25/09/2022
Ang pamunuan po ng Lamao Elementary School sa pamumuno ng ating School Principal, Basilisa S. Icasiano, ay BUKAS-PALAD na tutulong sa mga nagnanais tumuloy sa ating paaralan upang maging evacuation area sa panahon ng kalamidad. 🤝
PABATID SA LAHAT NG GAGAMIT NG PAARALAN:
Narito ang mga Alintuntunin na dapat sundin sa pagkakataon na gagamitin ang Paaralan bilang Evacuation Center sa panahon ng kalamidad.
1. Ang lahat ng evacuees ay kinakailangan na makapagtala ng kanyang pangalan, tirahan, at contact number sa official Log book ng paaralan.
2. Panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng paaralan lalong higit ang mga silid-aralan at mga palikuran.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ang pakikialam o paggamit ng ano mang gamit na pag-aari ng paaralan.
4. Ang ano mang gamit na pag-aari ng paaralan na masisira o mawawala sa panahon na naroroon ang mga evacuees ay kanila itong pananagutan. Maaaring itong palitan o kumpunuhin.
5. Ang matipid at masinop na paggamit ng kuryente at tubig ay kinakailangan.
6.Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusugal, pag-iinuman sa loob at labas ng paaralan ng nakalalasing na inumin, paninigarilyo, at ano mang bagay o gawain na makasisira sa imahe ng paaralan.
7. Hindi pinahihintulutan ang mga maling asal tulad ng pagmumura, pag-aaway at iba pang mga asal na hindi tama at hindi maganda.
8. Bago bumalik sa kani-kanilang tahanan, ang mga evacuees ay kinakailangan na may isang g**o o kawani ng paaralan na magbibigay ng clearance. Ito ay katibayan na maayos at walang nasira, nawala o ano mang naging problema ang evacuees sa kanilang pamamalagi sa paaralan.
9. Ang paggamit ng paaralan bilang evacuation center ay nararapat na ipagbigay alam sa tanggapan ng Punong Barangay upang maging katuwang ng paaralan sa pagpapatupad ng alituntunin at pagbabantay sa buong paaralan at mga evacuues.
10.Ang pag lagda ng mga evacuues sa kasunduang ito ay katunayan ng kanilang pag sang-ayon sa mga isinasaad na alituntunin.
Ang paaralan ay ang pangalawang tahanan ng ating mga anak, kaya ingatan natin ito. Salamat po at ipagdasal natin ang kaligtasan ng bawat isa.
18/04/2022