17/12/2025
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Federated PTA of Lipa sa pamumuno ni Pangulong Daisy Cabataña, SDO Lipa sa pamumuno ng ating butihing Schools Division Superintendent Zaldy Bolaños, ASDS, CID, SGOD, sa tulong ng ating butihing Mayor Eric Africa, mga partners at sa pakikipag-ugnayan sa Sangguniang Barangay ng Halang, Sangguniang Kabataan at SPTA ng paaralan sa kanilang matagumpay na outreach program na isinagawa dito sa ating paaralan. Ang inyong malasakit at pagtulong ay nagbigay ng malaking inspirasyon at suporta sa aming mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad. Ang inyong handog na oras, pagsisikap, at mga biyaya ay tunay na nakapagbigay ng pag-asa at kagalakan sa lahat.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang maipagpatuloy ang inyong adhikain na maglingkod at magbahagi ng pagmamahal sa kapwa. Muli, maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob!