Brgy. Quezon Lipa City FB Page

Brgy. Quezon Lipa City FB Page BARANGAY QUEZON OFFICIAL FB PAGE

🍚 NATIONAL RICE DISTRIBUTION 🍚Handog sa ating mga Kabarangay sa pamamagitan ni Cong. Ryan S. Recto.πŸ™ Maraming salamat po...
29/09/2026

🍚 NATIONAL RICE DISTRIBUTION 🍚
Handog sa ating mga Kabarangay sa pamamagitan ni Cong. Ryan S. Recto.

πŸ™ Maraming salamat po, Cong. Ryan S. Recto, sa patuloy na pagtulong at malasakit para sa ating mga kabarangay.

πŸ’— Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating mga benepisyaryo na KUSANG LOOB NA NAGBIGAY DAAN at NAGPAUBAYA ng kanilang bahagi ng bigas, upang ito ay MAIPAMAHAGI NAMAN SA ATING MGA KABARANGAY NA HINDI PA NAKAKATANGGAP NG BIGAS.

Ang inyong pag-unawa at malasakit ay tunay na halimbawa ng Bayanihan at pagkakaisa. 🀝🍚

Maraming salamat po sa inyong lahat!
❀BrgyQuezon

29/09/2026

MAGANDANG UMAGA PO!
DADAAN PO ANG TRUCK NG BASURA NGAYONG ARAW.
MAARI NIYO NA PO ILABAS ANG MGA BASURA NA NAKALAGAY SA SAKO AT NAKATALI NG MAAYOS.
MARAMING SALAMAT PO!!

πŸ—‘οΈ PAKILABAS NG BASURA KAPAG ANDYAN NA ANG TRUK NA HAHAKOT! πŸš›πŸ“’ PAALALA PO SA LAHAT NG KABARANGAY!    Mayroong pangongole...
28/09/2026

πŸ—‘οΈ PAKILABAS NG BASURA KAPAG ANDYAN NA ANG TRUK NA HAHAKOT! πŸš›
πŸ“’ PAALALA PO SA LAHAT NG KABARANGAY!

Mayroong pangongolekta ng basura, subalit hindi po natin matiyak kung bukas ang pagdaan ng hauler dahil may mga pagkakataon pong nagkakaroon ng problema sa pagsasalin/pagtatapon ng nakolektang basura sa landfill.

Kaya naman, hinihiling po namin ang inyong pakikiisa:
βœ… Ilagay ang basura sa sako at itali nang maayos.
βœ… Pakilabas lamang ang basura kapag naroon na ang truk na hahakot.
βœ… Iwasan po nating iwan ang basura sa kalsada o kanal upang maiwasan ang kalat at bara.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, disiplina at pakikiisa. πŸ™
Para sa malinis at maayos na Barangay Quezon! ❀️
❀BrgyQuezon

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY FROM METRO LIPA WATER DISTRICTMAHINANG SUPLAY NG TUBIG HANGGANG SA  MAARING MAWALAN NG SUPLAY NG TUBIG...
28/09/2026

πŸ“’ PUBLIC ADVISORY FROM METRO LIPA WATER DISTRICT

MAHINANG SUPLAY NG TUBIG HANGGANG SA MAARING MAWALAN NG SUPLAY NG TUBIG

SAAN:
Brgy. Cumba - Quezon Boundary to Brgy. Adya-Quezon Boundary, Lipa City

KAILAN:
Setyembre 29, 2026 (Martes) ng 8:00 AM hanggang 5:00 PM ng Setyembre 30, 2026 (Miyerkules)

BAKIT:
Isasagawa ang paglilinis ng Ground Tank Boundary ng Brgy. Adya-Quezon, Lipa City.

Dahil dito, maaaring makaranas ng paghina ng suplay ng tubig hanggang maaaring mawalang ng suplay ng tubig ang mga residente sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

🍚 BARANGAY RICE DISTRIBUTION 🍚Isinagawa ang pamamahagi ng bigas para sa ating mga kabarangay na kabilang sa listahan ng ...
28/09/2026

🍚 BARANGAY RICE DISTRIBUTION 🍚

Isinagawa ang pamamahagi ng bigas para sa ating mga kabarangay na kabilang sa listahan ng mga benepisyaryo, bilang bahagi ng programa ng Barangay Quezon.

πŸ“Œ PAALALA PO SA LAHAT:

Para po sa mga household na hindi pa nakatanggap ng bigas, makikiantay na lamang po sa susunod na anunsyo tungkol sa schedule ng kasunod na pamamahagi. Patuloy pong gumagawa ng paraan ang ating Punong Barangay Allan Sarmiento at Sangguniang Barangay upang maisagawa ang susunod na bigayan.

Samantala, hinihiling po namin sa ating mga residente na nasa loob ng mga subdivision, na maipagkaloob ang kaunting oras at pakikipagtulungan sa ating mga Barangay Health Worker (BHW) na kumakatok sa inyong mga tahanan para sa kinakailangang interview at pagkuha ng impormasyon.

❀️ Ang susunod na pamamahagi ay ilalaan pa rin sa mga household na hindi pa nakakatanggap ng bigas.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa.

❀BrgyQuezon

Maraming Salamat po, General Manager Edgardo Orense ng Metro Lipa Water District sa agarang aksyon sa inilapit ng ating ...
28/09/2026

Maraming Salamat po, General Manager Edgardo Orense ng Metro Lipa Water District sa agarang aksyon sa inilapit ng ating Punong Barangay Allan Sarmiento na masolusyon ang mahina nating supply ng tubig.
Maraming Salamat po❀
❀BrgyQuezon

πŒπ„πŒπŽπ‘π€ππƒπ”πŒ π‚πˆπ‘π‚π”π‹π€π‘ 𝐍𝐎. πŸπŸ‘πŸ”, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”Suspension of Work in All Agencies and Instrumentalities of the National Government,...
28/09/2026

πŒπ„πŒπŽπ‘π€ππƒπ”πŒ π‚πˆπ‘π‚π”π‹π€π‘ 𝐍𝐎. πŸπŸ‘πŸ”, 𝐬. πŸπŸŽπŸπŸ”

Suspension of Work in All Agencies and Instrumentalities of the National Government, including Government-Owned or- Controlled Corporations and State Universities and Colleges, on 28 September 2026 Starting 1:00 in the Afternoon, relative to the β€œKainang Pamilya Mahalaga Day”, in the observance of 34th National Family Week”.

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/tFb8bC

PAGKILALA SA MGA MAG-ASAWANG NAKAPAG-45 YEARS O HIGIT PANG KASAL!Magandang araw, mga ka-Barangay Quezon!Kayo ba ay mag-a...
24/09/2026

PAGKILALA SA MGA MAG-ASAWANG NAKAPAG-45 YEARS O HIGIT PANG KASAL!
Magandang araw, mga ka-Barangay Quezon!

Kayo ba ay mag-asawang kasal na at magkasamang nagmamahalan sa loob ng 45 taon o higit pa?

Para sa mga kwalipikadong mag-asawa, dalhin lamang po ang inyong:
πŸ“œ Marriage Certificate (bilang opisyal na patunay ng inyong kasal).

Para sa karagdagang impormasyon, detalye, o mga katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan sa:
🏒 Opisina ng Barangay
πŸ“§ Email: [email protected]
πŸ“ž Telephone: 043 774 8616
πŸ’» page: Brgy Quezon Lipa City FB Page

Ibahagi po natin ang magandang balitang ito sa ating mga magulang, lolo, lola, o mga kapitbahay na abot sa kuwalipikasyon!
Maraming Salamat po! ❀️✨

FOR BUSINESS OWNERS AND REPRESENTATIVES!!
24/09/2026

FOR BUSINESS OWNERS AND REPRESENTATIVES!!

Address

Barangay Quezon
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Quezon Lipa City FB Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Brgy. Quezon Lipa City FB Page:

Shortcuts

Share