Manukan NHS - Ang Tilaok

Manukan NHS - Ang Tilaok Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Manukan National High School

24/10/2025
Isang makulay na pagdiriwang ang bumalot sa Anecito A. Sagario National High School noong Agosto 28, 2025, nang ganap na...
30/08/2025

Isang makulay na pagdiriwang ang bumalot sa Anecito A. Sagario National High School noong Agosto 28, 2025, nang ganap na ipagdiwang ang pagtatapos ng Buwan ng Wika. Lalong nagningning ang okasyon nang magsuot ng Barong Tagalog at Filipiniana ang ilang mag-aaral, patunay ng kanilang pagmamalaki at pagpapahalaga sa sariling kultura.

Pinangunahan nina SSLG President John Marco F. Unsing at Vice President Kyle G. Manahan ang programa na nagsimula ganap na ika-2 ng hapon. Sa pagbubukas pa lamang ay dama na ang kasiglahan, lalo na nang ipakilala ang mga hurado at simulan ang pinakaaabangang mga patimpalak. Isa sa mga tampok na bahagi ang paligsahan sa pag-awit na nilahukan ng anim na mag-aaral na ipinamalas ang kanilang natatanging talento at husay sa pagkanta.

Higit pang naging makabuluhan ang selebrasyon nang kilalanin ang mga mag-aaral na nagwagi sa District at Cluster Level Journalism Competitions, kung saan kanilang tinanggap ang mga sertipiko at medalya bilang patunay ng sipag at galing. Hindi rin nagpahuli ang Tagisan ng Talino at Slogan Making Contest na nagbigay-inspirasyon sa iba pang kabataan. Sa huli, inanunsyo ang resulta ng patimpalak sa pag-awit.

Isang makabuluhang mensahe naman ang iniwan ng punong-g**o na si Dr. Leodegracia H. Castillon. Sa kanyang talumpati, muling binalikan ang tanyag na pahayag ni G*t Jose Rizal na “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paggamit, paglinang, at pagpapayaman ng Wikang Filipino, bagay na mariing pumukaw sa damdamin ng mga dumalo.

Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay-aliw ang mga intermisyon. Naghandog ng duet na kanta ang SPA 10, habang masiglang sumayaw ang SPA 8 na nagdagdag kulay at sigla sa buong selebrasyon.

Nagtapos ang programa sa pagbibigay-pugay sa mga g**o at mag-aaral, mga haligi at katuwang sa paghubog ng kabataang Pilipino. Sa pag-uwi ng bawat isa, dala nila ang ngiti, inspirasyon, at higit sa lahat, pagmamahal sa sariling wika at kultura.

Balita ni: Riamae Belosverlas

Bagong Punongg**o ng AASNHS, Pormal nang ItinalagaAnecito A. Sagario National High School, Agosto 18, 2025 — Pormal nang...
19/08/2025

Bagong Punongg**o ng AASNHS, Pormal nang Itinalaga

Anecito A. Sagario National High School, Agosto 18, 2025 — Pormal nang itinalaga si Dr. Leodegracia H. Castillon bilang bagong punongg**o ng Anecito A. Sagario National High School (AASNHS) sa bisa ng Office Order No. 225, s. 2025 na inilabas ng Schools Division Office sa pamumuno ni Dr. Merilyn L. Tabarno, Schools District Superintendent.

Isang seremonyang pagtanggap ang isinagawa ng paaralan bilang pagbibigay-pugay sa pagdating ng bagong punongg**o. Pinangunahan ang programa ng mga g**o at kawani ng paaralan, at dinaluhan ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng barangay, at mga mag-aaral.

Nagbigay ng pambungad na mensahe ng pagtanggap si Dr. Epifanio Gabame E. Piedad, sinundan ng mga mensahe mula kay Hon. Robby Earl Villarin, Kapitan ng Barangay Poblacion, at kay Hon. Florida Agustin, kinatawan ng Local Government Unit (LGU). Nagpahayag din ng suporta ang Supreme Secondary Learners Government sa pangunguna ng pangulo nitong si John Marco F. Unsing.

Samantala, naging emosyonal ang bahagi ng programa nang magbigay ng mensahe sina Gng. Rhealyn Faith Baracquia, Pangulo ng Junior High School Faculty, at Gng. Maryjoy S. Tingson, Pangulo ng Senior High School Faculty, bilang pagbati at pagsuporta sa bagong pamunuan.

Nagtapos ang seremonya sa isang maikling pagtatanghal, sabayang panalangin, at pasasalamat. Ang seremonya ng pagtatalagang ito ay hindi lamang isang pormal na kaganapan ngunit isang bukas na pinto para sa Isang bagong administrasyon.

“Naniniwala ako na ang tunay na pamumuno ay hindi ang paggalaw ng mag-isa kundi ang paggalaw ng magkasama,” ayon kay Dr. Leodegracia H. Castillon, Principal I.

Balita ni: Niry Rose Esolana
Larawang kuha ni: Honeylene Redera

Isang PAGSALUDO para kay Ma'am Erika Joyce Erfe-Barrios, Tagapayo ng "Ang Tilaok" sa kanyang mataginting na tagumpay sa ...
30/03/2025

Isang PAGSALUDO para kay Ma'am Erika Joyce Erfe-Barrios, Tagapayo ng "Ang Tilaok" sa kanyang mataginting na tagumpay sa kauna-unahang Regional Schools Press Conference - TEACHER'S EDITION sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

🥇Gold Award - Copyread & Headline Writing Filipino
🥇 Gold Award - Sci Tech Writing Filipino
🥉 Bronze Award - News Writing Filipino
🥉 Bronze Award - Feature Writing Filipino

Padayon ta, Ma'am! ✍️

Isang pagpupugay para sa Tagapayo ng "Ang Tilaok" Bb. Michelle Templo para sa kanyang tagumpay sa kauna-unahang Regional...
30/03/2025

Isang pagpupugay para sa Tagapayo ng "Ang Tilaok" Bb. Michelle Templo para sa kanyang tagumpay sa kauna-unahang Regional Schools Press Conference - Teacher's Category sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

🥉Bronze Award - Editorial Writing Filipino
🥉 Bronze Award - Column Writing Filipino

Ang iyong husay ay aming inspirasyon!

Isang gabi ng kinang at kagandahan! 💫💃 Mula sa disenyo hanggang sa pagdadala, tunay na kahanga-hanga ang bawat kandidato...
25/02/2025

Isang gabi ng kinang at kagandahan! 💫💃 Mula sa disenyo hanggang sa pagdadala, tunay na kahanga-hanga ang bawat kandidato sa kanilang evening gown attire! ✨👑

CANDIDATE NO. 3

Isang gabi ng kinang at kagandahan! 💫💃 Mula sa disenyo hanggang sa pagdadala, tunay na kahanga-hanga ang bawat kandidato...
25/02/2025

Isang gabi ng kinang at kagandahan! 💫💃 Mula sa disenyo hanggang sa pagdadala, tunay na kahanga-hanga ang bawat kandidato sa kanilang evening gown attire! ✨👑

CANDIDATE NO.2

Isang gabi ng kinang at kagandahan! 💫💃 Mula sa disenyo hanggang sa pagdadala, tunay na kahanga-hanga ang bawat kandidato...
25/02/2025

Isang gabi ng kinang at kagandahan! 💫💃 Mula sa disenyo hanggang sa pagdadala, tunay na kahanga-hanga ang bawat kandidato sa kanilang evening gown attire! ✨👑

CANDIDATE NO. 1

Awitin ng puso, pag-ibig at paghanga! 🎶💖 Isang matamis na harana para sa mga kahanga-hangang kandidato at kandidata ng M...
25/02/2025

Awitin ng puso, pag-ibig at paghanga! 🎶💖 Isang matamis na harana para sa mga kahanga-hangang kandidato at kandidata ng Mr. & Miss AASNHS. Sino ang napasaya at kinilig ngayong gabi? 🎤

Mas pinainit pa ang entablado! 🔥🎤 Isang kamangha-manghang intermission number ang nagbigay kulay at saya sa Mr. & Miss A...
25/02/2025

Mas pinainit pa ang entablado! 🔥🎤 Isang kamangha-manghang intermission number ang nagbigay kulay at saya sa Mr. & Miss AASNHS!

Address

Poblacion
Linay

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manukan NHS - Ang Tilaok posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category