Deped San Francisco Elementary School - Lipa City

Deped San Francisco Elementary School - Lipa City Promotes good quality education. Regulates rules and regulations. Proper care for stakeholders, lear

18/08/2026
Happy Birthday Maam Shirley🥳😇❤️
06/08/2026

Happy Birthday Maam Shirley🥳😇❤️

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ang ipinapaabot ng Paaralang Elementarya ng San Francisco sa pangunguna po ng Sch...
04/08/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ang ipinapaabot ng Paaralang Elementarya ng San Francisco sa pangunguna po ng School Head na si Binibining Mariane A. Calingasan,sa Punong Barangay, Nelson H. Lique, sa mga miyembro ng 4Ps, at sa SPTA na nakiisa at naglaan ng kanilang oras, at lakas sa paglilinis ng kapaligiran ng ating paaralan. Ang inyong pagtutulungan at diwa ng bayanihan ay malaking tulong upang mapanatiling malinis, ligtas, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa lahat ng mag-aaral at g**o.

Lubos din kaming nagpapasalamat kay Ate Anna Unera at sa kanyang buong pamilya sa kanilang kabutihang-loob sa pagbibigay ng meryenda para sa ating mga boluntaryo. Ang inyong pagmamalasakit at suporta ay tunay na nagbigay ng lakas at inspirasyon sa lahat ng nakiisa sa gawaing ito.

Nawa'y patuloy nating panatilihin ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating paaralan at komunidad. Maraming salamat at pagpalain kayo ng Poong Maykapal.

02/08/2026

Basahin: Buwan ng Wikang Pambansa
Agosto, 2026

Ctto: kwf




Sino si Apolinario Mabini?Bayani,rebolusyonaryo, manunulat at pilosopong pulitikal. Isinilang sa Tanauan, Batangas,23 Hu...
23/07/2026

Sino si Apolinario Mabini?

Bayani,rebolusyonaryo, manunulat at pilosopong pulitikal. Isinilang sa Tanauan, Batangas,23 Hulyo 1864.Tinaguriang “ Dakilang Lumpo" sa paglahok niya sa pakikibaka sa kolonyalismo sa kabila ng polio, na dumapo sa kanya noong 1896.Sumanib sa himagsikan laban sa Espanya.Naging punong tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo, 1898. Nanungkulang Punong Ministro at Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Republika ng Pilipinas, 1899.Ipinatapon sa Guam, 15 Enero 1901. Nagbalik sa Pilipinas, 26 Pebrero 1903, at tumangging manungkulan sa kolonyal na gobyerno. Yumao sa Nagtahan, Maynila, Mayo 13, 1903.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Intramurals 2026. Lalo na sa aming masipag at m...
20/07/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Intramurals 2026. Lalo na sa aming masipag at mahusay na School Head, Ma’am Mariane A. Calingasan, sa lahat ng mga g**o, sa aming mga mag-aaral, sa mga magulang at sa masisipag na SPTA maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Gayundin kina Rafael De Silva at Jonathan Peralta sa paggabay sa aming manlalaro ng Basketball.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahal sa ating paaralan. Maraming salamat po sa inyong lahat.❤️

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng buong pamunuan ng San Francisco Elementary School sa pangunguna ng aming Schoo...
14/07/2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng buong pamunuan ng San Francisco Elementary School sa pangunguna ng aming School Head na si Bb. Mariane A. Calingasan sa pagbisita ng Pampurok na Tagamasid ng Paaralan ng Silangang Purok na si Ginoong Johnel A. Aguilera katuwang ang Tagapangasiwa ng Programang Pang-Edukasyon sa Matematika na si Gng. Theresa Exconde,
sa patuloy na suporta at dedikasyon sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon. Ang kanilang pagbisita ay nagbigay inspirasyon sa buong ng paaralan na ipagpatuloy ang sama-samang pagsisikap tungo sa higit na kahusayan at makabuluhang pagkatuto para sa kapakinabangan ng bawat mag-aaral.
Maraming Salamat po sa patuloy na pagsubaybay, paggabay, at pagbibigay ng teknikal na suporta sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba ng paaralan. Ang inyo pong mahahalagang obserbasyon, rekomendasyon, at mga mungkahi ay nagsisilbing gabay upang higit pang mapahusay ang kalidad ng pagtuturo, pagkatuto, at pamamahala sa paaralan.
Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal. 😇😇✨

09/07/2026

ANUNSYO LIPEÑO

No Face to Face Classes
JULY 10, 2026 / FRIDAY

Batay sa weather advisory ng DOST PAGASA, inaasahan pa rin ang masamang panahon at pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng Southwest Monsoon at Tropical Cyclone .

Kung kaya’t sa tagubilin ni Mayor Eric Africa at sa rekomendasyon ng Local Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ipinagbibigay alam na SUSPENDIDO ang FACE TO FACE CLASSES at magshi-shift sa MODULAR/ONLINE DISTANCE LEARNING sa LAHAT NG ANTAS ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Lipa bukas (July 10, 2026 / Friday).

Patuloy po tayong Mag-ingat at Manalangin.

Buong puso pong nagpapasalamat ang pamunuan  ng San Francisco Elementary School sa  pangunguna ng aming School Head na s...
09/07/2026

Buong puso pong nagpapasalamat ang pamunuan ng San Francisco Elementary School sa pangunguna ng aming School Head na si Bb. Mariane A. Calingasan, sa pagbisita ng Tagapangasiwa ng Programang Pang-edukasyon sa Filipino na si Dr. Fernando B. Enriquez para sa Monitoring of Curriculum Implementation.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong oras, gabay, at mahahalagang mungkahi na magsisilbing inspirasyon at direksiyon upang lalo pang mapahusay ang aming pagtuturo at pagpapatupad ng kurikulum sa Filipino. Ang inyong dedikasyon at suporta ay malaking tulong sa patuloy na pag-unlad ng aming paaralan.

Maraming salamat po sa inyong pong paggabay.
Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal. 😇✨

Address

San Francisco Elementary School
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped San Francisco Elementary School - Lipa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Deped San Francisco Elementary School - Lipa City:

Shortcuts

Share