13/06/2026
Magandang Araw sa lahat ng g**o, magulang, at mahal naming mga estudyante!
Maligayang pagdating sa bagong school year!
Sa Monday, marami tayong bitbit: bagong notebook, bagong uniform, bagong kaba. Pero higit sa lahat, bagong pagkakataon.
Jeremias 29:11 ang pangako ng Diyos: _โSapagkat nalalaman ko ang mga plano ko para sa inyoโฆ mga plano para sa inyong ikabubuti at hindi sa ikasasama, mga plano para bigyan kayo ng pag-asa sa hinaharap.โ_
Kaya may 3 paalala lang habang nagsisimula tayo:
1. Magsimula nang may Layunin โ Hindi lang para pumasa. Mag-aral para maging mas mabuting tao. Kawikaan 1:7 โAng pagkatakot sa Panginoon ang pasimula ng karunungan.โ
2. Magsimula nang may Kabaitan โ Colosas 3:12 โClothe yourselves with kindness.โ Maging mabait ka sa kaklase, sa teacher, kahit sa janitor. Doon nakikita si Cristo.
3. Magsimula nang may Pananampalatayaโ Santiago 1:5 โKung kulang kayo sa karunungan, humingi sa Diyos.โ Pag nahihirapan sa Math, Science, o sa buhay - hingi lang. Hindi ka nag-iisa.
Sa mga teachers: Kayo ang mga โschool principalโ sa puso ng bata. Salamat sa sakripisyo niyo.
Sa mga estudyante: Ang school hindi lang building. Dito huhubugin ang pangarap at pagkatao niyo.
Kawikaan 16:3 โIpagkatiwala mo kay Yahweh ang lahat ng iyong ginagawa, at magtatagumpay ka.โ
Kaya sa Monday, pumasok tayong nakangiti. Bagong school year = bagong chapter na isusulat natin kasama si Lord.
Pumasok nang may respeto, mag-aral nang may sipag, umuwi nang may pasasalamat.
Welcome back, everyone!
God bless our classes. God bless our school.
Welcome to SY 2026-2027!