30/08/2025
Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ng buong Guesang Elementary School ang Buwan ng Wika, isang makulay at masayang selebrasyon na naglalayong paigtingin ang pagpapahalaga at pagmamahal sa ating sariling wika, ang Filipino. Ngayong taon ika 28th ng Agosto ang araw ng selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Guesang Elementary School. Ang mga g**o, mag-aaral, at mga magulang ay nagtipon-tipon upang makiisa sa iba't ibang aktibidad na nagtatampok ng mga kahalagahan ng wika sa ating kultura at identidad bilang mga Pilipino.
Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay โWika ng Pagkakaisa, Pagkakaintindihan, at Paghilom,โ isang tema na tumatalakay sa gamit ng wika bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng malasakit at pagkakaunawaan sa bawat isa. Kasama sa mga aktibidad ang mga pagsasalita, tula, at mga paligsahan ang "show and tell" para sa mga kindergarten, tula sa unang baitang tula sa ikaliwang baitang,likha kuwento sa ikatlong baitang at paggawa ng slogan para sa ikaapat na baitang, at pagpapakitang gilang ng mga mag aaral sa ikalimang baitang ng katutubong sayaw, tahi-rawan sa ikaanim na baitang Ang mga mag-aaral ay naging masigasig sa kanilang mga pagsali sa mga patimpalak na ito, at ipinamalas nila ang kanilang mga talento sa pagsulat at pagbibigay ng mensahe gamit ang wika.
Isa sa mga pinakatampok na aktibidad ng pagdiriwang ay ang pagpili ng "Lakandula at Lakambini 2025โ kung saan ang mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang taon ay nagpakitang-gilas sa kanilang mahusay na pagmomodelo upang maipakita ang ganda ng kanilang kasuotan na nagpapakita ng pagmamahal sa wika at bayan.
Sa pagtatapos ng buong buwan ng pagdiriwang, ang Guesang Elementary School ay naging isang buhay na halimbawa ng paano ang wika ay hindi lamang isang kasangkapan sa komunikasyon, kundi isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Ang bawat mag-aaral, g**o, at magulang ay umuwi na may bagong kaalaman at mas mataas na pagpapahalaga sa ating wika, na siyang nagbigay daan para sa patuloy na paglago at pag-unlad ng ating kultura.