02/06/2022
๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐บ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ ๐ผ๐๐ถ๐ป๐ด-๐จ๐ฝ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ถ๐ฒ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ญ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ
Mainit na pagbati sa mga opisyal ng paaralan, mga administrador, mga faculty member at adviser, mga g**o, at mga magulang ng mga nagtapos, at mga completer ng Taong Panuruan 2021-2022!
Sa ngalan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ipinagmamalaki ko na ipagdiwang ang mga tagumpay, pinagdaanan, at natamong karangalan ng mga nagtapos sa batch na ito at mga mag-aaral na na-promote sa End-of-School Year rites ngayong taon na may temang โGradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubokโ (K to 12 Graduates: Pursuing Dreams and Fostering Resilience in the Face of Adversity).โ
Sa nakalipas na anim na taon, tumalima kami sa aming mandato na pagandahin ang kalidad ng edukasyon, palawakin ang access, at siguraduhin ang kaugnayan nito sa mabilis na pagbabago ng mundo.
Pinagsumikapan ng DepEd na tugunan ang bawat hamon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at reporma sa Kagawaran. Buo naming naipatupad ang K to 12 curriculum at ang mga agresibong reporma ng Sulong Edukalidad na lumikha ng globally competitive na mga mag-aaral at mga g**o. Pinalawig din namin ang aming misyon para sa abot-kamay na edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Alternative Leaning System (ALS) at ng Last Mile Schools program upang maabot pa ang maraming Pilipino. Gayundin, itinatag din namin ang National Academy of Sports (NAS) at Education Futures Unit upang gumawa ng marami pang oportunidad para sa ating mga mag-aaral at maasahan ang kinabukasan ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Tumatalima sa pagpapanatili ng momentum na ito, binuo at ipinatupad ng Kagawaran ang Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP), kung saan nag-alok ang Kagawaran ng ibaโt ibang learning modalities at gumawa ng award-winning na mga inisyatiba tulad ng DepEd TV at DepEd Commons sa kasagsagan ng pandemya. Sa huli, ipinagpatuloy ng Kagawaran ang adhikain nito laban sa di-pangkaraniwang hamon sa pangunahing edukasyon habang tayo ay progresibong nagpapalawak ng muling pagbubukas ng face to face classes sa bansa.
Sa katunayan, ang edukasyon ay tunay na isang shared responsibility. Kung kaya ipinahahayag namin ang aming mataas na pagpapahalaga sa aming mahal na mga magulang at g**o sa pagiging mga katuwang sa pagpapanday ng mga kabataan sa nagdaang mga taon.
Sa Class of 2022, nasa dugo ninyo ang katatagan. Nalagpasan ninyo ang isa sa mga pinakamahirap na panahon sa kasaysayan ng sangkatauhan at sa kabila nito, niyakap pa rin ang edukasyon bilang pangunahing kagamitan sa tagumpay. Naniniwala akong sa inyong masidhing damdamin at layon, makakamit ninyo ang inyong mga pangarap at babaguhin ang mundo.
Nawaโy panatilihin ninyong makamit at ibahagi ang inyong karunungan, bilang magkakasama, makabubuo tayo ng isang bansa ng mga magagaling na mamamayan ng mundo at mga lider sa hinaharap.
๐๐๐ข๐ก๐ข๐ฅ ๐ ๐๐๐ง๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ฅ๐๐ข๐ก๐๐ฆ
Kalihim
[Full message (English): https://www.deped.gov.ph/2022/06/01/secretarys-graduation-message-for-school-year-2021-2022/]