DepEd Tayo-Youth Formation-San Lucas Elementary School

DepEd Tayo-Youth Formation-San Lucas Elementary School Youth Formation

"Education is the mother of leadership." —Wendell Willkie.
25/02/2025

"Education is the mother of leadership." —Wendell Willkie.

25/11/2021
01/05/2021
30/04/2021

Maligayang Araw ng Manggagawa!

Kami ay sumasaludo at taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng manggagawang Pilipino, kabilang ang mga g**o at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, na nananatiling tapat sa kanilang paglilingkod sa gitna ng mga hamong dulot ng pandemya.

Pagpupugay sa lahat ng manggagawang Pilipino para sa kanilang kabayanihan saan mang sulok ng mundo! Kayo ay tunay na yaman ng ating bansa!

31/08/2020
31/08/2020

Ako ay isang Bayani

Isinilang sa Silangan
Ipinaglaban ang kasarinlan
Matapang na itinakwil ang dayuhan
Isinigaw ang ating karapatan

Ibinuhos ang aking dugo sa lupa
Tumulo sa lapag at naging pataba
Pumatak ang pawis, saglit na nagparaya
Dahil tuloy pa rin ang pag-agos ng luha

Kalayaan mo man ay hindi na pinapahalagahan
Bumalik ka dito at ito ay aking ipaaalam
Malalaman mo lang na ang isang bagay ay iyong kailangan
Kapag tapos na ang lahat at wala ka nang babalikan

Pinutol ang aking mga paa
Hiniwa ang aking tainga
Ginupit ang aking dila
Dinukot ang aking mga mata

Pinasabog ang utak at sinipa-sipa
Pinagtawanan at ginawang kahiya-hiya
Kailangan pa ba talagang may ulo na mahihiwa,
Makamtan mo lamang ang kalayaan na iyong tinatamasa?

Hindi mo na kailangang isakripisyo ang iyong buhay
Hindi mo na kailangang matakot at maghintay
Dahil hindi na ito ang labanan ng kulay
Hindi na ito matira ang matibay

Kung pumanaw man ako para sayo
Sana mabuhay ka para sa akin
Simulan mo ang sakripisyo at pagbabago
Dahil ang kalayaan ay hindi na maaaring hamakin

Iiyak ako pero may ngiti sa aking mga labi
Ngingiti ako pero may luhang nagtitimpi
Matatapos din ang lahat pero ang ilaw ay muling sisindi
Dahil minsan, ang kailangan lamang ay ang simbolo ng isang Bayani

AC

31/08/2020

Sa bawat mag-aaral na subsob sa pag-aaral, pilit na nag-aadjust sa bagong pamamaraan, may isang grupo ng mga Teacher na walang hinto sa paghahanda.

Saludo po kami sa inyo, mga bayani ng "new normal", mga bayani ng DepEd!

National Heroes Day 🇵🇭🇵🇭🇵🇭"Ipagmalaki natin ang mga Bayaning Pilipino"
31/08/2020

National Heroes Day 🇵🇭🇵🇭🇵🇭
"Ipagmalaki natin ang mga Bayaning Pilipino"

On this day, we honor our Heroes who gave their lives for love and in service of their country. But we also take this opportunity to recognize our unsung heroes, including our teachers, who brave today's challenging world.

SPG-P.I.O
21/08/2020

SPG-P.I.O

Address

San Lucas
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo-Youth Formation-San Lucas Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category