07/08/2026
Plaridel NHS student community celebrates the learners' active participation in student organizations and clubs that make their school life radiate brighter, their talents and skills advance finer, and their advovacies and interests reverberate louder.
Congratulations once again to the officers and members alike of our student organizations and clubs! Hail to you, and to the things that you do!
πππππ
06/08/2026
Ipinakikilala ang isang bagong samahan ng mga mag-aaral sa Plaridel NHS, ang Pluma Club, samahan ng mga mag-aaral para sa asignaturang Filipino.
Tangkilikin natin ang sariling wika at samahan ang Pluma Club sa mga aktibidad para sa Buwan ng Wika.
Mabuhay ang Pluma Club! Mabuhay ang wikang pambansa!
04/08/2026
Oath Taking Ceremony ng mga officers ng student organizations and clubs sa Plaridel NHS, ginanap kahapon
Ginanap kahapon ang panunumpa sa tungkulin ng mga officers ng student organizations and clubs - isang gawain na sumisimbolo sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili sa responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga posisyon.
Pinangunahan ng school principal, Ma'am Cheryl Fabregas ang naturang panunumpa kung saan sabay-sabay na binanggit ng mga student-leaders ang kanilang oath habang isinasaisip ang kanilang mga plano at adhikain para sa paaralan sa buong taong panuruan. Sinamahan din ng mga organization advisers ang mga mag-aaral bilang suporta at pagpapatibay ng panunumpa.
Maligayang bati sa inyong oath taking, mga officers! Inaasahan ng paaralan ang inyong mabungang taon sa panunungkulan sa inyong mga samahan.
03/08/2026
Flag Raising Ceremony, idinaos ngayong unang Lunes ng Agosto
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Plaridel National High School kaninang umaga, na pinangunahan ng Pluma Club, ang samahan ng mga mag-aaral para sa asignaturang Filipino.
Sa pagtitipon ay ipinaalam din ng samahan ang mga aktibidad nila kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino tuwing Agosto. Gayundin ay inanunsyo ang pagdiriwang ng National History Month na inoobserbahan din sa nasabing buwan.
Salamat, Pluma Club at lahat ng Plaridelians!
Isang produktibong linggo sa ating lahat!
29/07/2026
The Org Gazette, out now!
Read on and be inspired.
28/07/2026
ATTENTION:
Calling all aspiring dancers to join us in the
Dance Audition 2026 and get a chance to be chosen as member of the Artbeat Society.
When: July 29, 2026
Time: 3:00-4:00 pm
Venue: G7 Peace Classroom
Whether you are an individual performer, duo, trio, or any group, you are invited to show that talent in any dance category.
So ano pang hinihintay ninyo? Join na!
Kita-kits!
27/07/2026
Flag Raising Ceremony ngayong araw, pinangunahan ng Adhika Club.
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat sa paaralan ngayong Lunes, na pinangunahan ng samahan ng mga mag-aaral para sa Araling Panlipunan at Values Education, na Adhika Club.
Kabilang din sa gawain ang pagpapakilala sa mga SPTA Officers para sa taong panuruan 2026-2027 at ang pagkilala sa mga boy scouts na nakapasa sa nakaraang pagsasanay tungo sa Pathfinder at Outdoorsman Ranks.
Isang makabuluhang simula na naman ng bagong linggo, at isang oportunidad ito para sa pag-unlad nga bawat mag-aaral.
Pagbati para sa isang matagumpay na huling linggo ng Hulyo!
20/07/2026
The PiONEers Math Club of Plaridel NHS facilitated the flag raising ceremony this morning to kick off a meaningful start of the week.
With pride and unity, the Plaridel NHS community gathered and honored our national flag and sang the Philippine National Anthem and all other hymns, while reaffirming the commitment to patriotism, discipline, and excellence.
May this new week inspire us to uphold our responsibilities, work together with integrity, and continue striving for success in every endeavor.
Together, let us begin the week with purpose, pride, and the true spirit of service. πβ€οΈπ
30/04/2026
Plaridel National High School
Important Schedules for SY 2026-2027