05/05/2026
Magsisimula na po BUKAS ang ARAL Summer 2026! 🌞📚
Inaanyayahan ng Paaralang Elementaraya ng Layon ang mga piling mag-aaral na makiisa sa 20-araw na programang pampagkatuto na layong palakasin ang pagbasa, pagbibilang, at iba pang mahahalagang kasanayan ngayong bakasyon.
Kaakibat ng ating adhikaing “Sa Paaralang Elementarya ng Layon, Dekalidad na Edukasyon Aking Baon,” layunin ng programang ito na gabayan ang bawat bata tungo sa mas maliwanag na kinabukasan sa isang masaya at makabuluhang kapaligiran.
📅 Mayo 6 – Hunyo 2, 2026
📍 Layon Elementary School
Magtulungan tayo—mga magulang, g**o, at stakeholder—para sa patuloy na pag-unlad ng ating mga mag-aaral.
Makilahok. Matuto. Umunlad. 💜
Layon Ligao