Paaralang Elementarya ng Herrera

Paaralang Elementarya ng Herrera This is the official FB Page of Herrera ES (SDO Ligao City)

📢 PAANYAYA sa lahat ng magulang at stakeholders!Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa General SPTA Meeting at Orientati...
10/06/2026

📢 PAANYAYA sa lahat ng magulang at stakeholders!

Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa General SPTA Meeting at Orientation ng DepEd 3-Term School Calendar ngayong Hunyo 11, 2026, 1:00 NH sa Paaralang Elementarya ng Herrera.

Tatalakayin din ang mahahalagang usapin tulad ng SPTA Election, mga programa ng paaralan, at iba pang plano para sa darating na taong panuruan.

Sama-sama po nating itaguyod ang mas maayos at matagumpay na edukasyon para sa ating mga mag-aaral! đź’™

Kitakits mga Herreranians!! Maligayang Pagbabalik sa Paaralan.
07/06/2026

Kitakits mga Herreranians!!
Maligayang Pagbabalik sa Paaralan.

03/06/2026

📢📢📢
Paalala po sa mga magulang, sa Lunes, June 8, 2026 na po ang pasukan para sa Taong Panuruan 2026-2027.

Iwasan po ang pagenroll sa araw mismo ng pasukan.

Mag-enroll na at magBrigada na po. Wag nang antayin ang Lunes.

Maraming Salamat po.

📣 ANUNSYO MULA SA PAARALAN Mga Update sa Pagbabalik-EskwelaSY 2026–2027Narito ang mahahalagang petsa at gabay para sa li...
22/05/2026

📣 ANUNSYO MULA SA PAARALAN
Mga Update sa Pagbabalik-Eskwela
SY 2026–2027

Narito ang mahahalagang petsa at gabay para sa ligtas at maayos na pagbabalik sa paaralan:

🗓️ MAHAHALAGANG PETSA
✅ Hunyo 1–5, 2026 – Brigada Eskwela
✅ Hunyo 1–5, 2026 – Enrollment
✅ Hunyo 1–11, 2026 – Oplan Balik Eskwela
✅ Hunyo 8, 2026 – Simula ng Klase

📌 MGA KINAKAILANGAN SA PAGPAPATALA

đź‘¶ KINDERGARTEN
•Dapat ay 5 taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2026 (DepEd Order 015, s. 2025)
•PSA Birth Certificate (Photocopy)
•Accomplished Basic Enrolment Form

🎒 BAITANG 1 (GRADE 1)
•PSA Birth Certificate (Photocopy)
•ECCD Checklist
•Certificate of Completion
•Accomplished Basic Enrolment Form

📚 BAITANG 2–6 (GRADE 2–6)
•School Form 9 (Report Card)
•Accomplished Basic Enrolment Form

🔄 TRANSFEREES
•PSA Birth Certificate (Photocopy)
•School Form 9 (Report Card)
•Accomplished Basic Enrolment Form

✨ Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Brigada Eskwela upang maihanda ang paaralan para sa ating mga mag-aaral. Sama-sama nating gawing ligtas, maayos, at masaya ang pagbabalik-eskwela!

đź“© Para sa iba pang mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa paaralan.

👉 Tara na at mag-enrol na! Kita-kits sa pagbubukas ng klase!

05/05/2026

🥳ABISO SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL🥳
​Handa na ba kayong matuto at maglevel-up? 🚀
​Magsisimula na po bukas, Mayo 6 hanggang Hunyo 3, 2026, ang ating ARAL Reading at ARAL Mathematics! Layunin ng programang ito na mas mapatibay ang kakayahan ng ating mga mag-aaral sa pagbabasa at paglutas ng mga mathematical problems.
​Mahahalagang Paalala:
​Petsa: Mayo 6 – Hunyo 3, 2026
​Layunin: Pagpapaunlad sa literasiya at numerasiya ng mga bata.
​Paalala: Siguraduhin pong maaga ang ating mga mag-aaral at dala ang kanilang mga kagamitan.
​Ang edukasyon ay tuloy-tuloy para sa mas maliwanag na kinabukasan. Kita-kits bukas!

Para malaman kung sino ang mga kasama sa ARAL Program, Makipag-ugnayan lamang sa nga G**o mula sa Grade 3, 4&5.

ISA NA NAMANG TAGUMPAY!🎉​Muli nating napatunayan ang galing at dedikasyon ng Paaralang Elementarya ng Herrera! Buong pag...
22/04/2026

ISA NA NAMANG TAGUMPAY!🎉
​Muli nating napatunayan ang galing at dedikasyon ng Paaralang Elementarya ng Herrera! Buong pagmamalaki nating ibinabahagi ang mga bagong pagkilalang natanggap ng ating paaralan para sa Unang Quarter ng CY 2026 na iginawad ngayong araw, ika-22 ng Abril 2026 mula sa ginanap na 2nd Division Regular Mancom Meeting sa Bernese Hotel, Paulog, Ligao City:
​✅ TOP 2 sa buong Ligao City (mula sa 55 na paaralan) para sa 100% Liquidation at Timely Submission ng School MOOE. Ito ay patunay ng ating maayos, tapat, at mabilis na serbisyo sa aspetong pinansyal.
​✅ CERTIFICATE OF RECOGNITION para sa ating tagumpay sa aspeto ng karunungan:
​Reading: Zero (0) Emerging Learners sa Grade 1 at 2.
​Numeracy: Zero (0) Emerging Learners sa Grades 1, 2, 4, 5, at 6.
​Ang karangalang ito ay bunga ng pagtutulungan ng ating mga g**o, magulang, at mga mag-aaral. Sulong, Herrera! 🚀
​

Pagkilala sa Pagkakaisa at Pagkakawangawa🤝✨​Matagumpay na naisagawa ang Outreach Program sa Paaralang Elementarya ng Her...
27/03/2026

Pagkilala sa Pagkakaisa at Pagkakawangawa🤝✨

​Matagumpay na naisagawa ang Outreach Program sa Paaralang Elementarya ng Herrera sa pakikipagtulungan nina Hon. City Councilor Jona Peñalosa at ng PNP Ligao City noong ika-25 ng Marso 2026
​Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Konsehal Jona at ng adbokasya ng kanyang pamilya na magbigay-pugay sa mga biyayang natatanggap sa pamamagitan ng pagtulong sa iba. Lahat ng mag-aaral ng paaralan ay nakasalo sa inihandang pa-goto, habang ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 ay nakatanggap ng mga regalo.
​Ang buong pamunuan ng Herrera ES ay bumabati kay Councilor Jona ng isang Maligayang Kaarawan at nagpapasalamat sa PNP Ligao City sa kanilang walang sawang pakikilahok sa mga ganitong gawain.
​




Address

Herrera
Ligao
4504

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paaralang Elementarya ng Herrera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category