07/06/2026
Magandang araw sa lahat ng mga mag-aaral, mga magulang/guardian, PTA, alumni, at mga kapwa stakeholder!
Malugod naming kayong binabati sa opisyal na pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027 ngayong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Sa pag-umpisa ng bagong taon ng pagkatuto, dalangin namin ang kalusugan, sigla, at tagumpay para sa bawat mag-aaral. Sama-sama nating gagawin ang paaralan na isang ligtas, masigla, at masusing lugar para sa pag-unlad—sa akademiko, emosyonal, at panlipunang aspeto.
Sa ating mga magulang at guardians, taos-puso ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at p**ikipagtulungan. Inaanyayahan namin kayo na maging aktibong katuwang sa paghubog ng pag-aaral at kabutihan ng inyong mga anak.
Sa ating butihing Mayor Fernando V. Gonzalez, PTA Officers sa pamumuno ni G.mng Irene Valenzuela, Barangay Council ng Tuburan, sa pamumuno ni Punong Barangay Wilfredo Propogo, at mga alumni, maraming salamat sa walang sawang suporta at pagiging inspirasyon sa ating komunidad. Ang inyong mga kontribusyon at karanasan ay mahalaga sa pagpapayabong ng kalidad ng edukasyon dito sa LECS.
Sa ating mga stakeholder at partners, Brgy. Kagawad Cherry H. Cadag sa paglaan ng TUPAD sa paralan…salamat sa pagtutulungan upang mas mapaigting pa ang mga programa at serbisyo para sa ating mga mag-aaral.
Mga Paalaala:
• Mangyaring sundin ang mga patakaran ng paaralan at health protocols para sa kaligtasan ng lahat.
• Makipag-ugnayan sa inyong mga class advisers para sa mga anunsiyo at schedule.
• Huwag mag-atubiling lumapit sa Guidance Office o School Clinic kung kailangan ng tulong o karagdagang impormasyon.
*Para sa mga mag-i-enroll pa lamang, mangyari po lamang na dumiretso sa Opisina ng Punong-guro para sa paunang proseso at gabay.
Muli, maligayang pagbabalik-eskwela! Nawa’y maging taon ito ng pagkatuto, pagkakaisa, at mga bagong oportunidad.
Sama-sama—isa tayong LECSian learning community!
Malugod na bumabati,
Ang inyong Punungguro, Sir Eric at lahat na Kawani ng LECS💞