26/11/2025
Inumpisahan ni bagyong Tino na wasakin ang aming paaralan, ngayon naman tinapos na ni Verbena ito. Kawawa naman ang mga batang pumapasok sa building na ito. Hanggang kailan kaya ito? Paano kami uusad?
Sa mga gumagawa po ng mga school building, pakiusap lang po na gawin ng tama at nararapat. Kung ano ang pondong nakalaan sana ay gamitin ng wasto. Marami ang magsasakripisyong mga bata sa di magandang gawa.