghubog ng isang ligtas, handa, at maunlad na paaralan para sa ating mga mag-aaral.
05/06/2026
“Sa lahat ng ating Brigada Heroes, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pakikilahok sa Brigada Eskwela 2026. Ang inyong kusang-loob na pagtulong ay hindi lamang nagdulot ng kaayusan sa ating paaralan kundi nagpatibay rin ng diwa ng bayanihan sa ating komunidad. Maraming salamat sa pagiging katuwang sa paghubog ng mas ligtas at mas mahusay na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.”
05/06/2026
Taos-pusong pasasalamat kay Dr. Fernando B. Enriquez, Education Program Supervisor–Filipino, sa kanyang pagbisita, pagmamanman, at pagbibigay ng mahalagang gabay sa Brigada Eskwela 2026. Ang inyong suporta at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa aming patuloy na pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at ligtas na kapaligiran sa pagkatuto.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na paglilingkod at pakikiisa para sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2026!
04/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF PROGRAM MATAGUMPAY NA NAISAGAWA
Matagumpay na isinagawa ng San Lucas Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan.” Naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng mga g**o, magulang, mag-aaral, barangay officials, at iba’t ibang stakeholders na nagkaisa para sa paghahanda ng ligtas, malinis, at kaaya-ayang paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa programa, ipinakita ng bawat kalahok ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng kanilang oras, lakas, at mga donasyong makatutulong sa pagpapabuti ng pasilidad at kapaligiran ng paaralan. Ang kanilang suporta ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng komunidad para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng paaralan sa lahat ng stakeholders, volunteers, at partner organizations na nakiisa at nagbigay ng kanilang suporta. Isang taos-pusong pasasalamat din ang aming ipinapaabot sa Punong Barangay, Hon. Windy P. Lat at sa buong Sangguniang Barangay sa kanilang walang sawang pagtulong, pakikipagtulungan, at pagtugon sa mga pangangailangan ng paaralan. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay malaking inspirasyon sa aming paaralan.
Sa patuloy na pagkakaisa at bayanihan, sama-sama nating maisusulong ang isang mas maayos at mas magandang paaralan sa darating na taong-panuruan 2026 – 2027.
04/06/2026
📢 PAANYAYA SA MGA MAGULANG AT TAGAPANGALAGA! 🤝❤️
Inaanyayahan po ng San Lucas Elementary School ang lahat ng magulang sa ating Brigada Eskwela Closing Ceremony, sa temang "Sama-samang Pagtutulungan para sa Tagumpay ng Kabataan," sabay-sabay nating itaguyod ang magandang simula para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral, na susundan ng pamimigay ng School Supplies mula sa ating butihing Mayor Eric B. Africa.
🗓️ Kailan: Hunyo 5, 2026 (Biyernes)
⏰ Oras: 8:00 ng Umaga (8:00 AM)
📍 Saan: San Lucas Elementary School Gym
Ang inyong presensya at suporta ang pinakamahalagang pundasyon ng tagumpay ng ating paaralan. Kita-kits po tayo!👋🎒
✨Wishing a Happy Birthday to our June celebrants!
Thank you for making a difference every single day!💐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Brgy. San Lucas
Lipa City
4217
Opening Hours
| Monday | 7am - 5pm |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |