DepEd Tayo Estanza NHS 300203

DepEd Tayo Estanza NHS 300203 official page

Kahandaan sa kalamidad, pinatibay ng PMPE sa NSEDNakiisa ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE) sa isinagaw...
18/06/2026

Kahandaan sa kalamidad, pinatibay ng PMPE sa NSED

Nakiisa ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE) sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, Hunyo 18, 2026, upang mapalakas ang kahandaan at mapalawak ang kamalayan sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani nito.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, patuloy na itinaguyod ng paaralan ang kultura ng kahandaan, disiplina, at katatagan sa harap ng anumang uri ng emergency o kalamidad.

Bagong K-12 reforms, tinalakay sa unang pagtitipon ng PMPEMatagumpay na idinaos ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Esta...
12/06/2026

Bagong K-12 reforms, tinalakay sa unang pagtitipon ng PMPE

Matagumpay na idinaos ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE) ang kauna-unahang General Parents-Teachers Association (PTA) Conference para sa taong panuruan 2026-2027 sa loob ng paaralan noong nakaraang Hunyo 11, 2026.

Layunin ng pagtitipon na patatagin ang ugnayan sa bawat isa at ilatag ang mga plano para sa darating na akademikong taon.

Pangunahing naging paksa sa kumperensya ang oryentasyon ukol sa pagppapatupad ng mga reporma sa kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Binigyang-linaw ng mga opisyal ng paaralan ang patuloy na paggulong ng revised K-10 MATATAG curriculum, na palalawigin ngayong taon upang mapagaan ang mga kakailanganing kasanayan o learning competencies ng mga mag-aaral.

Bukod dito, binigyang-diin din ni Punong-g**o Dr. Josephine C. Tanigue ang DepEd Order No. 17, s. 2026, na nag-uutos sa malawakang pagpapatupad ng Strengthened Senior High School (SHS) Curriculum para sa mga papasok na mag-aaral sa Baitang 11. Nabatid ng mga magulang na sa ilalim ng bagong SHS structure, lilimitahan na lamang sa dalawa ang dating apat na track,ang Academic at Technical-Professional (TechPro), at babawasan na rin ang mga core subject sa lima na lamang upang mas maihanda ang mga mag-aaral sa kolehiyo o trabaho.

Maliban sa mga pagbabago sa kurikulum, tinalakay din ng mga pinuno ng paaralan ang mga pangunahing patakaran sa campus, mga programa para sa pag-unlad ng mga mag-aaral, at ang progreso ng mga pagkukumpuni sa mga gusali ng paaralan upang masig**o ang ligtas na kapaligiran.

Nagtapos ang kumperensya sa paghahalal ng mga bagong opisyal ng Homeroom PTA para sa SY 2026-2027, kung saan naging aktibo ang partisipasyon ng mga magulang at g**o upang bumuo ng isang nagkakaisang liderato na susuporta sa mga susunod na proyekto ng paaralan.

PMPE, nagbukas ng klase; tatlong termino, ipinatupadPormal na binuksan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE...
08/06/2026

PMPE, nagbukas ng klase; tatlong termino, ipinatupad

Pormal na binuksan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE) ang Taong Panuruan 2026-2027 ngayong 8 ng Hunyo sa pangunguna ni Punong-g**o Dr. Josephine C. Tanigue, kung saan ipinatupad ang bagong tatlong terminong kalendaryo alinsunod sa DepEd Order No. 009 s. 2026, isang hakbang ng Kagawaran ng Edukasyon mula sa dating apat na markahan na naglalayong mapahusay ang oras ng pagtuturo at mabawasan ang mga gawaing pang-administratibo ng mga g**o.

Nagpatuloy ang Brigada Eskwela Day 2 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE) sa pamamagitan ng mas pinaigting...
02/06/2026

Nagpatuloy ang Brigada Eskwela Day 2 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE) sa pamamagitan ng mas pinaigting na paglilinis sa ibaโ€™t ibang bahagi ng paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 8.

Kasabay ng mga gawaing paglilinis, nagsagawa rin ng talakayan at pagpaplano ang Senior High School (SHS) Department upang ayusin ang iskedyul ng klase at mga asignatura para sa darating na panuruang taon.

Layunin ng mga nasabing gawain na masig**ong maayos, organisado, at handa ang paaralan para sa ligtas at epektibong pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Pagkakaisa, Tampok sa Brigada 2026Binigyang-diin ang pagkakaisa sa pagdaraos ng Brigada Eskwela 2026 sa Pambansang Mataa...
02/06/2026

Pagkakaisa, Tampok sa Brigada 2026

Binigyang-diin ang pagkakaisa sa pagdaraos ng Brigada Eskwela 2026 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Estanza (PMPE) noong Hunyo 1, tampok ang temang โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.โ€

Nagsimula ang programa sa isang parada na pinangunahan ng Drum and Lyre Corps (DLC) sa pamumuno ni Sir Samson Bautista kasama ang mga administrador ng paaralan, g**o, mag-aaral, stakeholder, at mga boluntaryo.

Aktibong nakilahok sa parada ang mga student leaders mula sa SSLG, BKB, at YES-O bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pakikiisa sa adhikain ng Brigada Eskwela.

Matapos ang parada ay isinagawa ang isang maikling programa na nagsilbing pormal na pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026.

Sa kaniyang pambungad na mensahe, hinikayat ni Dr. Josephine C. Tanigue, punong-g**o ng PMPE, ang lahat na makibahagi sa mga gawaing magpapaganda at magpapalinis ng paaralan.

Binigyang-diin din ni Dr. Tanigue ang kahalagahan ng bayanihan at sama-samang pagkilos upang makalikha ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto.

Naghatid naman ng mensahe si Punong Barangay Renato S. Ocampo ng Estanza, kasama ang ilang barangay kagawad, na nagpapaalala sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagtataguyod ng edukasyon.

Nagpasalamat ang paaralan kay Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa ipinamahaging mainit at masarap na lugaw para sa mga kalahok sa unang araw ng Brigada Eskwela.

Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng paaralan kay Board Member Atty. Haidee Pacheco para sa ipinagkaloob na mga kagamitan sa paglilinis at pagpipinta.

Ipinakita ng programa ang diwa ng sama-samang pagkilos ng buong komunidad bilang suporta sa paghahanda ng paaralan para sa panibagong taong panuruan.

Patuloy namang hinihikayat ng PMPE ang mga magulang, alumni, at iba pang stakeholder na makiisa at makibahagi sa mga susunod pang gawain ng Brigada Eskwela ngayong taon.

Estanza National High School โ€“ Senior High School introduces its Strengthened SHS Curriculum Pathways designed to prepar...
14/05/2026

Estanza National High School โ€“ Senior High School introduces its Strengthened SHS Curriculum Pathways designed to prepare students for success in college and future careers.

Available Tracks and Clusters:

๐Ÿ“˜ Academic Track โ€“ Pure Academic (PA)

โ€ข PA Block 1: For students aiming for Mathematics, Engineering, and Architecture
โ€ข PA Block 2: For students pursuing Accountancy and Business Administration

๐Ÿ“— Academic with Doorway (AWD)
โ€ข Designed for careers in Social Work, Law, Psychology, and Uniformed Services, with additional technical skill options.

๐Ÿ”ง Technical Professional (TechPro)
โ€ข PT Block 1: Food & Hospitality Skills (Bakery, Food & Beverage, Kitchen Operations)
โ€ข PT Block 2: Construction and Building Technology (Manual Metal Arc Welding)

Each program includes core subjects, specialized electives, and hands-on experiences such as field exposure or work immersion to help students gain practical skills for the future.

๐Ÿ“ Choose the pathway that matches your passion and career goals.

Estanza National High School celebrates the ๐š๐ฉ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏ๐ž๐ ๐ซ๐ž๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ž๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ. Warmest ...
16/04/2026

Estanza National High School celebrates the ๐š๐ฉ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏ๐ž๐ ๐ซ๐ž๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ž๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ.

Warmest congratulations to all of you!

ENHS Drum and Lyre Corps, nagpakitang-gilas sa Bagoong Festivalni: Arjay Dela Torre BoquirenNaghandog ng isang masigla a...
19/03/2026

ENHS Drum and Lyre Corps, nagpakitang-gilas sa Bagoong Festival
ni: Arjay Dela Torre Boquiren

Naghandog ng isang masigla at kahanga-hangang pagtatanghal ang Estanza National High School (ENHS) Drum and Lyre Corps sa pagbubukas ng Bagoong Festival sa Lingayen noong ika-18 ng Marso 2026.

Nagsilbing isa sa mga pangunahing tampok ng nasabing pagdiriwang ang pagtugtog ng ibaโ€™t ibang paaralan na naglayong magdagdag ng saya at buhay sa okasyon.

Binubuo ang grupo ng ENHS ng 116 na miyembro na kinabibilangan ng 21 flag bearers, 17 lyrists, 15 majorettes, 11 quadro drummers, 29 snare drummers, at 11 bass drummers sa ilalim ng pamumuno ng kanilang tagapayo na si Ginoong Samson Bautista.

Nasalamin sa kanilang maayos na koordinasyon at timing ang mahigit isang buwang masidhing paghahanda na nagresulta sa isang matagumpay na pagtatanghal.

Pinatunayan ng mga mag-aaral ang kanilang dedikasyon at pagsusumikap na mairepresenta nang maayos ang kanilang paaralan sa pamamagitan ng ipinakitang kumpiyansa sa harap ng madla.

Ayon kay Bautista, sulit ang lahat ng pagod at mga problemang kinaharap dahil sa positibong feedback ng mga magulang at sa inspirasyong naibigay nito para sa patuloy na suporta sa mga aktibidad ng paaralan.

Namangha rin ang mga manonood sa isang espesyal na bahagi ng kanilang routine kung saan tumugtog ang mga miyembro nang naka-piring ang mga mata.

Ibinahagi ni Odrhayand Chamir Visperas, isa sa mga lyrist, na bagama't nakaramdam sila ng kaba noong simula ay naging matagumpay ang kinalabasan dahil sa kanilang puspusang pag-eensayo.

Nag-iwan ng matinding impresyon at positibong komento sa mga dumalo ang ENHS Drum and Lyre Corps matapos ang kanilang makapigil-hiningang presentasyon sa festival.

ENHS wins multiple titles at Municipal Math FestEstanza National High School (ENHS) turned in a strong performance at th...
26/02/2026

ENHS wins multiple titles at Municipal Math Fest

Estanza National High School (ENHS) turned in a strong performance at the Municipal Math Fest held at Lasip NHS on February 23, producing six division qualifiers and capturing multiple first-place finishes.

Four students topped the Math Relay competition in their respective grade levels. Carl Francis A. Erestain (Grade 7) under Coach Manuel L. Ferrer, Princess Xian C. Albino (Grade 8) under Coach Bernardina S. Parras, John U. Aquino (Grade 9) under Coach Genny T. Delos Santos, and Johans Miguel F. Soquila (Grade 10) under Coach Josephine B. Ramos each secured 1st Place, earning automatic qualification to the division level.

In the Tower of Hanoi event, Isabela G. Dela Vega (Grade 8), coached by Bernardina S. Parras, placed 3rd to qualify for the next round. Combined with the four Math Relay champions, this brought ENHSโ€™ total division qualifiers to six.

Other notable finishes in the Tower of Hanoi category included Brian Bolasoc (Grade 7), 5th Place; Analita Pe C. Castolero (Grade 9), 4th Place; and Angela Nicole G. Alipoyo (Grade 10), 5th Place.

In the special categories, Marilou G. Alipoyo won 1st Place in the Tower of Hanoi Parent Category, while James S. Vallejos captured 1st Place in the Teacher Category. Both were coached by Maria Vilma V. Ocampo.

In the Rubikโ€™s Cube event, Prince John Bautista (Grade 8) placed 3rd, while Nigel D. Aquino (Grade 9) and John Lloyd G. Soriano (Grade 10) both finished 4th in their respective categories.

Zandelou V. Ocampo also represented ENHS in the Grade 7 individual category and secured 5th Place under Coach Manuel L. Ferrer.

The six division qualifiers will represent Estanza National High School in the upcoming Division Math Fest scheduled on March 6.

BATAK-an sa Batac!All Glory to God.To the Faculty and Staff of Estanza National High School,We extend our deepest gratit...
20/02/2026

BATAK-an sa Batac!

All Glory to God.
To the Faculty and Staff of Estanza National High School,
We extend our deepest gratitude for your support and for fostering an environment where campus journalism thrives.

To the Editorial Board of The Islander,
Congratulations on your qualification for the Regional Schools Press Conference 2026! As you represent Estanza NHS in the historic city of Batac, Ilocos Norte, carry the torch of truth and the spirit of the Islander community with pride.

---

Division Schools Press Conference 2026 at Bayambang National High School last February 17-18, 2026

Individual Achievement:
๐Ÿ…2nd Place - Xyrah Fiona Jane Soriano
Column Writing Filipino (RSPC QUALIFIER)

List of School Paper Awards:
๐Ÿ…3rd Place: Best in Science and Technology Section
๐Ÿ…4th Place: Best in Features Section
๐Ÿ…6th Place: Best in Layout and Page Design
๐Ÿ…8th Place: Best in News Page
๐Ÿ…6th Place: Best School Paper

---
Editorial Staff
โ€ข Franchesca P. Nesperos
Feature Writing - English
โ€ข Stephanie Aira Fernandez
Lathalain - Filipino
โ€ข Arjay Boquiren
News Writing - Filipino
โ€ข Meriza Meil B. Torres
Sports Writing - Filipino
โ€ข Phoebe N. Vinuya
Copyreading - English
โ€ข Jarren S. Rayos
Copyreading - Filipino
โ€ข Xyrah Fiona Jane Soriano
Column Writing - Filipino
โ€ข Princess Xian C. Albino
Editorial Writing - Filipino
โ€ข Vianna Catrice P. De Guzman
Editorial Cartooning - English
โ€ข Nash B. Rayos
Editorial Cartooning - Filipino

---
Daniel P. Somintac and Jaypee Dela Cruz Tambiga โ€“ School Paper Advisers
Sonia C. Mamitag โ€“ School Paper Consultant
Dr. Josephine Tanigue โ€“ Principal IV
Dr. Ellen Fernandez โ€“ Public Schools District Supervisor

Address

Don Pastor Moran Street Estanza
Lingayen
2401

Opening Hours

Monday 9am - 4:30am
Tuesday 7:30am - 4:30am
Wednesday 7:30am - 4:30am
Thursday 7:30am - 4:30am
Friday 9am - 4:30am

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Estanza NHS 300203 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Estanza NHS 300203:

Shortcuts

Share