23/08/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ง๐๐๐ซ๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐
Kapag may bagyo, baha, lindol, matinding init, o iba pang emergency, ang tanong ay hindi na lamang kung "May pasok ba?" Ang mas mahalagang tanong ngayon ay:
"Paano natin maipagpapatuloy ang pagkatuto nang ligtas at angkop sa kasalukuyang sitwasyon?"
Sa ilalim ng DepEd Order No. 14, s. 2026 (Guidelines on Learning Continuity in Emergencies), ipinakilala ang apat na Learning Continuity Levels upang gabayan ang mga paaralan sa paggawa ng tamang desisyon:
๐ข ๐๐๐ฌ๐ข โ Normal ang sitwasyon at ligtas ang lahat. Nagpapatuloy ang regular na face-to-face learning.
๐ก ๐๐๐ก๐๐ฌ โ May banta o disruption, ngunit maaari pa ring ipagpatuloy ang pagkatuto sa pamamagitan ng modified o flexible learning arrangements.
๐ ๐๐๐ก๐๐ โ Mataas ang antas ng panganib o may malaking epekto na sa komunidad. Mas binibigyang-priyoridad ang kapakanan at psychosocial well-being habang nililimitahan ang academic demands.
๐ด ๐๐๐ก๐ง๐ข โ Lubhang mapanganib ang sitwasyon at hindi ligtas o hindi posible ang anumang learning delivery. Ang pangunahing prayoridad ay ang kaligtasan at agarang pangangailangan ng mga mag-aaral at kawani.
โ ๏ธ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐: Ang pagpili ng Learning Continuity Level ay hindi nakabatay sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) o sa wording ng class suspension. Ito ay nakabatay sa aktuwal na kalagayan ng learners, teachers, paaralan, at komunidad, kabilang ang kanilang kaligtasan, accessibility, readiness, at kakayahang magpatuloy sa pagkatuto.
Sa madaling salita, hindi TCWS ang nagdidikta ng HAYO, HINAY, HINGA, o HINTO. Ang batayan ay ang aktuwal na risk assessment at ang kondisyon ng learners, teachers, at schools.
Sa pamamagitan ng tamang assessment at wastong pagpapatupad ng HAYO, HINAY, HINGA, o HINTO, napapanatili natin ang balanse sa pagitan ng kaligtasan at tuloy-tuloy na edukasyon para sa bawat mag-aaral.
Basahin ang iba pang detalye ukol sa Education in Emergencies Policy:
๐https://www.deped.gov.ph/wp.../uploads/DO_s2026_014r.pdf