09/09/2026
PAGBATI AT PASASALAMAT | DISTRICT MEET π
Isang mainit na pagbati at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga batang manlalaro, coaches, mga magulang, g**o, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na paglahok ng Pagolingin Bata Elementary School sa ginanap na District Meet!
Lubos nating ipinagmamalaki ang mga batang nagpakita ng galing, tiyaga, disiplina, tapang, at sportsmanship, at nag-uwi ng karangalan para sa ating paaralan. ππ
π₯ 2nd Placer
Rapid Chess Game - Board A
David Symmons L. Levita
Coach: Ms. Rosemarie V. Arellano
π₯ 2nd Placer
400m Run
Alondra Nicole L. Dalisay
Coach: Mrs. Leni F. Mendoza
π₯ 3rd Placer
400m Run
James Mico R. Dy
Coach: Mrs. Leni F. Mendoza
π
4th Placer
PBES Basketball Team
Coach: Mrs. Lea N. Garing
At higit sa lahat, pagbati rin sa lahat ng ating mga batang lumahok sa iba't ibang larangan. Ang inyong tapang na makilahok, pagsisikap sa bawat ensayo, at determinasyong ibinigay ninyo sa paligsahan ay isa nang tagumpay. We are proud of you, PBES athletes! ππ
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng husay ng ating mga manlalaro kundi bunga rin ng pagkakaisa at walang sawang suporta ng buong komunidad ng PBES.
Una sa lahat, maraming salamat kina Kon. Jake Sanchez sa pagtulong at paggabay sa ating mga batang basketball players at kay Kon Bito Ramos sa pagtulong sa pagsasanay ng ating mga manlalaro sa athletics. Malaking bahagi ng inyong oras, kaalaman, at suporta ang naibahagi upang maging handa ang ating mga manlalaro.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa buong Sangguniang Barangay ng Pagolingin Bata sa pangunguna ni Kap. Tholitz Mendoza sa patuloy na suporta sa ating paaralan. Maraming salamat po sa pagpapahiram ng sasakyan ng barangay at maging sa pag-arkila ng jeep nang hindi available ang sasakyan, upang matiyak na may maayos na service ang ating mga manlalaro at g**o sa dalawang araw ng palaro. Kina G. Richard Omnes Rivera at G. Mario Pelagio Magnaye, maraming salamat po sa maingat nyong pagmamaneho. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong malasakit at suporta. π
Maraming salamat din kina G. Jarell Catibog at sa kanyang mga kasamahan sa paglalaan at paghahanda ng tanghalian sa loob ng dalawang araw ng palaro. Tunay na malaking tulong po ito sa ating mga manlalaro at mga g**o.
Pasasalamat din kina Konsi Lala Agonia, Gng. at G. Alvin Tutor sa pagbibigay ng meryenda noong unang araw ng palaro, at sa ating SPTA Officers sa pagbibigay ng meryenda para sa ating mga manlalaro at g**o noong ikalawang araw. Maraming salamat po sa inyong kabutihan at pagmamalasakit.
At siyempre, maraming salamat sa ating mga SPTA Officers sa pangunguna ni Gng. Ailyn Langamon Bauden at Gng. Bhevs Laqui-Abanilla, mga magulang, mga g**o, at school personnel na patuloy na nasa likod ng ating mga batang atleta.
Higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga batang manlalaro. Kayo ang inspirasyon ng paaralan. Sa bawat ensayo, pawis, pagod, kaba, panalo, at pagkatalo - dala ninyo ang pangalan ng PBES nang buong tapang at pagmamalaki. ππ
Congratulations, PBES Athletes!
Ang inyong mga medalya at pagkilala ay patunay na ang sipag, tiyaga, disiplina, at suporta ng isang buong komunidad ay nagbubunga ng tagumpay.
Padayon, Batang PBES! πβοΈπββοΈπββοΈπ
Proud kami sa inyong lahat! ππ