20/02/2026
PINARANGALAN at kinoronahan ang mga piling mag-aaral ng Bacong Elementary School sa ginanap na Search for Prince and Princess of Hearts 2026 noong Miyerkules, ika-18 ng Pebrero 2026. Ang nasabing patimpalak ay matagumpay na naisagawa sa harap ng mga magulang, g**o, at iba pang panauhin.
Ang mga nagkamit ng pangunahing parangal ay ang sumusunod:
Prince of Hearts 2026 – Sean Angelo P. Pajalla
Princess of Hearts 2026 – Mikaela Merl Orcio
1st Runner-Up
• John Michael C. Asiado
• Angel Maureen P. Quidess
2nd Runner-Up
• Ejay M. Pontigon
• Mae Jhudel P. Dalma
3rd Runner-Up
• Leomar O. Delafuente
• Jayniebev N. Cardinal
4th Runner-Up
• Axel A. Perera
• Ma. Noella C. Peñafiel
5th Runner-Up
• Clyde P. Colle
• Princess Joy L. Mirando
Bukod sa pagkakaloob ng mga pangunahing parangal, buong husay na rumampa, sumayaw, at nagpakilala ang dalawampu’t pitong (27) kandidato. Ang mga espesyal na parangal ay iginawad batay sa masusing paghusga ng mga hurado na sina G. Edu P. Baronda, Gng. Corazon B. Pesino, Gng. Cyrill O. Maraya, at Gng. Merryrose N. Allorde.
Kabilang sa mga iginawad na special awards ang mga sumusunod:
• Best in Ramp
• Best in Production Number
• Best in Self-Introduction
• Best in Long Gown/Male Suit
• Best in Casual Wear
• Mr. and Ms. Photogenic
• People’s Choice Award
Bago tuluyang magtapos ang programa ay isinagawa ang pormal na turn-over ceremony bilang bahagi ng pagpapatuloy ng tradisyon ng patimpalak. Isinuko ng Prince of Hearts 2023 na si Steven Ace P. Pajalla at ng Princess of Hearts 2023 na si Princess Angel P. Sueto ang kanilang mga korona bilang hudyat ng pagtatapos ng kanilang panunungkulan.
Ang mga nasabing korona ay pormal namang tinanggap at isinuot sa Prince of Hearts 2026 na si Sean Angelo P. Pajalla at Princess of Hearts 2026 na si Mikaela Merl Orcio, na magsisilbing bagong kinatawan ng karangalan at inspirasyon ng paaralan.
Ang gawaing ito ay isang Income Generating Project (IGP) na pinangunahan ng mga opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) sa pangunguna ng kanilang pangulo na si A***n Joy R. Quides. Samantala, si Gng. Febie R. Onesa ang nagsilbing event coordinator. Layunin ng IGP na makalikom ng pondo para sa pagbili ng mga kagamitang kailangan ng paaralan, tulad ng mga monoblock chairs at band equipment, upang higit pang mapabuti ang kapakanan ng mga mag-aaral.