05/09/2026
π΅πβ¨ PANGWAKAS NA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA AT ASEANπ
Matagumpay at makabuluhan ang ating Pangwakas na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ASEAN, na pinatingkad ng malikhaing KULTURA BOOTH CONTEST ng bawat baitang at seksyon. π
Itinampok ng ating mga mag-aaral, kasama ang mga g**o at magulang, ang yaman ng kulturang Pilipino. Mula sa mga tradisyon, sinaunang kagamitan at artifact, hanggang sa mga kakaning minana sa mga naunang salinlahi tulad ng biko, ibos, sinapot, at turon.π΅πβ€οΈ
Higit sa isang paligsahan, ang Kultura Booth ay naging makabuluhang karanasan sa pagkatuto, pagpapahalaga, at pagpapanatili ng ating kultura.
Taos-pusong pasasalamat kay Gng. Jinneva Liolio, Filipino Coordinator sa mahusay na direksiyon at paggabay; kay Gng. Eva Quintano, School Head, sa walang-sawang suporta; at sa lahat ng g**o sa kanilang pakikiisa at pagtutulungan.
Maraming salamat din sa ating mga hurado sa oras at panahon na kanilang inilaan, at higit sa lahat, sa ating mga magulang na buong puso ang pakikiisa at suporta. π
Kultura natin, kayamanan natin. Ipagmalaki, pahalagahan, at ipasa sa susunod na henerasyon!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
Mabuhay ang Pagkakaisa!