Departamento ng Filipino-DCIS

Departamento ng Filipino-DCIS Sa isip, sa salita, sa diwa at gawa tayo'y Filipino.

ANG PAGKAKAISA AY NAGBUBUNGA NG PAG-ASA! DCIS nakiisa sa Municipal Children's Congress 2024Ginanap sa Lingayen Civic Cen...
28/09/2024

ANG PAGKAKAISA AY NAGBUBUNGA NG PAG-ASA!

DCIS nakiisa sa Municipal Children's Congress 2024

Ginanap sa Lingayen Civic Center (LCC) nitong Setyembre 27, 2024 ang Municipal Children's Congress 2024 na dinaluhan ng ilang paaralan mula sa munisipalidad.

Naging maigting ang tagisan ng husay at galing sa pag-awit mula sa elementarya at madulang sabayang pagbigkas naman sa sekondarya na mula sa ika-7 baitang ang mga mag-aaral na kumakatawan sa kani- kanilang paaralan. Makikita ang kanilang kahandaan sa presentasyon na nagpapalutang sa importansiya ng kanilang bahaging ginagampanan at gagampanan sa lipunan sa darating na bukas. Umikot din sa Temang: Arangkada, Kabataan! Kalikasan Bantayan, Kinabukasan Pahalagahan ang sabayang pagbigkas na umiinog sa tungkulin ng mga kabataan sa pangangalaga ng kalikasan para sa susunod na henerasyon. Bilang sila ang susunod na henerasyon ng bayan ng Lingayen, nararapat lamang na bukas ang kanilang isipan at hayag sa kanila ang kanilang karapatan at tungkulin sa bayan.

Buhos ang suportang ipinapakita ng pamahalaan ng Lingayen sa pagtataguyod ng karapatang pambata sa ilalim ng pamumuno ng butihing Mayor Leopoldo N. Bataoil. Dinaluhan din ang nasabing pagtitipon nina Konsehal Jonathan Ramos at Konsehal Rasel Cuarisma. Pinaunlakan naman ng Bise Alkade ng bayan Mac Dexter C. Malicdem ng ilang awitin ang mga dumalo. Hindi rin matatawaran ang naging paghahanda ng punong abala ng selebrasyon, sampu ng pamunuan ng MSWD Lingayen, na si Gng. Lorenza R. Decena.

Naging susi sa pagkamit ng IKATLONG PUWESTO sa MADULANG SABAYANG PAGBIGKAS ang dedikasyon ng mga mag-aaral ng ikapitong baitang sa ilalim ng patnubay ng mga g**o sa wika: Bb. Blesilda C. Cayabyab,Gng. Grace T. Velasco, Maria Cecilia D. Balanza, Gng. Auria F. Dente, Gng. Rosemarie R. Aguilando, at Gng. Janine M. Labayo. Ang piyesang ginamit ay bunga ng kapangyarihan ng wika matalinong paghahabi ng mga salita nina Gng. Mercy S. Del Rosario at Gng. Jocelyn S. Tandoc. Lubos ang pasasalamat sa mga sumuporta sa naturang aktibidad mula sa oras at talento hanggan sa kagamitan at palamuti. Nais din bigyang pugay sa pagkakamit ng tagumpay ang walang sawang suporta ng ina ng paaralan, Dr. Dolores G. Racraquin at mga magulang na dumalo sa naturang pagtitipon.

Sa pangkalata'y naging makulay at mabunga ang selebrasyon ng Municipal Children's Congress 2024 at bitbit ng bawat isa ang ngiting tagumpay.

Batang Lingayenese, oras natin ito!

-MERCY S. DEL ROSARIO
G**o sa Filipino

HUSAY AT GALING NG MGA BATANG DCIS, IPINAMALAS!Ikinalugod ng pamunuan ng Domalandan Center Integrated School na sina Gng...
06/09/2024

HUSAY AT GALING NG MGA BATANG DCIS, IPINAMALAS!

Ikinalugod ng pamunuan ng Domalandan Center Integrated School na sina Gng. Dolores G. Racraquin- Punongg**o at Bb. Blesilda C. Cayabyab- Dalubg**o I ng Communication Arts Department- na paunlakan ang imbistasyon ng Provincial Library na maging bahagi ang paaralan sa kanilang inihandang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya", noong nakaraang Agosto 28, 2024 na ginanap sa Provincial Library Main Office.

Ang naturang imbitasyon ay binubuo ng 2 patimpalak, ito ay ang sabayang madulang pagbigkas na nilahukan ng mga piling mag-aaral sa ika-10 baitang sa ilalim ni Gng. Mercy S. Del Rosario bilang G**ong Tagapagsanay at malayang madulang pagtula mula naman sa ika-9 na baitang na si Rhiana Jade L. Abarabar sa na nagsanay sa patnubay ni Gng. Jocelyn S. Tandoc.

Piyesa ni Marvin Ric Mendoza na pinamagatang WIKANG FILIPINO ang binigyan ng konseptuwalisasyon at interpretasyon ng mga mag-aaral sa Sabayang Madulang Pagbigkas habang orihinal na piyesa ang binigkas ni Rhiana Jade sa kaniyang malayang madulang pagbigkas.

Hindi naman nabigo ang mga mag-aaral matapos na anihin ang konsulasyon na gantimpala sa ikalawang pwesto sa parehong serye ng patimpalak.

Tanda ito na sa pagpapakita ng husay, talento, at galing ay hindi magpapahuli ang mga batang DCIS.

BUWAN NG WIKA 2024 SA DCIS IPINAGDIWANG!         Ang Buwan ng Wika 2024 ay matagumpay na naipagdiwang indikasyon ito nga...
03/09/2024

BUWAN NG WIKA 2024 SA DCIS IPINAGDIWANG!

Ang Buwan ng Wika 2024 ay matagumpay na naipagdiwang indikasyon ito nga sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagkakabigkis tayo dahil sa iisang wika, Wikang Filipino. Ang tema sa taong ito ay "Filipino: Wikang Mapagpalaya” na may lingguhang tema:
(1) FSL tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran; (2) Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran; (3) Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research; (4) Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa; at (5) Paglaban sa Misinformation (fact checking).
Sa ganitong selebrasyon, nagkakaroon pagkakataon ang mga mag-aaral ng Domalandan Center Integrated School na ipamalas ang kanilang talento at pagmamahal sa ating wika sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad. Sa una at ikalawang linggo, nagkaroon ng masiglang paglahok sa mga patimpalak tulad ng poster making, slogan writing, at pagsulat ng sanaysay. At sa kulminasyon ipinamalas naman nila ang husay sa malayang madulang pagtula, katutubong sayaw, at pag-awit. Ang mga mag-aaral na naguna sa palatuntunan ay nagpamalas ng kanilang tatas at husay sa paggamit ng Filipino. Ang pagdiriwang ay nagbigay-daan din sa pagkakaroon ng maikling pero masayang tradisyunal larong "Pukpok Palayo," na nakadagdag ng kulay sa selebrasyon. Ang kulminasyon ng pagdiriwang ay naganap noong Agosto 30, 2024, sa harap ng Gabaldon ng paaralan. Ang programang ito ay pinangunahan ng mga salita ng inspirasyon mula sa ina ng paaralan, Dr. Dolores G. Racraquin, EdD kasama ang buong komunidad ng Domalandan Center Integrated School.
Binigyan din ng pagkilala ng Departamento ng Wika at Arte, sa pangunguna nina Bb. Blesilda C. Cayabyab at Gng. Mercy S. Del Rosario ang mga mag-aaral na nagwagi sa iba't ibang patimpalak. Nagpapasalamat ang Departamento sampu ng mga g**o sa wika sa lahat ng lumahok at nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 mula sa mga mag-aaral, mga g**o, mga hurado, non-teaching staff hanggang sa mga magulang na dumalo sa nasabing palatuntunan.
Ang tagumpay ng pagdiriwang ay patunay sa patuloy na pagmamahal at pagpapahalaga ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan sa ating wika. Ang Buwan ng Wika 2024 ay hindi lamang isang pagdiriwang ng ating wika, kundi isang pagpapaalala sa ating mga tungkulin bilang mga Pilipino na patuloy na gamitin, ipagmalaki, at ipalaganap ang ating wika sa lahat ng pagkakataon. Sa pamamagitan ng ating wika, mas mapagtitibay natin ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino at tiyak ang landas sa pag-unlad sapagkat ito’y instrumento sa mas malayang pagpapahayag ng ating saloobi’t damdamin, husay at talino. Kaya’t ating gamitin, palaganapin at pagyamanin.

Jaslyn Mhaye Navarro
Kalihim
Communication Arts Club 2024




COMMUNICATION ARTS CLUB OFFICERS 2024Isang pagbati mula sa mga g**o ng Komunikasyon at Arte sa bagong kinatawan ng COMMU...
02/08/2024

COMMUNICATION ARTS CLUB OFFICERS 2024

Isang pagbati mula sa mga g**o ng Komunikasyon at Arte sa bagong kinatawan ng COMMUNICATION ARTS CLUB '24!

Sila po ay magiging katuwang ng Departamento ng Filipino-DCIS at ENGLISH Dept. Sa pagsasakatuparan ng mga proyekto at programang pampaaralang bilang mga huwarang kabataan ng DCIS kaakibat ng iba pang pangkat ng lider ng mga mag-aaral.

Pangulo: Jerome Malicdem G11
Pangalawang Pangulo: Kyla Rache Vila
Kalihim: Jaslyne Navarro
Ingat-yaman: Jasmine Aquino
P.I.O : Veronica Palma
Jillian Arcillas

Kinatawan:
G8- Antonia Pili
G9- Kate Gallardo
G10- Josh Rubio
G11- Nicole Soria
G12- Janna Marie

Dokyumenter:
Antonio III G. Ocampo
A***n May Dela Cruz
Jashniel Carbajal
Cristel Karylle Dizon
Denise Palisoc
Pamela Cariño


BUWAN NG WIKA 2024, IPINAGDIRIWANG!Nakikiisa ang buong pamayanan ng Domalandan Center Integrated School sa pagdiriwang n...
02/08/2024

BUWAN NG WIKA 2024, IPINAGDIRIWANG!

Nakikiisa ang buong pamayanan ng Domalandan Center Integrated School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayon buong buwan ng Agosto 2024 na may temang: Wikang Mapagpalaya.

Batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ay hinati sa limang (5) lingguhang tema: (1) FSL tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran; (2) Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran; (3) Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research; (4) Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa; at (5) Paglaban sa Misinformation (fact checking).

Hinihikayat at minumulat ang bayan na malaya nating gamitin ang wika sa pagtatamo ng malayang kaisipan, inteliktuwalisasyon, edukasyon, kamalayang panlipunan at marami pang iba na may kaugnayan sa buhay at lipunan. Lubos din ang pagpapahalaga ngayon ng pagdiriwang sa mga kapatid nating FSL. Kaya't atin ng wakasan ang sigalot, hidwaan, kamangmangan o iliterasi tungo sa mas maunlad na bayang Pilipinas.

Narito ang ilang nakatakdang aktibi sa bawat linggo sa
Elementarya:

Sekondarya:

Unang Linggo- Patimpalak sa Pagbuo ng Poster at Slogan
Ika-7 hanggang ika-9 na antas

Ikalawang Linggo- Patimpalak sa pagsulat ng sanaysay.
Ika-10 antas

Ikatlong Linggo- Spoken Poetry
Ika-11 at 12

Awit
Ika-7 hanggang ika-9

Katutubong Sayaw
ika-10 hanggang 12

Agosto 30, 2024-Pagsasagawa ng maikling programa.

Sa mga nais lumahok sa patimpalak, mangyaring dumulog sa mga g**o ng wika sa inyong departamento.






DepEd Tayo Domalandan Center I/S 500367
Domalandan Ctr IS

CATCH-UP FRIYAY!    📌Reading Intervention📌Reading Enhancement Kaisa ang lahat tungo sa mas malalim na pagmamahal sa karu...
16/02/2024

CATCH-UP FRIYAY!




📌Reading Intervention
📌Reading Enhancement

Kaisa ang lahat tungo sa mas malalim na pagmamahal sa karunungan, aklat at pagbabasa. Pagod man sa dami at dumaraming paghahanda ang mga g**o at siyempre sa bagong hamong ito tuwing biyernes, may ngiti sa labi at nakakataba ng puso ang bunga ng bawat pag-unlad na ipinakikita ng bawat mag-aaral lalo sa pagbabasa.

is a reading teacher

Catch- Up Friday arya! Lahat babasa. Pebrero 2, 2024Remedial Reading, inobasyon, DEAR,  at iba pa.
03/02/2024

Catch- Up Friday arya! Lahat babasa.
Pebrero 2, 2024
Remedial Reading, inobasyon, DEAR, at iba pa.


INOBATIBO AT PRODUKTIBONG PAGKATUTO TUNGO SA MAS PROGRESIBONG PAGGAMIT NG MGA ESTRATEHIYA AT DULOG NG MGA G**O NG DOMALA...
31/01/2024

INOBATIBO AT PRODUKTIBONG PAGKATUTO TUNGO SA MAS PROGRESIBONG PAGGAMIT NG MGA ESTRATEHIYA AT DULOG NG MGA G**O NG DOMALANDAN CENTER INTEGRATED SCHOOL SA INSET 2024

Enero 24-26, 29-30, 2024

**ongBiboProduktibo
**ongonthego

Mercidita Saulon
DepEd Tayo Domalandan Center I/S 500367
Domalandan Ctr IS

29/01/2024
Domalandan Center Integrated School in Action sa Ikalawang Panahunan Eksaminasyon Enero 22-23, 2024  DepEd Tayo Domaland...
23/01/2024

Domalandan Center Integrated School in Action sa Ikalawang Panahunan Eksaminasyon
Enero 22-23, 2024




DepEd Tayo Domalandan Center I/S 500367
Domalandan Ctr IS
Mercidita Saulon

20/01/2024

Isang Pagbati!

Maligayang pagdako sa pahinang ito ng Departamento ng Filipino-DCIS. Ikinalulugod namin na maging daluyang ang hatirang pangmadlang ito ng iba't ibang gawain at proyektong isinasagawa ang mga mag-aaral at ng paaralan.
Hangad naming mabigyan kayo nga magaganda at progresibong ulat sa mga nabanggit. Nawa'y ipagpatuloy po ninyo ang pagsuporta sa mga ganitong hakbangin.
Amin pong ipinagpapasalamat ang pagbabahagi ng pahinang ito sa inyong mga magulang, anak, kaibigan, kapamilya, kapuso, kapatid, kapatiran at kanugnog.
Marami pong salamat.🥰

Address

DOMALANDAN CENTER INTEGRATED SCHOOL
Lingayen
2401

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm

Telephone

+639214592776

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Departamento ng Filipino-DCIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Departamento ng Filipino-DCIS:

Shortcuts

Share