11/02/2026
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT MULA SA AMING PAARALAN , SAN MIGUEL NATIONAL HIGH SCHOOL 🏫✨
Ang aming paaralan, sa pamumuno ni Ma’am Florefe G. Alaska (School Principal), katuwang ang buong Faculty at Staff, at ang ating mga Estudyante, ay nagpapaabot ng isang malalim at walang hanggang pasasalamat sa Malampaya Foundation Inc.
Matapos ang matinding pagsubok na iniwan ng mga Bagyong Tino at Uwan, ang inyong tulong ay nagsilbing susi sa aming muling pagbangon. Ang inyong donasyon na mga de-kalidad na materyales gaya ng:
✅ Long Span Aluminum Roofing
✅ Plyboards at Plywoods
✅ Paints, Nails, at iba pang hardware materials
Ito Po ay gagamitin sa rehabilitasyon at pag-repair ng aming mga classrooms at school facilities na nasalanta ng kalamidad. Dahil sa inyong malasakit, muling magkakaroon ng ligtas at komportableng silid-aralan ang aming mga mag-aaral.
Gayundin, lubos ang aming pasasalamat sa LGU Linapacan sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Emil T. Neri. Maraming salamat po sa inyong suporta sa transportasyon at logistics upang ligtas na maihatid ang mga materyales mula sa pier patungo sa ating paaralan. Ang inyong mabilis na pagtugon ay malaking tulong sa aming komunidad.
Ang inyong kabutihang-loob bilang aming mga major stakeholders ay hindi malilimutan. Kayo ang aming katuwang sa pagbuo muli ng mga pangarap ng kabataang Linapacan, anuman ang dumaang bagyo.
Muli, maraming-maraming salamat sa inyong lahat! Maraming salamat, Malampaya Foundation Inc. Malampaya Foundation Inc. at LGU Linapacan! 🤝❤️