13/08/2026
PAGTUGON SA TAWAG NG TUNGKULIN: PNPA, nagbukas ng pinto para sa mga magiging kadete ng LNHS
ni: Jhaylord Lance Aguirre at Jannatul Firdaous Rahman
Upang magbukas ng mga pinto para sa mga nagnanais na maging opisyal ng pulisya, pinangunahan ni Police Lieutenant Skyler B. Dagacan ang isang Career Guidance Session para sa mga mag-aaral ng Ika-10 hanggang Ika-12 na Baitang ng Lidlidda National High School (LNHS).
Nakatutok ang naturang sesyon sa pagpapakilala sa Philippine National Police Academy (PNPA) - kabilang ang mga akademikong programa, leadership training, mga benepisyo, at malawak na oportunidad sa karera sa pampublikong serbisyo.
Ibinahagi ni Dagacan na buong-buong suportado ng gobyerno ang mga kadete ng PNPA. Bukod sa libreng matrikula at iskolarship, nakatatanggap din sila ng libreng uniporme at buwanang baon upang mas makapagpokus sa kanilang pag-aaral at pagsasanay. Kasabay nito, mabilis din niyang ibinalik ang kasaysayan ng akademya - mula sa Integrated National Police patungong Philippine Public Safety College, hanggang sa maging PNPA.
Ipinakilala rin sa mga mag-aaral ang buhay-kadete sa pamamagitan ng Cadet Corps. Tinalakay rito ang mga pagsasanay tulad ng parade drills, field trips, marksmanship, physical fitness, leadership development, summer training, at tactics exercises. Binigyang-linaw rin ang antas ng mga kadete sa akademya mula First Classmen hanggang sa Fourth Classmen. Ang may pinakamataas na ranggo na namumuno sa buong corpsBukod sa disiplinang militar at akademiko, binigyang-diin din ang immersion ng mga kadete sa komunidad.
Sa ipinakitang video presentation, tampok ang pakikiisa ng mga kadete sa Buwan ng Wika, Intramurals, at Paskong Handog kung saan nagpamahagi sila ng mga regalo at kagamitang pampaaralan sa mga bata. Ayon sa promotional video ng akademya, βIt is more than just an academy - it is a family.β
Sa isang panayam, nag-iwan ng mahalagang payo si Dagacan para sa mga estudyante ng LNHS:βHabang maaga pa, dapat alam na natin kung ano ang kukunin nating course. Nakakatulong ang Senior High School (SHS) para mas maging handa kayo, financially and academically. Seek advice from your parents and teachers kung nahihirapan kayong pumili ng career. βWag kayong ma-pressure sa mga tao o sa mga kaibigan niyo kung pinipilit man nila kayong kunin ang course na gusto nila.β
Nagtapos ang oryentasyon na may layuning ihanda at inspirahing mabuti ang mga mag-aaral na pumili ng landas batay sa kanilang sariling interes, kakayahan, at pangarap sa buhay.